Tumigil na rin ang pagpatay-bukas ng ilaw sa kwarto. Agad akong tinayo ng mga kaibigan ko. Pinunasan ko ng aking braso ang aking dugo sa baba ng butas ng ilong ko. Saka kami nagkatinginan lahat at nagkangitian.
Hindi ko na tinigilan pa ang pagtingin ko sa kanilang magagandang ngiti.
Nang bigla kong makita si Elaine na nakatingin sa likod ko. Dahan-dahang nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng kunot ng noo niya. Napalingon ako sa likod ko kung saan nakatingin si Elaine.
Pagkalingon ko ay may dalawang batang nakaupo sa sahig at nakatago ng kanilang mga tuhod. Kumunot ang noo ko at hinarap sila. Saka ko sila nilapitan at niluhuran.
Pinagmasdan ko ang itsura ng batang lalaki. Namumutla ang kulay niya. Nakaitim siyang t-shirt at may hanggang tuhod siyang shorts. May suot pa itong rubber shoes. Mas lalong kumunot ang noo ko nang maalala ko ang itsura niya.
"Edison?" tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya sa akin sa gulat dahil narinig niya ang pangalan niya mula sa aking bibig. Nilingon ko ang aking mga kaibigan at nginitian lang nila 'ko.
Naaalala kong unang beses pa lang pala naming nagkikita ni Edison. Dahil nung unang beses ko siyang nakita, hindi siya iyon kundi si Isabela talaga. Sa tabi niya ay isang babaeng nakasuot ng kulay rosas na dress at namumutla rin.
"Ikaw si Tamara, right?" nalaman ko lang ang pangalan niya dahil nabanggit kanina ni Isabela. Tumango lang ang batang babae sa akin habang nanlalaki rin ang mga mata. "'Wag kayo mag-alala, hindi ako masamang tao. Ako nga pala si Thea."
Nilahad ko ang kamay ko sa kanila at kinamayan ito nina Edison at Tamara.
"Kayo 'yung nagsulat sa salamin kanina, tama?" nakataas kilay kong tanong. Tumango lang sila kaya napatango na lang din ako.
Bakit ko 'yon nalaman? Dahil galing naman kami sa salamin kanina e. And for sure sila 'yung nagsulat kanina roon na humihingi sa amin ng tulong, hindi dahil dito sa kidnapper na 'to, kundi kay Isabela mismo na siyang nagkulong ng kaluluwa nila rito.
Mukha ngang gusto talaga ni Isabela sa mga bata kaya pati 'tong dalawa ay nakakulong dito. Napaisip tuloy ako kung mangyayari ba 'tong lahat ng ito kung hindi nag-cheat si Gregorio. Hmmm . . .
Pero wala naman na 'kong dapat na ikabahala dahil tapos na ang lahat. Ibig sabihin lang no'n, wala nang sumpa. At wala nang kailangan pang tapusin na layunin ang mga kaluluwa rito at matiwasay na silang makakapunta sa afterlife na tinatawag.
Ilang saglit pa kaming nag-usap-usap ng mga kaibigan ko kasama 'yung dalawang bata. Pagtapos ay naisipan na rin naming pakawalan 'yung kidnapper na pahirapan pa naming nakausap.
Buti na lang ay mahaba ang pasensya ko at nakausap din namin siya at nalaman din namin na ang pangalan niya raw ay Mike.
Gabi-gabi raw o paminsan-minsan ay binibigyan siya ng pagkain dito ni Isabela. O minsan daw ay nagpapadala pa raw si Isabela rito ng multo na magaling magluto para sa pagkain niya. And that just proves Isabela has a warm heart.
Nalason lang talaga siya ng ka-demonyohan. And clearly, she has rights to be a villain, but that doesn't mean that what she did is right.
Mabilis kaming nagsiakyatan pabalik sa itaas o sa kwarto ni Dolores kasama itong dalawang batang nagtatatakbo agad sa buong mansyon. Pati na rin itong si Kuya Mike na nakakalakad pa rin naman.
Kita sa labas na kulay gray na ang langit at mag-uumaga na. Sariwa at presko na ang paligid at wala nang halong kababalaghan.
Ilang minuto muna kaming nag-usap ng mga bata bago sila magpaalam sa amin at tuluyan nang naglaho.
BINABASA MO ANG
Midnight of Terrors: Haunted Manor
HorrorSet in an abandoned mansion-built in eighteen-hundreds, where the group of friends decided to spend the night. As they explore the eerie house, they start experiencing strange things. The tension builds as they try to uncover the dark secrets of the...