Chapter 21

31 8 0
                                    

Hindi ko alam kong gusto ko lang ba na pumunta sa banyo o sadyang. . .kinikilig lang talaga ako. Paano kasi itong si Sir Floyd nakatulog na ata sa balikat ko kanina. Mukhang sanay ata ang isang 'yon sa malalamig na lugar.

Ilang minuto ba kaming nakababad doon?

Argh! Hindi ko alam!

Basta matagal.

Umahon na kaming lahat sa tubig, mga kalahating oras na ang nakakalipas. Kung hindi pa niya napansin na nangangatog na ako ay hindi pa kami aahon. Nadatnan na lamang namin ni Sir Floyd na nakapagbihis na pala ang mga bata at ngayon ay abala na lang sa paglalaro.

Nandito na ako ngayon sa kwarto. Nakapagpalit na rin ako ng puting T-shirt at itim na pants. Pahirapan pa sa pagdadamit kaya naman nag magandang loob na si Ate Lily na tulungan akong isuot ang T-shirt na hindi ko alam kung kay Sir Floyd dahil anlaki naman nito para sa akin .

" Ate Lily. . . nakakahiya naman po sayo," saad ko dito. Nakaupo lang ako sa gilid nang kama habang siya ay abala sa pagtutupi ng isang malaking puting tuwalya. Inayos na rin niya ang ilang mga gamit dito kahit sobrang linis naman.

" Ayy ano ka ba! Para ka namang bago't bago ay," nakangiting ani nito sa akin.

"Naaabala pa kasi po kayo dahil sa akin," nakatungo kong saad. Hindi naman na kasi nila ako responsibilidad. Nakakahiya na sa kanila lalo na kay Sir Floyd. Hanga ako sa mga katulad nilang may mga busilak na kalooban. Minsan nga naiisip ko na lang na sana. . . sana sila na lang ang pamilya namin ni Letlet.

Sana. . .

" Oh, ba't ka na naman umiiyak, Liit? " Ibinaba niya ang hawak-hawak bago lumapit sa akin. Niyakap niya ako at ganoon din naman ang ginawa ko.

" A-te, salamat po! Maraming-maraming salamat po! " Hagulgol na saad ko dito. Hinigpitan ko lalo ang yakap sa kaniya. Inalo naman niya ang likod ko. Ang sarap nang ganitong pakiramdam na may taong kahit hindi mo man kadugo ay handang dumalo sayo lalo na sa mga oras na katulad nito.

" Shhh. . . tahan na, Liit. Naluluha na din ako ay, " natatawang saad nito.

Totoo ang mga anghel. Isa na dito ang katulad ni Ate Lily, Ate Salli, Alloyd, at Rimmy.

" Tama na nga ang kadramahang ito. S'ya sige na. . ." ani nito. Bahagya pa ako nitong hinalikan sa noo bago naglakad na palabas nang pinto.

Pinahid ko naman ang aking mga luha gamit ang kaliwa kong kamay. Dalawang bagay lang naman ang nakakapagpatulo nang luha ko, kung hindi sakit ay saya naman.

Hihikbi pa sana ako nang mapagtanto ko ang isang bagay.

" Ang panget ko nga pala umiyak," bulong ko sa sarili. Nang minsan ko kasing tingnan ang sarili sa salamin dahil syempre gusto kong makita ang sarili ko habang umiiyak ay napangiwi na lang ako sa nakita. 'Yong mukha ko parang ginuyumos na papel, mga mata ng bilasang isda, at 'yong ilong na dinaig pa ang hinog na kamatis sa pula.

" You're cute."

" Ay takteng kabayo! " Napaigtad ako nang magsalita si Sir Floyd, nakadantay lang ito sa likod sa gilid ng pinto, nakapamulsa habang nakasilay ang nakakaloko niyang ngiti.

" Are you upbraiding me? "nakangiti pa ring ani nito. Hindi ba siya nauumay sa kakangiti? Kung ako yan ay sumakit na ang panga ko.

Mayamaya pa ay dahan-dahan siyang lumakad papalapit sa akin kaya naman ako'y napaakyat na lang sa kama.

" Oyy, Si-Sir Floyd hah. Hindi kita minumura," pagbabanta ko dito. Pero itong si Sir Floyd naman ay parang aning lang.

" Oh, why? Peanut. . . ba't ka umakyat diyan? " natatawa nitong saad na nasa gilid, baba lang nang kama. Nakatinga ito sa akin.

BLOODY LIFE OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon