05

23 4 0
                                    

Hinahabol ko ang hininga ko habang nilalakad ang corridor patungo sa hagdan. Nang bigla akong makarinig ng sigaw at pagtakbo.

"Thea!" nilingon ko si Zander na hinabol din ang hininga kaya ako napatigil. Kumapit siya sa magkabilaang tuhod saka inabot ng isang kamay niya ang isang maliit na flashlight. "Gamitin mo 'to."

Nung una nagdadalawang isip pa 'ko kung aabutin ko ba o ano. Napatingin na lang ako sa kawalan saka dahan-dahang humawak sa flashlight at inalis ito sa kamay niya. Alam ko kung gaano kalaking tulong ang may ilaw kahit na wala sila sa tabi ko.

Nagtanguan kami ni Zander bago niya pa 'ko iwanan sa corridor. Mukhang tanggap ko na talagang gagawin ko 'to nang mag-isa. Tinulak ko ang switch pataas gamit ang aking hinlalaki at nagbigay ito ng maliit na bilog ng ilaw sa dulo ng kabilang corridor na katapat ko.

Naglakad na 'ko palabas saka diretsong binaba ang malaking staircase sa kanang ko, habang nakahawak sa kanang kamay ko ang flashlight na tinututok ko ang ilaw at habang nakahawak ang kaliwa kong kamay sa hawakan ng hagdan.

Nang makababa ako ay mabilis kong hinarap ang bahay. Ang kanang hagdan ay naging kaliwa ko at ang kaliwang hagdang may orasan pa rin na hindi ko binabaan ay nasa kanan ko na.

Bahagya ko na namang narinig ang paghila ng kadena. Ito na naman siya. Tinignan ko na naman ang paligid ko sa pagkakaramdam na nasa tabi ko lang ang kadena. Ngunit wala pa rin akong nakikita. Tanging sarili ko lang na mag-isa sa madilim na mansyon. Nang matigil ng tunog na iyon ay nakahinga na 'ko nang maluwag at binalik ang tingin sa harapan ko.

Pinagmasdan ko ang dilim. It's all black. From the glass door who is slightly opened, to the kitchen who has no door and to the wall from the staircase on my right.

Akala ko ang maliit na bahid lang ng ilaw ko ang nagliliwanag sa itim na paligid. Nang may nakita akong imaheng unti-unting lumalabas sa dingding sa kanan ko. Kinunot ko ang noo ko at tinapatan siya ng flashlight. The whole area was covered in white as Dolores walked out the wall, wearing her long white gown.

Naroon pa rin ang belo niyang pinapakita ang kanyang malumanay na pagmumukha. Hindi niya 'ko nilingon habang patuloy siyang naglalakad nang diretso at patuloy ko siyang sinusundan ng liwanag sa mukha niya.

My blood ran cold as she went through the glass door and disappeared from my eyes.

"Dolores, sandali!" I immediately ran after her. Pinasok ko ang kalahating bukas na glass door at tumambad sa akin ang isang library na may magugulong libro.

Tinutukan ko pa ng flashlight ang mga libro hanggang sa diretso kong inikot ang paligid ko. Nasa tabi ko na si Dolores. Napaatras ako habang nakasandal lang ang kaluluwa niya sa isang bookshelf at siya'y nakatingin sa kaharap pa niyang bookshelf.

Narinig ko ang mahina niyang hikbi habang nananatiling tinititigan ang kaharap na bookshelf.

"Dolores?" tawag ko habang tinututukan siya ng flashlight. Humakbang ako nang isang beses nang makarinig ako ng pagtakbo mula sa labas ng kwarto.

"Thea!"

Narinig ko ang iilan sa mga palapit nang palapit nilang mga boses. Hanggang sa tuluyan ko silang masilayang may mga nag-aalalang mukha sa likod ng glass door.

"Bakit?" tanong ng nauunang si Zander, narinig yata nila ang sigaw ko. Nagsipasok sila sa kwarto nang sabay-sabay nilang nakita si Dolores sa isang bookshelf.

"Anak ng-" singhal ni Aiden at napaatras sa akin. Lahat sila ay nagsisigawan habang siniksik ako sa dingding.

"Aray, tabi!" singhal ko naman. Pumagitna ako habang patuloy pa rin silang nakatitig kay Dolores. Tinitigan ko muna ang mga mukha nila na parang kanina lang ay ayaw akong samahan dito.

Midnight of Terrors: Haunted ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon