May mga maliit na kamay na humahaplos sa kaliwang kamay ko. Dahan-dahan kong iniangat ang talukap ng aking mga mga mata. Nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa itaas. Masakit pa rin ang katawan pero sa tingin ko naman ay kaya ko ng tumayo.
Napaggawi ang tingin ko sa batang hinahaplos ang kamay ko. Tulog na ito, ngunit gumagalaw pa rin ang kaniyang maliliit na mga daliri.
"Let . . ." bulong ko.
"She's been sleeping there a few minutes ago." Isang baritonong boses ang tuluyang nagpagising ng diwa ko.
Lumingon muna ako sa nagsalita. Bahagya pa ko pang pinikit-pikit ang mga mata para tuluyang makita ang istura ng lalaking nagsalita.
"S-sir Floyd" Nakaupo ito sa isang sofa malapit sa may bintana. Nakadecuatro ito habang nakapatong naman ang dalawa niyang kamay sa tigkabilang gilid ng malambot na single sofa.
Wala na ako sa ospital. Ibang-iba ang anyo ng buong kuwartong ito sa puti at amoy gamot na higaan. Malawak ito, hindi naman kalakihan, parang pinagdalawa lang ang kuwarto namin ni Letlet sa inuupahan namin. Maaliwalas din sa mga mata ang kulay at tila ba mamahalin ang pabangong ginamit dito. Tsaka . . . malalaki ang kulay abong mga kurtina na tumatakip ata sa bintana.
"N-nasan po--"
"Your now in my villa, Dnyiean." Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ako. Nakakamangha ang pagbanggit niya ng pangalan ko. Siya pa lang ata ang unang estrangherong maayos at tama ang pagkakabanggit doon ng hindi man lang pumipilit ang dila.
Teka, tama ba ako ng narinig. Villa? Bahay 'yon ng mayayaman hindi ba? Pero p-paanong napunta ako . . . kami ng kapatid ko dito? Ito na ba 'yong tulong na sinasabi niya? Ang gusto ko lang naman ay matulungan niya akong protektahan ang kapatid ko at kahit hindi na ako. Maggagawa naman 'yon sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng proteksiyon galing sa mga pulis. At isa pa may mga trabaho pa ako . . . baka masesante na naman ako kung hindi na naman ako makakapasok.
Gusto kong sumandal sa ulunan ng kama pero nahihirapan ako dahil may balot pa rin ang aking braso, gayundin ay nakayakap na sa akin si Letlet, humihilik na ang bata.
Sandali lang ay tumayo si Sir Floyd sa pagkakaupo nito, lumakad ito papunta sa kaliwang gilid ng kama kung saan natutulog ang kapatid ko.
Nagulat ako ng marahan niyang buhatin ang bata gamit ang malalaki nitong bisig at isinandal nito ang ulo ni Letlet sa kaniyang balikat. Hindi naman nagising ang kapatid ko sa ginawa niya, yumakap pa ito sa leeg ni Sir Floyd. B-bakit h-hindi naggising si Letlet 'e hindi naman 'yon nagpapakarga sa kung sino-sino. Tsaka . . . ayaw niya ng ibang amoy bukod sa damit ko.
"Ililipat ko lang si Letlet sa kabilang kwarto." Hindi ako nakapagsalita ng sabihin niya 'yon. 'Yong boses niya hindi naman 'yon galit o ano. Malamyos lang ang tono nito at medyo mahina, siguro ay dahil tulog ang kapatid ko.
Kabilang kwarto? Gaano na ba katagal akong natutulog na para bang magkakilala na ang dalawa?
Lumabas na si Sir Floyd bitbit ang tulog na tulog kong kapatid. Nangingimi na ang katawako, siguro ay dahil hindi ko naiunat-unat ng mataggal. Napatingin ako sa suot ko ng mapansing hind na 'yon ospital gown. Kulay puti na itong pantulog. Te-teka, si-sino ang nagpapalit ng damit ko? S-si Sir Floyd ba? Hindi naman siguro, baka may iba pang tao dito bukod sa aming tatlo. Oo, meron Dnyiean. Tama na ang pag-iisip ng kung ano-ano.
Pinilit kong maisandal ang aking katawan sa headboard ng kama. Nagtagumpay naman ako.Napahawak ako sa tiyan ng kumulo 'yon. Nakakahiya 'mang aminin pero na-nagugutom na ako. Iniangat ko ang makapal na kumot na tumatabon sa aking paa hanggang sa may tiyan. Gusto kong tingnan kung malaki pa rin ang pasa na naroon. Hinila ko ang laylayan ng bistidang suot ko hanggang sa aking sikmura. G-ganun pa rin ang pangingitim n'on, mas lalo pa itong tumingkad at ang gilid no'n ay may may magkahalong berde at dilaw ng kulay. Ibinalik ko na ang pagkakaayos ng aking damit.

BINABASA MO ANG
BLOODY LIFE OF MINE
RomanceWARNING: SLIGHT R-18 " She suffered a life that was most likely hell. But I'm the fallen angel that can pull her to that place and make her experience heaven." -Attorney/U.S. Lieutenant Colonel Floyd Silvious R...