Chapter 11

81 14 0
                                    

"Miss, mag-pahinga ka muna hah. Babalik ulit ako mamaya para icheck ka." Malumanay na saad ng babaeng nurse. Tinurukan lang niya ng gamot ang swero ko tsaka umalis. Mahapdi sa ugat ang gamot na itinurok niya.

Iniupo ko muna ang sarili bago sumandal sa headboard ng kama.Mag-isa na lang ako dito sa kuwarto, nasa ospital pa rin. Gabi na, nagdahilan na lamang ako kay Ate Salli ng tumawag ito na may importante lang akong lalakarin kaya hindi muna ako makakauwi. Pero hindi dapat ako magtagal dito. Kumalma naman na ako ngunit hindi ko pa rin maiwasan na maramdaman ang kaba. Lalo na't ang lalaking 'yon . . . hindi ko pa rin siya nakikilala. Napagpasyahan ni Ate Lily na ireport ang nangyari sa mga awtoridad, bukas daw ay pupunta ang mga pulis dito para makausap ako.

Napapikit ako ng maramdaman ang medyo pagsakit ng aking kalamnan, napahawak pa ako do'n ng bahagya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto, maririnig ang yabag mula sa kung sino man na pumasok. Hindi ako nag-mulat, siguradong ang nurse na naman 'to. Ang bilis naman niya atang bumalik

"Nurse, ang bilis nyo naman pong bumalik." Marahan lang ang pagkakasabi ko dito. Pero ng walang magsalita ay nag pasya na akong imulat ang mga mata.

Ngunit imbis na ang makita ko ay ang babaeng nurse, ang buungad sa akin ay ang maskuladong katawan ng guest sa room 1057. Nakatayo lang ito sa gilid ng nakasaradong pinto, nakapamulsa habang nakatingin sa akin.

"A-anong . . . Ahm, S-sir ka-kayo po p-pala." Nauutal na saad ko. Anong ginagawa niya dito? Papagalitan nya ba ako dahil hindi ko nalinisan ng maayos ang kwarto niya.

Palpak na naman Dnyiean!

Sakit ka talaga sa ulo!

Hindi naman ito nagsalita, hindi naman siya mukhang galit. "Pa-pasensya na po Sir. H-hindi k-ko po natapos ang paglilinis sa banyo n-nyo kagabi." Dugtong ko pa sabay yumuko pa ako ng bahagya kahit masakit sa balikat.

Lumakad ito palapit sa akin, hinila niya ang isang bangko na gawa sa metal, inilagay 'yon sa kaliwang bahagi ng gilid ng kama bago umupo ro'n. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Ganyan na nga ang kalagayan mo. Iniisip mo pa rin ang trabaho mo." Seryoso nitong saad. Bakit gano'n siya magsalita. Seryoso pero parang may bahid ng pag-aalala.

"How are you feeling?" Tanong nito. Hindi naman ako makapagsalita sa kanya. Dapat pinapagalitan niya ako dahil hindi ko naggawa ang trabaho.

"A-ah, ayos na mana po ang pakiramdam ko." Hindi na mana gano'n kasakit, may mga oras lang talaga na kumikirot pero ayos na mana ako.

"Good." Tipid na tugon nito. Nag-iba ang tono ng boses nito na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

Ilang minuto pa ay tanging katahimikan lang ang namayani sa aming dalawa. Nahihiya man akong magtanong ay hindi ko maiwasan. "Ba-bakit po kayo Sir nandito?" Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit, dahil siguro ay malakas lang talaga ang awra nitong lalaking kausap ko.

"To help you." Napaangat ang tingin ko sa kanya ng sabihin niya ang bagay na iyon.

Totoo ba na tutulungan niya ako?

"I'm a private attorney slash military officer. So you can trust me." Natulala ako sa sinabi niya. Isa pala siyang attorney at nasa militar pa. Nakakamangha siya.

Pero . . . kung tutulungan niya ako. Syempre may bayad 'yon at alam ko naman sa sarili ko na wala akong perang pambayad sa kanya. Hindi ko nga alam kung paano ko mababayaran ang bill sa ospital na ito, siguradong malaki-laki rin 'yon.

"Pero kung tutulungan n'yo po ako . . ." Halos lahat naman ng bagay sa mundo ngayon ay napapaikot na ng pera. Wala ng libre.

"Kung nag-aalala ka sa pera. You don't need to worry. It's free."

BLOODY LIFE OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon