Pansamantala ko munang iniwan ang aking palakol at sinimulan kong libutin ang buong unang palapag ng mansyon kay Chelsea. Nakailang sigaw na 'ko. Ngunit kahit saan pa o kahit gaano kalakas na iyon, I see no signs of her. Nasaan na 'yung mga multo rito? Hindi ba kung nakita kong nagmamatyag ang kaluluwa ni Chelsea sa loop, maaari ko ring makita ang iba pang mga multo?
Bumaba pa 'ko ng basement pero walang tao o multo roon. Sa mga oras na 'to, hindi na naaabot ng lalamunan ko ang mga sinisigaw ko. Nasa'n ba ang mga multo rito nang matulungan ako sa paghahanap sa kapwa nila multo?
"Chelsea!" nakakulob na ang mga kamay ko sa magkabilaang gilid ng bibig ko para maihatid ko pa nang mas malakas ang sigaw ko, ngunit wala pa ring nangyayari. Hindi ko pa rin nakikita si Chelsea at maski ang mga multo. Kahit anino ay wala akong nakita o naramdaman.
Ngayon ay umakyat naman ako sa itaas. Inisa-isa ko pa talagang binuksan ang mga pintuan ng mga kwarto at hindi ko na 'to nagawang maisara pa sa pagmamadali. Ilang segundo na lang, nararamdaman ko nang malapit na kami sa climax. Malapit na ang ending ng 'Five Days in Hell' nina Chelsea. At sa pagkakatanda ko, mamamatay na ang limang batang nakakatawan sa mga kaibigan ko. At kung hindi ako aaksyon, mapapahamak sila.
"Chelsea! I know I gave you a hard time, but please, hear me out! I had an idea now to stop the loop!" tumatakbo na 'ko pababa ng hagdan at nagsisisigaw pa rin. Para na akong isang desperadang babae sa kakahanap sa kanya. "And I just really need your help right now! Please, lumabas ka na!"
At sa isang iglap, nagpakita sa gitna ng madilim na mansyon ang imahe ng isang dalaga sa tabi ng isang binata. They were both wearing a jacket, while smiling at me.
It's Chelsea, standing next to the taller guy who I think I have found dead. If I'm not mistaken, Chelsea said that they are siblings.
I smiled when I caught my eyes to theirs. I ran towards Chelsea.
"I have an idea to stop this loop," tila proud ko pang pahayag sa kanya na parang hindi ko siya tinaboy noon.
"So you've learned your lesson? Charot," hirit niya pa, "by the way, Thea, this is my brother, John. John, my new mate, Thea."
"Hi, nice meeting you." Nang matapos siyang ituro sa akin ni Chelsea, inabot niya sa akin ang kanyang kamay nang may malaking ngiti. Agad ko siyang kinamayan at nginitian din bilang tugon.
Naghiwalay na rin ang kamay namin, pagtapos. Grabe, hindi nagbabago, malalamig pa rin 'yung mga kamay nilang mga multo.
"I heard a lot about you for a very short amount of time from Chelsea. I heard that you're here to save your friends?" nakababang kilay na tanong sa akin ni John at tinuro ang dalawa niyang hintuturo at hinlalaki sa akin na parang babarilin niya ako gamit ang kanyang dalawang kamay.
"Yes. They're stucked in the loop and I need to get them away on time. And Chelsea is here to help me, supposedly, but turns out, she needed me more than I needed her. She needs me to help her get away at this mansion."
"Yeah," dagdag ni Chelsea kaya sa kanya ako napatingin. "Kuya's purpose was actually to help me with my purpose so basically we can both manage to escape in this very mansion."
Nagtanguan ang magkapatid kaya nakitango na lang ako. Nakakatuwa lang, dahil nakulong sila sa mansyong ito nang may nag-iisang layunin at iyon ay ang pagtulong sa isa't-isa, which is a very wholesome idea. Dahil para sabay silang makaalis ng imoyernong 'to, kailangan din nilang sabay na magtulungan, bilang magkapatid.
"On the other hand, you said may idea ka na to defeat Victoria, right? How?" tanong ni Chelsea na nagpabalik sa aking sarili. Oo nga pala.
"Not to really defeat Victoria, but to interfere the loop. I mean we can't touch Victoria but we can touch things she can touch," pahiwatig ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/372763381-288-k591642.jpg)
BINABASA MO ANG
Midnight of Terrors: Haunted Manor
HorrorSet in an abandoned mansion-built in eighteen-hundreds, where the group of friends decided to spend the night. As they explore the eerie house, they start experiencing strange things. The tension builds as they try to uncover the dark secrets of the...