Yung pakiramdam na halo-halo ang emosyon katulad ng kahihiyan, inis, dismaya at iba pang hindi ko na maipaliwanag. Nandito na ako sa banyo ngayon at malapit na rin namang matapos, nilalagyan ko na lang nang pabango ang buong cr. Spray dito, spray doon kahit kasuluksulukan ay nilagyan ko na. May iba kasing costumer na nagrereklamo pa kahit maubos na ang perfume na ginagamit ko sa bawat banyo. Hindi ko alam baka isa ang lalaking yun sa kanila. Hindi ko na rin matiis ang mga nakikita sa kwarto kanina dahil walang suot na na pang-itaas ang lalaki kanina, tanging sweat shorts na kulay gray lang ang suot nito habang busy sa kanyang laptop, nakaupo ito at nakasandal sa headboard nang kama.
Napailing-iling na lang ako sa lakas nang loob nang lalaking yun.
Isang puslit pa at hayan tapos na. Inamoy ko pa ang hangin sa loob nang banyo at napakabango na lalo, kanina pagpasok ko amoy rosas na kaagad. Nahihiwagaan pa rin ako kung bakit pa nagpapalinis ang guest na ito.
Ibinalik ko na sa lagayan ang mga ginamit ko at lumabas na nang cr, pagkaharap na pagkaharap ko ay tumambad kaagad sa akin ang walang kibong lalaki, ganun pa rin ang puwesto nito at tutok na tutok pa rin sa kanyang laptop. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ba siya giniginaw? Nakafull ata ang aircon sa kwarto na ito, pero parang wala lang sa kanya ang sumisiim sa balat na lamig.
Naglakad na ako sa cart at ibinalik na doon ang mga gamit. Humarap na ako dito at nagsalita na para mag paalam.
"S-sir, ahm....tapos na po ako sa banyo. Malinis at maayos na po doon. Goodmorning po and thank you for choosing Claire de Lune Hotel," nakangiting saad ko at tumungo pa rito. Dapat kasi kailangang nakangiti palagi kahit yung customer ay galit o wala sa mood, masungit na katulad nang isang 'to.
Lumakad na ako palapit nang pinto at inikot na ang doorknob nun para buksan ng wala akong matanggap sa salita mula sa lalaki. Nang mabuksan ko na ay bumalik ako kung nasaan ang cart at itinulak ko na iyon. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas nang pinto ay may malamig na kamay ang humawak sa aking kaliwang braso dahilan para mapahinto ako.
Napasinghap ako nang magsalita ang may-ari nang kamay na ngayon ay nasa gilid ko na pala at nakatingin sa akin.
"B-bakit po Sir? Ma-may iba pa po ba kayong kailangan?"kinakabahang saad ko habang nagpipilit pa rin na ikurba ang aking mga labi. Nakakatunaw ang mga tingin niya, kung katulad lang ako nang ibang babae ay baka tumitili na ako ngayon.
"Take this," saad nito sabay abot nang lilibohing pera na sa tingin ko ay limang libong piso. Tiningnan ko lang iyon at akmang itataas ang kanang kamay para mag "hindi na po" sign, pero hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at inilagay sa aking palad ang pera.
'Bat ba hindi ako makapagsalita o makatanggi man lang.
"Pero Sir m-masyado naman po atang malaki yan," nahihiyang saad ko dito. Oo, malaki talaga yun dahil isang buwan ko na iyong sahod sa restaurant.
Tiningnan lang ako nito tsaka iniaalis na ang kamay na kaninang nakahawak sa kamay ko, isinuksok niya iyon sa bulsa nang kanyang shorts bago nagsalita.
"May mas malaki pa diyan," seryoso nitong saad. Pera naman yung tinutukoy niya hindi ba? Eh ano pa nga ba Dnyiean, may iba pa ba?
"Ah, Thank you po Sir!" tanging mga salitang inilabas nang bibig ko at nagvow ulit dito ngunit napansin ko na napakurba ang kilay nito. Ayaw ba niya nang pinapasalamatan.
"And.....by the way, ikaw na lang ulit ang maglinis nang kuwarto ko bukas. I already talked to the manager," seryosong saad nito at biglang sinarado ang pinto. Huh? Nakalabas na pala ako, ganun na ba ako kalutang?
At ano?! Babalik pa ako dito bukas? Diba ibinigay lang naman ni Ate Lily ito sa akin? At panong nakausap na niya ang manager?
Isinantabi ko na lang ang iniisip at nagsimula na ulit magkalakad papunta sa elevator para bumaba na. Tumingin muna ako sa wristwatch ko at nakitang mag-aalauna emedya na pala nang madaling araw. Nang makapasok na nang elevator ay hika na ako nang hikab, kinukusot ko na lang ang mata na ngayon ay sumasakit na dahil sa antok at pagod.
Nang makarating na ako sa baba ay agad akong tumungo sa staff room para ilagay na roon ang mga ginamit ko at para magpalit na rin.
May mga tao rin naman dito sa staff room pero iilan na lang dahil ang iba ay nagsiuwian na. Abala ako sa pagaayos nang mga panlinis nang may marinig na parang nagtatalo dahil sa medyo kalakasan ang mga salita nito. Maya-maya pa ay nagbukas na ang pinto at iniluwa noon sila Alloyd at Rimmy na nagunahan pa sa pagpasok. Tumingin pa ang ilang staff at halatang kinikilig pa ang mga ito dahil sa pagdating ni Alloyd.
"Sabi na kasing ako na, ayan tuloy, jollibee kasi!" asik ni Rimmy kay habang mataray itong nakatingin kay Alloyd na ngayon ay hawak-hawak na ang kaliwang balikat nito na para bang may masakit doon.
"Anyare sa inyo?" tanong ko dito.
"Ito kasing magaling na assistant ay nagpakajollibee na naman," saad nito sabay cross arms. Mukha siyang girlfriend na nagtatampo dahil sa inaasta niya. Habang itong isa naman ay iniinda pa rin ang kung ano mang nasa balikat nito.
"Syempre, ako lang naman ang may kayang magbuhat nun. 'Bat ikaw kaya mo ba?" saad nito at pinandidilatan pa nang mata si Rimmy. Ganito talaga ang dalawang ito, sanay na rin kami sa mga ganitong tagpo.
"Ehh di ikaw na, porket chix lang yung guest," saad ni Rimmy na parang may halong selos sa tono nito.
"Syempre, chix na iyon. Grasya mula sa langit," masayang saad nito. Para kaming nanonood nang magjowa nang-aaway.
"Kaya ko naman iyon, epal lang ayy," saad muli ulit ni Rimmy.
"Ehhh di oh sayo na yung tip. Kung yan ang minamaktol mo," saad naman ni Alloyd habang inaabot ang pera kay Rimmy na dinukot nya sa bulsa.
Pinandilatan naman ito ni Rimmy at dinuro pa. Mukhang may hindi na naman magpapansinan bukas.
"Tingin mo sa akin mukhang pera!"sigaw nito kay Alloyd.
"Uyy tama na yan mga kabebs." sita ko naman sa mga ito.
Alis na kami!
Good mornight na guys!
Byee!
Saad nang iba naming kasamahan bago lumabas na nang pinto. Hindi na ako nakapagpaalam dahil nagmamadali na silang lumabas. Napabalik naman ang tingin ko sa dalawa na magkatalikuran na ngayon.
"Magtigil na nga kayo, para kayong bata," asik ko sa mga ito.
"Hindi ako, yang isa na yan immature," inis na saad naman ni Rimmy.
"Di ako immature hah," sagot naman ni Alloyd.
"Oh sya sya, magtigil na kayo.", tumayo ako at pumagitna sa dalawa dahil hindi na naman ito magpapansinan bukas. Nagmukha tuloy akong anak nila.
Kaya naman.... may naisip akong kalokohan.
"Alam niyo.....mukha kayong magjowa na nag-aaway, ang cucute niyong tingnan. Nakakakilig.", masayang saad ko na para talagang kinikilig.
"YUCKS!", mabilis naman nilang saad.
"Eww, liit. Di ako magkakagusto diyan.", saad naman ni Rimmy na parang may pandidiri sa tingin nito kay Alloyd.
"Me either. Ano ako hilo!", saad din ni Alloyd na may parehong ekspresyon kay Rimmy.
Pinipigilan ko na lang na matawa dahil sa mga reaksyon nila.
"Oh, change topic na lang.", pagiiba ko nang usapan. Para na kasing mga toro itong mga kasama ko.
"So, anong meron dun sa room 1057?", tanong ko sa mga ito.
Nakatingin lang ako sa unahan nang walang matanggap na kung ano mang sagot sa mga ito. Kaya naman napatingin na lang ako sa mga ito, nakatingila na ako kay Rimmy at nanlaki ang mga mata ko sa reaksyon nito.
Nakakatakot ang ngiti niya. Napabaling naman ako sa gawi ni Alloyd at ganun din ang reaksyon sa mukha nito habang nakatingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/372625730-288-k539899.jpg)
BINABASA MO ANG
BLOODY LIFE OF MINE
Lãng mạnWARNING: SLIGHT R-18 " She suffered a life that was most likely hell. But I'm the fallen angel that can pull her to that place and make her experience heaven." -Attorney/U.S. Lieutenant Colonel Floyd Silvious R...