Chapter 9

96 16 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa madilim na eskenitang 'yon dahil sa sobrang sakit nang mga tinamo ko sa katawan. Nakita ko na lang ang sarili sa loob nang maliit na drug store na bumibili nang bulak, alkohol at band aid.

"Miss, tabi na. Kanina ka pa nakatindig diyan." Inis na saad ng babae na nasa likuran ko. Nabalik naman ako sa wisyo sa ginawa niya.

Humarap ako dito at tumambad sa akin ang inis niyang mukha na biglang napalitan nang gulat, nakita kong napatingin pa siya sa kanang pisngi ko.

"Pasensya na po!", paghingi ko dito nang tawad dito sabay lakad na palabas nang drug store. Hawak-hawak ko ang brown na paper bag na naglalaman nang mga binili ko. 'Yong pakiramdamn na naglalakad ka pero parang hindi lumalapat ang mga paa mo sa sementong iyong nilalakaran. Tila ba nakalutang ako sa ere. Patuloy lang ako sa paglalakad may mga beses pa na napapasandal muna ako sa pader para magpahinga kulang na lang kasi ay bumigay ang katawan ko dahil sa panghihina. Pero kailangan ko pa ring pumasok.

Ginamot ko muna ang sugat sa pisngi at nilagyan yun nang band aid. Kailangan ko na ring mag-isip nang palusot mamaya dahil alam kong hindi ako tatantanan ng mga tanong nila. Malapit na ako sa hotel, inayos ko muna ang sarili at pinilit na itaas ang balikat ko na sa tingin ko ay namamaga na. Hindi pa nga maayos ang pasa ko sa kaliwang braso meron na naman at mas malala pa. Hindi ko din alam kung may nabasag o nabali bang buto sa akin. Nalanig na rin ata ang mga lamang loob ko.

Late na ako sa duty ko at siguradong uumagahin na naman ako sa pag-uwi. Hinintay ko muna na may pumasok na kumpulan na tao para makisabay. Kailangan ko munang pumasok sa loob nang hotel na hindi nagpapakita kay Kuya Mikoy. Nakisiksik na ako sa mga taong pumapasok at sa kabutihang palad ay hindi niya ako napansin dahil busy ito sa pagchecheck nang gamit ng ibang guest.

Wala nang tao pagdating ko sa staff room, siguradong nagsimula na sila sa duty kanina pa. Nahirapan ako sa pagpapalit nang damit, nakita ko rin na namumula ang bahaging sinuntok nang kung sino mang lalaking 'yon. Tama nga ang hinala ko namamaga na ang balikat ko, isa pang problema.

Pumunta na kaagad ako sa dapat ay unang kong lilinisan. Mahirap gumalaw dahil kaunting inat, tayo at paggalaw nang mga braso ay napapangiwi na lang ako. Buti ay hindi napapansin nang ilang nakakasalubong kong mga staff at guest ang sugat sa mukha ko, may kalaliman din at medyo malaki ang sugat kaya naman tumatagos ang dugo sa puting band aid na ginawa kong pantapal dito.

Habang naglalakad papunta sa pang-apat na kwartong lilinisan ko ay nakakaramdam na ako nang hilo. Napasapo ako sa bibig dahil parang maduduwal ako. Iniwan ko muna ang cart na tulak-tulak ko at agad na tumakbo sa malapit na banyo. Pagkarating na pagkarating ko pa lang dun ay napahawak na kaagad ako sa sink sabay suka. Sobrang sakit nang sikmura ko. Bigla naman akong pinagpawisan nang makitang pulang-pula nang likidong lumabas sa bibig ko. Masama 'to, napasama ata ang suntok nung lalaki. Agad akong nagmumog at naghilamos.

Kanina pa namumugto ang mata ko kakaiyak. Sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Pinilit ko na lamang mag linis sa pang-apat na kwarto, buti na lang talaga ay walang tao kapag naglilinis ako. Hindi ko lang alam sa room 1057, sana wala dun ang lalaki para makapag linis ako nang maayos. Medyo natagalan din ako sa paglilinis ngayon.

Sumakay na ako sa elevator, sumandal muna ako sa dingding nito. Nabubugbog na rin naman ako dati pero hindi naman ganito. Maliliit na sugat lang ang natatamo ko pero agad din naman yung naghihilom. Pero ito dahil sinikmuraan ako at dalawang beses pa ay siguradong mapapasama talaga ang lagay ko.

Nang tumunog ang elevator at bumukas yun ay hinawakan ko na lang nang mahigpit ang handle nito, bilang suporta sa pabagsak ko nang katawan. Nanghihina na talaga ang mga tuhod ko. Sana wala talaga ang lalaki sa kwarto nito, may extra naman kaming susi sa mga kwartong nililinisan namin para kung walang tao man ay makakapaglinis pa rin.

Pagtapat ko sa pinto nang room 1057 at nag doorbell ay wala namang nagbukas o sumagot. Salamat at walang tao. Kinuha ko na sa bulsa ang susi, nanginginig na ang aking mga kamay. Muntik ko pa itong mabitawan. Nang mabuksan ko na ay nakapatay lahat nang ilaw, tanging liwanag lang sa siwang nang kurtina nang bintana ang nagbibigay nang kamunting ilaw sa buong kwarto.

Ipinasok ko na ang cart. Madadalian lang namana akong maglinis dito dahil katulad kagabi ay malinis na malinis ang buong kwarto. Napatigil pa ako saglit at napahawak muna sa pinto dahil sa pag-ikot nang paningin ko. Sobrang basang-basa na rin ako nang malamig na pawis. Sinarado ko na ang pinto at tsaka nagsimula nang maglinis. Kagaya kagabi ay ganun pa rin ang ginawa ko, napapatigil-tigil pa ako dahil naninigas na ang braso kong namamaga, nahihirapan ko na itong igalaw dahil do'n.

Nang papunta na ako sa banyo, pagbukas na pagbukas ko nang pinto nito ay siya ring pagbukas nang front door.

"So you're here. They said you were absent." Baritonong saad ng lalaki tsaka sinarado ang pinto.

Humarap muna ako dito sabay yuko para hindi niya mapansin ang nasa pisngi ko. "G-Go-good morning po, Sir. Nalate lang po a-ako." Kainis, nanginginig na ang pagsasalita ko. Pinisil ko na lang ang kamay ko dahil sa panginginig nang katawan. Hindi ko ito nakikita, humakbang ito nang dalawa pero kaagad din namang tumigil.

"I see. Stop bending down, clean the comfort room. Para makauwi ka na." Seryoso nitong saad. Agad ko namang itinigil ang pagyuko at tumayo na nang diretso pero nakayuko pa rin ang ulo ko. Tumalikod na ako dito at pumasok na nang banyo. Mukha din namang hindi bad mood ang lalaki.

Pero pagkasarado ko pa lang nang pinto ay hindi ko na naiwasang mapasalampak sa sahig. Hindi naman masyadong kalakasan, ramdam ko na ang panginginig nang buo kong katawan. Pinilit kong makatayo, napahawak na ako sa door knob para lang may pang-suporta. Ngunit hindi talaga kaya, napabagsak ulit ako, sa pagkakataong ito ay nadali ko na ang basket na may mga laman na panlinis. Gumawa ito nang hindi kalakasang tunog dahil sa pag kalat nang mga botelya nang sabon at pabango.

Naririnig ko ang hakbang na papalapit sa pinto. Umiikot na rin ang buong paligid, naramdaman ko ang pagtulo nang basang likido mula sa aking ilong. Nang hawakan ko yun agad ko iyong pinunasan nang kamay, may lumalabas nang dugo sa ilong.

"Hey, open the door! What's that sound?!", sigaw nang lalaki sa labas nang pinto na pilit na binubuksan ang pinto mula sa labas.

"Open the door!", sigaw nitong muli.

Hinawakan ko naman ang door knob. "O-okay lang p-po Sir, nasagi ko lang po yung dala ko." Halata sa na sa boses ko na nahihirapan talaga ako. Lumipat ako nang opo sa may gilid nang pinto. Nakasalampak pa rin ang pagkaka-upo ko ron. Nandidilim na ang paningin ko. Hindi ko na rin nararamdaman ang katawan ko, unti-unti na itong namamanhid.

"You! I said open the do-" Galit nitong saad ngunit nang buksan niya iyon ay sumadali pang iniikot nito ang mata na parang may hinahanap at nang mapatingin siya sa gawi ko ay kasabay naman no'n ang pagpikit nang mga mata ko.

BLOODY LIFE OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon