Chapter 12

72 13 0
                                    

"Do you have a clue to that person who wants to have your sister?" Tanong ng isang pulis na kasama nila Rimmy at Ate Lily na pumasok sa kwarto. Matangkad ito at bilugan ang katawan. May bigote din ito na hindi masyadong kakapalan. Ang itsura n'ya ay masungit tingnan at parang wala ito sa wisyo sa kaniyang trabaho.

Umiling ako dito. "Wala po. Wala naman po akong natatandaan na may taong galit sa amin." Pagpapaliwanag ko dito. Wala naman kasi talaga akong hinuha kung sino ang lalaking yo'n. 

Nakatingin lang ako sa pulis habang may kung anong sinusulat ito sa kanyang dala-dalang talaan. "Meron ka bang natatandaan na maari nating magamit para malaman kung sino ang taong 'yon? Katulad na lamang ng peklat o kulay ng mata, buhok, damit?" Ikinukumpas pa nito ang kamay habang nagsasalita. 

Binalikan ko sa isip ang nangyari ng gabing 'yon, pero wala talaga. "Masyado pong madilim sa parte ng eskenita . . . kaya hindi ko po nakita ang kanyang mukha o kahit damit nito." Napatango-tango naman ang pulis sa sinabi ko. 

"'E ang boses nito, natatandaan mo ba ang paraan ng pagsasalita niya?" Sunod a tanong nito. 

"Medyo garalgal po ang boses nito at parang hindi naman po lalagpas ang edad niya sa trenta, dahil sa mababa lang ang tono ng boses niya." Napakuyom ang aking kamao dahil naririnig ko pa rin sa aking isipan ang inusal ng lalaking 'yon. 

Napatingin muli ako sa pulis ng magsalita ito."Mukhang mahihirapan tayong mahuli kung sino man ang taong may  nagtangka at nagbanta sa iyo at sa iyong kapatid, ija." Napailing-iling pa ito sa kanyang sinabi. Hindi na mana ako nagtaka sa ganong mga kilos, huling beses na pumunta ako sa pulisya ay gan'yan din ang naging reaksyon nila. Hanggang sa na tengga na lang ang kaso. 

"Sige, ija. Magpahinga ka na muna, magaasign ako ng ilang tao para magmanman malapit sa apartment n'yo. Para kung may kahina-hinala man ay maproproteksyunan namin ang buhay ng kapatid mo. Maglalagay din ako dito ng tauhan." Seryosong saad ng pulisya sa akin. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga awtoridad, lalo na sa mga pulis. Pero . . . kinakabahan pa rin ako kahit binibigyan na ako nila ng kasiguraduhan na hindi mapapahamak ang kapatid ko. Isa pa, mas may tiwala pa ako kay Sir Floyd kesa sa mga 'to. Oo nga pala, nangako siya kagabi na babalik daw siya dito mamaya kapag maaga niyang natapos ang importante nitong gagawin.

"Mauna na po muna ako." Pag-papaalam nito sa dalawang kasama ko. 

"Sige po", saad ni Rimmy at medyo kumaway pa sa papaalis na pulis.

"Salamat po!", saad naman ni Ate Lily, siya ang nagsarado ng pinto ng makalabas na ang pulis. Lumapit silang dalawa sa akin. Wala si Alloyd dahil abala ito sa pag-aalaga ng Nanay niyang may sakit ngayon.  

Nakakahiya na sa kanila, masyado na silang naabala dahil sa akin.

"Oy liit. Andaya mo! Nakakainis ka . . . " Bigla namang reklamo ni Rimmy sabay marahang hinampas ang binti ko na natatabunan ng puting kumot. 

Ba't naman biglang na lang nagbago ang mood nito. "Ba-bakit?!" Takang tanong ko dito. Bigla namang ngumisi si Ate Lily na para bang alam niya ang dahilan ng paghihimutok nitong si Rimmy. 

" Paano ba naman kasi, siya na 'yong nakatoka muna na maglinis sa room 1057." Oo nga pala, kagabi ay hindi na ako nakapasok sa trabaho. Eh bakit naman naghihimutok si Rimmy dahil do'n. Mas maganda nga 'yon at kahit papaano sa kanya napapapunta ang tip na nanggagaling kay Sir Floyd. 

"O bakit naman naghihimotok ka Rimmy?" Nakabusangot pa rin ito at inis na nakatingin sa akin. Gusto ko sana siyang aloin kaso . . . hindi ko pa rin naman maigalaw ang kamay dahil sa makapal na  gasang nakabalot dito, kapag naman ay gumagalaw ako ng bahagya ay kumikirot ang aking sikmura. Mahirap din magbanyo buti na lang at mabait ang nurse na nagbabantay sa akin. 

BLOODY LIFE OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon