"Isabela? Are you Isabela Kandayog?" nagkunot ang aking noo. Hindi na 'ko natakot sa itsura niya.
Kanyang tinagilid ang ulo niya para suriin ako ng kanyang nanlilisik na mga mata. Nagdikit-dikit kami ng mga kaibigan ko na kaharap siya. Para bang lahat sila ay natatakot.
"What are you doing? Anong ginagawa mo? Bakit may ganito, ano bang problema mo?" halos mataasan ko na ang boses ko dahil sa kagustuhan kong agad na matapos ito.
"Sino ba kasi ang nagsabi sa'yong patay na 'ko?" natatawa niyang sabi. Pasimple pa siyang ngumiti gamit ang kanyang madudungis na mga ngipin. Pansin ko ang mga sugat sa kanyang daliring pinalilibutan ng iilang uod. At ang kanyang paang puno ng grasa at mga patay na kuko.
"Isabela, hindi ko maintindihan. Ano ba talaga ang tunay na nangyari?" binaba ko ang aking mga kilay para magsilbi itong bahid ng aking pagkagulo.
"Mahigit ilang taon na nang ma-diskubre ko ang hiwaga ng apoy at langis. Tinawag ako ng mga boses na nanggagaling sa ibaba." Pansin ko ang matinis niyang boses ngunit malalim pa rin. "Nanghingi ako ng tulong sa kanila na bigyan ako ng buhay na walang hanggan.
Ngunit, kapalit no'n ang kaluluwang walang hangganan. Sa bawat araw, ipagkakaloob ko siya ng kaluluwang siyang ikukulong dito. At ako naman ay mabibiyayaang mabuhay nang matagal. Pero sinira mo iyon. Dahil hinayaan mo ang ilan sa mga kaluluwang makatakas." Tinuro niya 'ko gamit ang mahabang itim na kuko niya sa hintuturo niya sa kaliwang kamay.
"So wala talagang sumpa ang mansyong 'to? K-Kaya namamatay 'yung mga tao rito kasi pinapatay mo para lang sa . . . buhay na walang hanggan?"
"Oo. Una ang magaling kong kapatid. At saka ang asawa ko. Pagkatapos ay si Dolores." Nag-init ang tainga ko sa narinig ko.
"You killed your daughter?!" malakas kong tanong habang naniningkit.
"Sino naman ang nagsabi sa'yong anak ko siya?" nagpakawala siya ng napakalakas na tawa. "Anak siya ng asawa ko sa magaling niyang kabit! Kay Imelda!"
Bumaba ang tingin ko. "I don't get it . . . but you're Dolores' mother . . . I-Ina ka niya!"
"'Yon ang alam ng mga taong bayan dahil pinakain namin sila ng kasinungalingan. Ako na ang nag-alaga at nagsilbing ina ng anak ni Imelda. Pero ang totoo ay galing sa kanya ang batang iyon. Dapat talaga nung una pa lang pinatay ko na siya at si Gregorio. Pero nangako naman silang hindi na mauulit iyon, sapagkat nangako rin ako na mas malala pa sa pagkuha ng sarili nilang anak ang mangyayari sa kanila kapag umulit pa sila.
Pero anong nangyari? Umulit sila nang umulit. Doon ko na naisipang gawin ang dapat kong gawin. Araw ng kasal ni Dolores iyon. Pinatay ko muna si Imelda at si Gregorio. Pagtapos no'n, sa pag-uwi ni Dolores, naisip kong para saan pa ang dalagang tulad niya kung siya ay hindi ko naman anak?
Pinakita ko sa kanya ang bangkay ng magulang niya sa sarili nilang kama. Hindi siya tumigil sa pag-iyak habang kinukwento ko sa kanya kung gaano kahangal ang kanyang ina. Pagtapos no'n ay sinunod ko siya. Dito mismo sa kwartong ito. Sa kwartong hindi alam ni Dolores. Pinatay ko siya nang tuwid. Dinala ko siya paakyat para sana ilibing silang tatlo nina Imelda sa bakuran."
That explains why Dolores woke up in her bedroom. Maybe nung oras na dinadala siya paakyat ni Isabela ay roon sakto namatay si Dolores. That means, the ghost of Isabela that Dolores was talking about is not even a ghost. It's Isabela herself. At saka niya pinakain ng kasinungalingan si Dolores!
Sinabi niya ang mga kasinungalingan tulad ng pinatay ni Imelda si Gregorio at siya. Pero ang totoo, it's Isabela all along.
"Wait, then how did the rumor spread saying that you died? When clearly, you didn't."
BINABASA MO ANG
Midnight of Terrors: Haunted Manor
KorkuSet in an abandoned mansion-built in eighteen-hundreds, where the group of friends decided to spend the night. As they explore the eerie house, they start experiencing strange things. The tension builds as they try to uncover the dark secrets of the...