Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nabasang text kanina. Paano nakuha nang taong yun ang number ko? Hindi naman ako kung kani-kanino nagbibigay, wala rin naman akong ibang pinagsasabihan.
Naglalakad na ako kasama ang mga bata papasok nang hallway nang kanilang eskwelahan. Nauuna ang tatlo sa akin, pinapagitnaan ni Tonton at Tintin si Letlet. Diretso lang ang mga itong naglalakad patungo sa malaking gate nang school habang nagkukulitan, maya-maya pa ay napaggawi ang tingin ko kay Letlet nang tumigil ito at tumingin sa akin.Tumigil din ang kambal na tila ba ay nagtataka.
"Ate, ayows ka lang po ba?", kunot ang noong tanong nito. Taka ko din naman itong tiningnan.
"Ah o-okay lang naman si Ate, Let.", saad ko dito. Mukhang hindi naman siya naniniwala dahil hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nang mukha nito. Marami na ring mga estudyante at bata ang napapatingin sa amin dahil hindi pa rin kami naglalakad.
"Kasi po kanina ka pa Ate Dy na tinatawag ni Letlet.", bigla namang saad ni Tonton. Hindi ko naman narinig na may tumatawag sa akin. Masyado na atang okopado ang utak ko para mapansin ang bagay na yun.
"Hindi ka po nagsasalita.", dugtong pa ni Tintin sa sinabi nang kambal.
"Ah, ayos lang naman si Ate mga bata. Hindi ko lang siguro narinig kanina, pasensya na po.", pinilit ko na lang na magsilay nang ngiti para hindi na sila magtanong o mag-alala pa. Mukha namang medyo naniwala na ang kambal pero itong kapatid ko...........nag-aalala pa rin akong tinitingnan.
"Let, tara na! Malalate na tayo!", pag-aaya na ni Tonton at inakbayan na ang kapatid ko na ganun pa rin ang reaksyon. Ayaw pa sana ni Letlet na tumalikod pero senenyasan ko na ito na maglakad na ulit. Hirap talaga magtago sa isang 'to masyado siyang metikolosa.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang makarating sa gate. Tumigil muna kami at ipinakita na nang mga bata ang sari-sariling mga I.D nito para sila ay makapasok na. Pero bago pumasok si Letlet ay niyakap muna ako nito. Medyo lumuhod naman ako para maging magkapantay ang aming taas.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito." Let, ubusin mo baon mo mamaya hah, wag ikaw papagutom. Pag-uwi mo mamaya sabay ka ulit kay TonTin, baka gabihin ulit si Ate mamaya. Habang wala si Ate kila Tita Salli ka muna hah. Pakabait ikaw.", pag-papaalala ko dito. Nakatingin lang ito sa mga mata ko na parang kinikilatis niya kung may problema ba.
"Hayy wag ka mag-alala bunso. Okay lang si Ate, makalbo man si Kuyang Guard.", sabay turo ko sa guard na napatingin sa amin. Napatawa naman ito sa sinabi ko, napatango-tango na lang ito nang tingnan din siya ni Letlet.
"Ohh diba, pati si Kuyang guard nadamay pa.", ngiting saad ko dito.
"Promise po yan, Ate?", tanong nito habang nakataas pa ang kanang kamay na parang na nunumpa pa.
"Opo, promise!" Itinaas ko rin ang kanang kamay ko na katulad nang sa kanya. Bigla naman ako nitong niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Sige na Let, baka magalitan ka na ni Teacher Ghie." Bumitaw na rin ito sa pagkakayakap at iniaayos na ang kanyang bag. Tumayo na rin ako.
"Babyeeee Ate Kooo!" Masayang paalam nito habang kumakaway na paalis.
"Babyeee Bunso Kooo!" Pagpapaalam ko rin dito atsaka kumaway pabalik. Hinitay ko muna siyang makapasok nang tuluyan bago ako umalis.
Medyo malapit lang ang school sa kalsada, kaunting lakad lang ay kalsada na kaagad. Pero imbes na sumakay nang trisykel ay naglakad na lamang ako, malapit lang din naman ang talipapa dito. Nang makalipas ang hindi katagalang paglalakad ay nakarating na rin ako sa talipapa, medyo maraming tao sabay pa ang tirik na tirik na araw. Buti kanina ay hindi masyadong mainit dahil maaga pa naman.

BINABASA MO ANG
BLOODY LIFE OF MINE
RomansaWARNING: SLIGHT R-18 " She suffered a life that was most likely hell. But I'm the fallen angel that can pull her to that place and make her experience heaven." -Attorney/U.S. Lieutenant Colonel Floyd Silvious R...