Lumabas na ako ng pinto nang pang-apat na kuwarto na nilinisan ko ng banyo ngayon. Ipinahid ko muna ang aking mamasa-masang kamay sa panyong dala ko bago itulak ang cart. Wala nang masyadong gising sa floor na ito dahil maghahating gabi na rin, ngunit may ilan na gising at bumababa pa para siguro mag-paantok sa lounge o pumasok sa trabaho, mayroon kasing ganung mga tao na kahit malalim na ang gabi ay kumakayod pa rin, katulad ko.
Nang makarating sa labas nang elevator ay pinindot ko na ito, agad naman itong nagbukas at inuna ko munang ipasok ang cart at bahagyang iginilid ito at pumasok na rin ako. Pinindot ko na ang 45th floor, masyado nang mataas ang floor na yun nasa 28th floor pa lang ako kaya hintay-hintay lang muna nang ilang minuto.
Habang naghihintay ay hindi ko pa rin mapigilang mag-isip, hindi ko pa natatawagan ang kapatid ko simula kanina baka nag-aalala na yun, pero nagtext naman sa akin si Ate Salli na nakauwi na mana daw si Letlet. Si Ate Salli ang pinag-iiwanan ko kay Letlet kapag may trabaho ako, binabayaran ko na lang siya bilang konsiderasyon sa pagbabantay nya sa kapatid ko kahit minsan ay ayaw nyang tanggapin.
Napatingin ako sa unahan nang bigla itong tumunog, wala pa naman ako sa 45th floor, nang tuluyan ng mabuksan ang pinto nang elevator ay bumungad sa akin ang isang napakatangkad na lalaki, nakapamulsa ito, nakasuot nang hoddie at nakamask pa ng kulay itim kaya hindi kita ang kanyang buong mukha, tanging mga mata lang nito ang kita.
"Goodevening po!", mahina kong saad at tumango pa rito. Hindi naman ito nagsalita ng kahit ano. Mukhang wala sa mood ang guest na ito.
Naglakad lang ito ng marahan gumilid naman ako para magbigay nang espasyo, akmang pipindutin na nito ang 45th floor nang mapansing nakailaw na ito, indikasyon na may baba doon. Ibinalik na lang nito ang kanang kamay sa kaniyang bulsa.
Dahil sa tangkad nito ay pakiramdam ko'y nanliliit na ako sa aking puwesto. Nakakabingi ang katahimikan ang namamayani, nang bigla na lamang tumunog ang elevator. Bahagya pa akong napaigtad dahil sa gulat, mukhang hindi naman napansin nitong lalaki. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang nang pinto ay marahan na itong lumabas.
Lumabas na rin ako at itinulak na paunahan ang cart. Nasa unahan ko lang ang lalaki, hindi kalayuan mula sa akin, mga tatlong dipa. Habang nag-lalakad ay tinitingnan ko ang mga room number nang mga kuwarto.
Room 1045
Room 1050
Room 1055
Room....
Hindi ko na natapos ang pagbibilang ko nang tumigil ang cart na parang may nabangga ito. Napatingin ako sa taong nasa unahan ko. Nandun pa rin yung lalaki at nakatiggil na ito habang nakaharap sa isang pinto, nakita ko na nakadikit na sa kanya yung unahan nung cart mabilis ko na man yung inilayo sa kanya.
"Pasensya na po, Sir. Hindi ko po sinasadya."mabilis na saad ko dito. Dnyiean naman sabi ng ayusin mo na ang pagtatrabaho mo.
Hindi naman ito nagsalita. Humingi na ulit ako nang tawad at nagpatuloy na sa paglalakad ng mapatigil ako at tumingin dito.
"Room 1057," baritonong saad nito. Napatingin naman ako dito, hindi pa rin naman nagbabago ang puwesto.
"Room 1057, "ulit na saad nito sa ganoong tono. Itinaas nito ang isang kamay at itinuro ang numero nang kwarto na nakalagay sa pinto. Oo nga, ito na ang Room 1057.
Pero teka, pano nya nalaman na dito ako maglilinis.
"Ahhh Sir, kayo po ang nakatira dito?" tanong ko dito.
May kinuha muna ito sa bulsa at binuksan ang pinto nang kwarto bago nagsalita. "Ano sa tingin mo?" masungit nitong saad. Tuluyan na itong pumasok sa loob nang kwarto. Marahan na ko na ring itinulak ang cart sa loob at pumasok na rin. Nag-aalangan pa ako kung tutuloy o hindi. Sabi kasi ni Ate Lily wala dito ang may-ari tuwing ganitong oras. Mukhang minamalas ata ako ngayong araw.

BINABASA MO ANG
BLOODY LIFE OF MINE
Roman d'amourWARNING: SLIGHT R-18 " She suffered a life that was most likely hell. But I'm the fallen angel that can pull her to that place and make her experience heaven." -Attorney/U.S. Lieutenant Colonel Floyd Silvious R...