Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ko kanina.
Argh!
Nakakaasar!
Ano 'yon? Bakit ko ba naimik ang bagay na 'yon?
Ang hirap namang magpanggap na hindi mo sila naiintindihan. Hindi na naman ako bata para hindi maintindihan ang sinasabi nila kanina pero . . . ayon nagmaang-maangan na naman ako.
Pinagtawanan tuloy.
Kahit naman siguro high school student ay alam ang bagay na pinag-uusapan nila. Kahit nga elementarya ay alam ang bagay na 'yon. Lalo na sa panahon ngayon. At saka itinuturo na rin naman iyon sa mga bata, hindi para gawin nila kundi para malaman nila ang mga posibilidad na mangyari. Tsaka parte rin naman iyon ng katawan ng tao.
Hindi naman sa sinasabi kong hindi na lahat ay inosente pero ako kasi . . . masasabi kong matandain na ako mag-isip at bukas na rin ang isipan ko sa mga ganiyan.
Pero kahit magkaganoon man ay pinangangaralan ko naman ang sarili sa mga bagay na dapat at hindi dapat gawin. Gusto ko rin namang maging mabuting ehemplo sa kapatid ko.
" Feelingerang inosente ka ha," mataray na ani ni Rimmy na ngayon ay tila madrastang nakaupo sa isang french bistro.
Simple ko lang naman itong tiningnan.
Naandito kami sa labas ngayon mga limang dipa lang malapit sa pool. May apat na bangko kasi ditong nakahanay. Nakita ko naman si Rimmy na dito nakatambay kaya ayon nakiusyoso na rin ako sa kaniya. Lumipas na ang maghapon kung saan-saan lang ang paroon at parito ko para libangin ang sarili. Hindi naman masyadong nakakainip sa lugar na ito. Malamig ang simoy ng hangin at maganda rin ang tanawin. Masasabi ko ring pakiramdam ko ay ligtas kami sa lugar na ito.
Abala rin kasi ang mga bata sa paglalaro kanina. Ngayon ay nasa kuwarto na dahil napagod na sa kalalaro. Si Ate Salli ang nagbabantay sa kanila. Iniisip ko lang kung paano naiwan ni Ate Salli ang sugarol na asawa ng mag-isa. Si Ate Lily naman ay abala sa kusina, gustuhin ko mang tumulong ay lagi naman niya akong pinipigilan. Nagluluto siya ng pulutan nitong mga kalalakihan. Nagkayayaang mag-inuman. Ayon, nandoon sila sa kabila nitong pool. Tahimik lang naman sila, minsan ay nag-iinoman. Ang bilis nga lang makihalubilo ni Alloyd sa dalawang banyagang lalaki. Hmm, sino nga ba namang hindi masasanay e lagi naman siya ang nakikipag-usap sa mga banyagang guest.
" Ehemm . . . alam mo Liit. Di ko alam kung nagpapanggap ka lang o hindi."Lumingon naman ako sa kaniya.
" Bakit naman?" Niyakap ko ang sarili at hinaplos ang magkabilang braso dahil sa malamig na hangin na dumadampi doon. Medyo manipis din kasi ang T-shirt kaya tumitiim din sa balat ang lamig.
" Inosente 'yong mukha pero hindi ko alam kung ganoon din 'yong isip," nanlilit ang mata niyang ani.
Napangiwi ang labi ko dahil sa sinabi niya. Grabe naman ang tingin niyang iyon sa akin. Inosente ang mukha pero hindi inosente ang isip?
Mayamaya pa ay mapanukso ako nitong tiningnan. Pinagtaasan ko naman siya ng dalawang kilay. Naku, alam ko na ito.
" Naiintindihan mo 'yong pinag-uusapan namin kanina no! Ikaw ha! " ani nito habang nakakaloko siyang nakangiti.
Ipinatong ko muna ang kaliwa kong siko sa maliit na lamesa bago humalumbaba. " Oo, hindi ko naman ikakaila 'yon. Minsan kasi kailangan mong umakto na hindi mo alam. Nakakahiya naman kay Ate Lily tsaka kay Sir Floyd kung sasabihin kong ang pinag-uusapan niyo kanina ay---hmmmp hmmp."
Naputol ang pagsasalita ko ng bigla niyang takpan ang bibig ko. Probleman nito?
" Ayytttss! Ingay mo Liit. Wala ding preno ang bibig mo e no." Kunot noo ko naman siyang tininganan.
BINABASA MO ANG
BLOODY LIFE OF MINE
RomanceWARNING: SLIGHT R-18 " She suffered a life that was most likely hell. But I'm the fallen angel that can pull her to that place and make her experience heaven." -Attorney/U.S. Lieutenant Colonel Floyd Silvious R...