Naglalakad na ako ngayon papunta sa hotel na pinagtatrabahuhan ko tuwing alas siete ng gabi kapag walang pasok sa bar. Minsan kasi ay napapatapat ang duty ko sa hotel at duty ko sa bar, buti na lang at mabait ang manager nang bar at inilipat ang duty ko nang ala-una hanggang alas singko ng hapon.. Napagpasyahan ko na lang na maglakad para hindi hagad sa pamasahe.
Nang umalis ako sa restaurant kanina ay rinig na rinig ko ang pagtatawanan at pagkwekwentuhan nang iba pang staff na kaibigan ni Ava na parang hindi nila ako nakikita. Bago ako umalis ay nagpaalam pa rin ako kay Sir Benj, pumunta ako sa opisina nito, halatang galit pa rin ito sa akin. Nagpasalamat ako at humingi na rin ng pasensya sa aking mga naggawa.
Medyo madilim na rin dahil alas sais na ng hapon, nakikita ko na sa puwesto ko ang mataas na building nang hotel. Mga nasa singkwentang palapag ito na may tatlong libong kwarto at masasabing mayaman ang may-ari nang establisyementong ito dahil sa magagarang gamit na nasa loob nito.
Nang makalapit na ako sa may pinto ay bumati kaagad si Kuya Mikoy sa akin. Siya ang duty tuwing gantong mga oras.
"Magandang gabi, Liit!", masayang bati nito sa akin. Kapag ngumingiti ito ay kitang-kita ang dalawang malalim na dimples nito sa magkabilang pisngi. Nasa edad kwarenta na rin ito at napakabait din na tao. Tuwing break ay siya ang kakwentuhan namin.
"Magandang gabi din, Kuya Mikoy!", masayang bati ko rin dito. Ngunit nang makita nito ang namamaga kong mata dahil sa pag-iyak kanina ay nagbago agad ang ekspresyon nito. Ang kaninang masaya nitong mukha ay napalitan nang pagtataka at pag-aalala.
Napayuko naman ako para hindi na niya matitigan pa ang namumugto kong mata. "Ohh, liit 'bat parang umiyak ka? Gawa ba yan nang Boss mo sa resto? Nakuu....yan talagang boss mo.", nag-aalala nitong saad.
"Ahhh kuya hindi po, napuwing lang po ako kanina sa paglalakad.". Tumingin na lang ako sa ibang gawi at bahagyang kinusot-kusot ang mata para hindi niya ako paghinalaan.
"Naku, liit. Laos na ang ganyang dahilan. 'Bat hindi ka na lang magresign doon?", tanong nitong muli. Alam naman kasi nila ang dinaranas ko sa resto na iyon dahil na rin sa mga pasang hindi ko naman maitago. Sabi nga nila ay ipapulis ko na raw ang mga yun dahil sa pang-aabuso, pero wala naman kasi akong kakayahan sa ganun, kailangan din nang pera at dahil mas may kaya sila paniguradong wala rin akong maggagawa.
"K-kuya, p-pinaalis na po ako dun.", mahina kong saad ngunit alam kong narinig naman nito dahil sa kanyang isinagot.
"Ayy salamat naman! Okay na iyon, atleast hindi ka na nila masasaktan. Ano nga liit?", may halo biro nitong saad. Maganda na rin naman na pinaalis ako roon ngunit hindi kasi maganda dahil lalong hindi na magiging sapat ang kinikita ko sa pangaraw-aarw na gastusin.
"Sige po, Kuya. Lakad na po ako. Salamat po!", saad ko dito at kumaway pa muna ako bago buksan ang glass door papasok nang building.
Narinig ko pa ang pagpapaalam nito. Kahit mabait si Kuya Mikoy ay ayaw ko namang magambala ang kanyang trabaho lalo na at marami na ang mga nagchecheck in nang ganitong oras.
Pagkapasok ko pa lang ay bumungad na kaagad sa akin ang nakakasilaw na ilaw at ang malaking chandelier na nakasabit sa kisami, makaluma din ang disenyo nang sahig, at napakarami din na painting at mga makalumang gamit ang nandirito, mahilig daw kasi sa makaluma ang may-ari.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad, may ilang mga customer pa akong nakasalubong at mga staff na nag-aabyad sa mga customer. Tumango at ngumiti na lamang ako sa mga nakakasalubong ko bilang pagbibigay na rin nang galang.
Lumiko ako sa kanang bahagi at nagpatuloy uli na nag-lakad papunta sa staff room kung saan doon ako magpapalit nang damit. Nang makapasok na ako ay walang ibang tao, maliit lang ang kwarto at punong-puno ng mga nakahilerang damit at iba-iba ang mga ito depende kung saan ka nakaassign.
BINABASA MO ANG
BLOODY LIFE OF MINE
RomansaWARNING: SLIGHT R-18 " She suffered a life that was most likely hell. But I'm the fallen angel that can pull her to that place and make her experience heaven." -Attorney/U.S. Lieutenant Colonel Floyd Silvious R...