"Ate! Gising na po, papashok pa po ako. Atee, tute tute talaga nang Ate ko.", maliit na boses nang batang nakaupo na sa tiyan ko habang pinipisil-pisil ang ilong ko. Maga na pala kaagad, parang kakapikit ko pa lang kanina. Hindi muna ako nagmulat o gumalaw.
"Ateeee! Liliduan mo pa po ako, kakaewn pa po ako siopao.", halatang bulol pa ang ilang salita na lumalabas sa bibig nito. Niyuyugyog na niya ako ngayon, alam ko namang hindi pa kami malalate dahil napaka-aga naman gumising ang batang ito.
Kung ano-ano na ang ginagawa nito sa akin, kikulikot ang taenga ko, kinikiliti ako, pinipisil na ang labi ko at pinilit na rin niyang imulat ang mga mata ko gamit ang dalawa niyang maliliit na kamay na sobrang lambot.
Maya-maya pa ay nang akmang pipiratin na nito ang pisngi ko ay agad akong bumangon at niyakap ito. Kiniliti ko ito at tanging ang maliliit niyang hagikgik ang makikinig.
"Huli ka Let! Ikaw hah, aga-aga mo maggising.", saad ko habang kinikilit pa rin ito. Halos para na itong bulateng inasinan dahil sa kakakislag nito sa higaan.
"Ateeeww, tama na po! Heheheh, sakiwt na tiyan Letlet eh!", hagikgik na saad nito.
Tinigilan ko na rin ang pag-kikiliti rito. Ngunit hagikgik pa rin ito nang hagikgik habang hawak-hawak ang kanyang dalawang kili-kili.
"Hayyy, naku! Inday baduday, magtutupi na si Ate. Tayo na riyan.", saad ko dito. Agad naman nitong inayos ang kanyang buhok na naggulo. Tumayo na rin naman ito at tumalikod pero bigla din naman itong humarap na may patalon pa at nakaamba na parang nagpapatentero. Pumuwesto na rin naman ako na parang katulad nang kanya. Sabay naming itinaas ang kanang kamay.
"Isha!"
"Dalwa!"
"Tawtlo!"
Sabay baba nang aming kamay, na parang nag mamaiba taya. Nakaharap sa akin ay ang aking palad at ang sa kanya naman ay ang likod.
"Ayyy, taya na naman Letlet." saad nito. Pero imbis na malungkot ito dahil natalo ay bumungisngis pa ito na parang excited na excited.
"Ohhh, taya na si Ate kahapon.", saad ko naman dito. "So ngayon ikaw naman ang.....", dugtong ko pa.
"Heheheheh, sige pow ako na mag-iinit nang siopao.", masaya pa rin ang ekspresyon nang mukha niya nang sabihin niya iyon, ngumiti pa ito na labas ang bungi niyang ngipin bago lumabas nang kwarto at nagtatalon-talon pa. Araw-araw ganito ang tagpo naming magkapatid, kaya kahit kaming dalawa lang ay hindi naman ako nababagot. Napakamasiyahing bata kasi ni Letlet at napakatalino pa. Lagi siyang nangunguna sa mga exam at minsan ay ipinanlalaban pa ito sa mga kompetisyong akademiko. Dapat ay nasa ikalawang baitang pa lamang ito pero dahil na excel siya nang isang taon ay nasa ikatlong baitang na kaagad ito.
Niligpit ko na ang higaang nagulo dahil sa kulitan naming magkapatid. Inayos ko na muna ang bag nito, napabuntong hininga ako nang nakitang iilan na lang ang pahina nang pad nito at kaunti na rin ang tinta nang ballpen na ginagamit niya sa eskwela. Sakto pa naman ito ngayong maghapon.
Nang maayos ko nang lahat ay lumbas na ako nang kwarto. Nadatnan ko ang lamesa na may dalawang platito na may lamang tig-isang siopao, umuusok pa ito, halatang kakahango pa lamang. Si Letlet naman ay nakaupo na sa puting bangko habang pakampay-kampay pa ang dalawang paa, nakapatong ang dalwang braso nito sa lamesa na para bang kanina pa ako hinihintay. Dinaluhan ko naman kaagad ito at halatang excited nang kainin ang siopao na nasa platito.
"Ate kaen na po tayow. One siopao for you, one siopao for me.", masayang alok nito sa akin.
"Sige na bunso, kain ka na muna bago si Ate." Hindi naman ito nagpatumpik-tumpik pa at sinunggaban agad ang siopao. Kahit araw-araw akong nagdadala nito ay hindi pa rin siya nasasawa. Hindi ko muna ginalaw ang siopao na nasa harap, masaya ko lang itong pinanood habang kumakain. Kahit malaki ang siopao sa kanyang maliliit na kamay ay alalay lang ang paghawak nito dahil medyo mainit pa. Mabilis lang niya iyong naubos, tiningnan niya ang nasa platito ko.

BINABASA MO ANG
BLOODY LIFE OF MINE
RomanceWARNING: SLIGHT R-18 " She suffered a life that was most likely hell. But I'm the fallen angel that can pull her to that place and make her experience heaven." -Attorney/U.S. Lieutenant Colonel Floyd Silvious R...