Nakasandal ako sa headboard ng kama habang nakatingin sa labas ng malaking salamin na bintana. Ang ganda ng tanawin sa labas; nagtataasang puno at matatayog na mga bundok. Nakagagaan talaga ng pakiramdam. Umaga na, hindi ko mahinuha kung alas sais na ba o alas siete na, pumapasok na ang sinag ng araw na tumatama pa sa salaming bintana.
Hindi ko alam kung nasaan nakatirik ang bahay na ito. Hindi na rin naman kasi ako nagtanong. Nakakahiya na rin kay Sir Floyd, baka mainis na iyon sa dami ng kakatanong ko sa kaniya. Tsaka. . . Pinakain niya ako kagabi na parang bata. Bigla akong napahawak sa magkabila kong pisngi ng maalala ang pangyayaring 'yon kagabi.
Hay!! Ba't ba gan'on umakto ang isang 'yon. Wala pang isang linggo kaming magkakilala pero. . . hindi ko na maintindihan ang kinikilos niya.
"Good morning, Ate!!" Napalingon ako sa pinto ng iluwa n'on ang aking kapatid. Halatang kagigising pa lang nito dahil namumugto pa ang kaniyang mga mata. Naglakad siya at dumantay bigla sa kamang hinihigaan ko.
Hinawi ko ang hibla ng buhok na tumataklob sa maliit niyang mukha."Good morning Letlet!" bati ko dito. Pagkatapos ay hinalikan ko siya sa pisngi.
"Yeww, Ate. 'Di pa po ikaw nagtotooth brush." Nandidiring saad nito sabay punas sa bahagi ng kaniyang pisngi kung saan ko siya hinalikan.
"Ay, ako na lang kiss mo." Saad ko sabay lapit sa kaniya ng kaliwang pisngi ko, 'yong walang sugat.
Nagaalangan pa niyang ilapat ang kaniyang mga labi bago mahigpit akong niyakap. " Miss mo na si Ate?" tanong ko.
"Opo!" sagot naman niya. Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa leeg ko. Nakakapangulila ang mga yakap ng batang 'to. Hindi ko nakikita ang hinaharap na hindi ko siya kasama. Kung pwede nga lang na hindi na siya tumanda pero. . . hindi naman pwede ang bagay na 'yon. Ilang taon pa at magkakaroon na siya ng sariling isip, magkakaroon ng buhay na hindi na nakadepende sa akin, at baka nga sa isang kisap lang ng aking mata ay tapos na siya ng kolehiyo dahil sa bilis ng takbo ng panahon.
Ilang minuto ang lumipas ay gan'on pa rin ang aming pwesto. Isang kamay ko lang ang nakayakap sa kaniyang maliit na katawan, 'yong kaliwa lang.
Oo, nga pala. Anong araw na ba ngayon? Ba't parang tanghali na ata ang batang 'to nagising? Wala ba siyang pasok?
"Let. . . Wala ka bang pasok?" Hindi s'ya pwedeng umabsent lalo pa at malapit na ang kanilang pagsusulit.
Ilang segundo lang ay sumagot na ito. " Meron po." Niluwagan ko ang pagkakayakap sa kaniya at ganun din naman siya. Nagtataka ko itong tiningnan.
"Oh, ba't hindi pa ikaw naliligo? Baka pagalitan ka na naman ni Teacher Ghie. Sige ka!" Pag-aalo ko dito. May pasok pala ito pero hindi pa siya nag-iintindi.
"Eh Ate. Hindi na mana po ako napasok sa school." Saad nito habang nagpapacute pa.
"Hah?! Ba't di ka na napasok. Wawa naman si Ate, kaya nga ako nagtatrabaho para mapag-aral ikaw." Malungkot ang boses kong saad.
"Eh Ate. Nag-aaral pa rin po ako." Nakanguso nitong saad.
Hindi ko siya maintindihan. Nag-aaral siya pero hindi siya pumapasok?
"Teka Let. . . di ka maintindihan ni Ate." Nakatitig lang ang mga mata nito sa akin.
Ngumiti ito ng nakakaloko bago nagsalita. "Kasi po Ate. . . may nagtuturo nasa akin. Mas magaling pa po kay Teacher Ghie. Hindi po s'ya sumisigaw tapos laging may pagkain." Masaya nitong saad habang pinipisil-pisil pa nito ang ilong ko.
Marahan kong hinawakan ang kamay niya. "Sino?" Nakakapag taka naman ata 'yon.
"Me. Right Munchkin?" Sabat ng lalaking nakasandal sa gilid ng pinto. Agad namang tumalon si Letlet mula sa kama at patakbong tumungo sa gawi ni Sir Floyd.

BINABASA MO ANG
BLOODY LIFE OF MINE
RomanceWARNING: SLIGHT R-18 " She suffered a life that was most likely hell. But I'm the fallen angel that can pull her to that place and make her experience heaven." -Attorney/U.S. Lieutenant Colonel Floyd Silvious R...