06

22 4 0
                                    

Tinitigan niya ako ng kanyang nanlilisik na mga mata. Tumayo sa harapan ko na parang istatwang nananatili sa harap ko. Hirap akong huminga sa kaba at halong hindi makagalaw sa mga itsura niya.

Halos makain ako ng kanyang mga mata kasama ng noo niyang nagkukunot mula itaas hanggang sa kilay niyang nagsasalubong. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napatingin na lamang ako sa kanyang cleaver.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang talim ng blade noon at kung gaano karami ang tuyo at sariwang kulay pulang likidong nakapahid doon. Hindi ko na alam kung saan pa titingin.

Diniretso ko na lang ang mga mata niya nang humakbang siya nang isang beses. Nanatili sa gilid ko ang nagsisiksikan kong mga kaibigang pinapanood kaming dalawa.

Isa pang hakbang. Then the two became three, then four. And then became five. I was so scared for a second that I even forgot what I'm doing here.

"Hindi niyo alam ang ginagawa niyo rito," matinis niyang babala. Lalo akong kinabahan sa diin at talim ng mga boses niyang nararamdaman kong sumasaksak sa dibdib ko nang napakadiin, mas madiin pa sa talim ng cleaver knife niyang nararamdaman kong sasaksak sa'kin anytime na tititigan ko iyon.

Hindi na siya muling humakbang pa palapit sa akin saka siya kumaliwa. Sa kaliwa niya. Naglakad siya roon habang kinukumpas ang dalang cleaver knife ng kanyang kanang kamay.

"Dolores, 'wag mong hintaying patayin ko ang mga bago mong kaibigan." Narinig ko na agad ang mga hikbi ni Dolores sa 'di kalayuan, dahilan para sundan iyon ni Imelda at dire-diretso lang siyang naglalakbay.

"Thea!" mahinang sitsit ni Kaycee na dali-daling nagpapunta sa'kin sa kanila habang sinusulyapan ko pa ang likod ni Imelda.

Nangunguna si Aiden na nakaabang na sa bukas na glass door. Nakatingin pa kami kay Imelda na nakakalagpas na ng library habang mabagal lang ang paglalakad.

"Go," mahinang utos ni Zander na mabilis na tumapik-tapik sa likod ni Aiden kaya siya dali-daling lumagpas sa kwarto. Sumunod kami sa malalaking hakbang na pilit binabagalan ang bawat pagbagsak ng mga sapatos namin sa kadahilanang baka marinig kami.

Ako, bilang nasa hulihan ay kinuhanan pa ng huling sulyap si Imelda na hindi na kailan pa binalikan matapos akong dalhin ng mga paa ko palabas ng kwarto.

Malalaki pa rin ang hakbang namin habang sinusundan lang namin si Aiden na naglakad paakyat sa isa sa mga hagdan. Hindi ko na agad napansin dahil sinusundan ko lang naman si Agnes na nasa harap ko at pilit ding binabagalan ang paglalakad. Siya ang may pinakalamalakas na paghinga na naririnig ko.

Habang tahimik kong pinapanood ang mga paa kong sinusundan ang yabag at kilos ng nasa harap kong si Agnes, napaisip ako kay Dolores. Napasulyap pa 'ko saglit sa naiiwan na naming pintuan ng library saka kumanan, sa hagdan kung saan dali-daling umakyat ang mga yabag ni Agnes.

Napahawak ako sa hawakan at inalala si Dolores. Oo patay na nga siya pero hindi naman tamang patayin siya muli rito. Kaya napaisip lang din ako sa bawat hakbang ko paakyat. Anong mangyayari pag namatay uli ang patay na?

Well for sure mado-double dead sila. Pero paanong double dead? As in wala na talaga? Wala na talaga sila sa mundong 'to? Erased na sila? As in they don't exist na? They don't hear anything, they don't see anything and they don't feel anything at all na?

As in wala na talaga sila. Forever.

That's exactly what I'm afraid of. The dark. Not as in the dark where I'm currently standing right now. As in the dark where there is nothing but the dark. I mean, yes, of course if I'm cleansed already from this world, hindi ko rin naman mamamalayang tuluyan na 'kong naglaho kasi I won't feel anything naman na.

Midnight of Terrors: Haunted ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon