01

36 5 1
                                    

Althea

Unang pumasok sa isip ko nang ihakbang ko ang mga paa ko palapit sa gate ng mansyong iyon ay ito na 'yon. May bahid pa ng ngiti sa mga mata ko hanggang sa ihinto ko ang paglalakad at hinarap ang mga kaibigan ko.

"Welcome to the Mansion of the family of Kandayog! Built by Eduardo Kandayog since 1890, inherited to Eduardo's daughters, Isabela and Imelda Kandayog in 1896 and was an infamous orphanage in 1997," I stated joyfully.

Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng malaking bakal na gate ng mansyong napakalaki sa likod ko, habang nakaharap sa lima ko pang mga kasama. Nagdidilim na ang kalangitan at nakikita pa rin namin ang isa't-isa.

"Creepy," tinitingalang kumento ng babaeng nakasuot ng itim na t-shirt at puting pantalon-si Kaycee. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagsulyap sa mansyon sa likod ko. Sa laki ay nababalot pa talaga ito ng mga ulap sa kalangitan. "May mga namatay na ba riyan?"

"Duh, it was built in eighteen-hundreds, of course may mga namatay na riyan." Nakakunot noo pang tinuro ng babaeng nakasuot ng dark green na babydoll dress ang mansyon. Tinitigan na lang siya ni Kaycee nang masama.

"Relax, Elaine, masyado mo namang pinaiinit 'yang ulo mo," nakangiting kumento ni Zander nang nakalabas ang mapuputing ngipin sa tabi ni Elaine. Suot niya ang kanyang maroon na polo at dark green na shorts. Kulot ang buhok niya na lagi kong napapansin sa ganda ng pagkakakulot no'n.

"Ganyan talaga 'yan pag natatakot, nagagalit," depensa pa ng sariling kapatid ni Elaine na si Aiden. Nakasuot naman ito ng gray na long sleeve at walang buhok. Ngumuso pa siya sa ate niya.

"Tse!" Elaine uttered, binugaw ng kamay ang dalawang lalaki sa gilid niya na parang bangaw. Natawang umilag na lang si Zander habang nakanguso pa rin si Aiden. "Pagtutulungan niyo pa 'kong dalawa! Ikaw Aiden, akala mo talaga hindi ka natatakot, baka iwanan ka namin dito."

"Shush, shush, guys, guys, guys, kalma!" sita ko nang nakapikit at nakataas ang dalawang palad sa harap nila, "pa'no natin magagawa 'yung pinunta natin dito kung mag-aaway lang kayo?"

"Uhh, ano nga uli gagawin natin dito?" the usual of Agnes, asking questions that she forgotten the answers. Nako, kung hindi lang pa-baby 'yang maikli niyang buhok at kulay rosas niyang t-shirt at puting maikling shorts, baka sinigaw-sigawan ko na siya.

At the end of the day, Agnes is the baby of the group. Kahit nga palagi siyang pinagagalitan ni Elaine dahil mas advance talaga ang babaeng 'to ay talagang hindi mawawala 'yung fact na bunso namin siya. Si Kaycee naman ang taga-cheer up sa lahat, kahit babae siya, she has the mind of a man, matapang at magiting siya. Kaya niya rin mag-joke, 'yung tipo ng mga 'daddy jokes', ganon.

Si Zander naman, ewan ko ba talaga kung ano siya rito sa grupo namin dahil supposedly, we're group of girls. Pero hindi na namin ikinakaila na pag nandito siya, we feel safe, especially me. Si Aiden naman ay kapatid ni Elaine na palagi na rin namin sinasama sa mga lakwatsa namin dahil makulit at may utak ng adventurous talaga si Aiden. Kakapanood niya ng mga superhero movies and tv shows, parang sa tingin ko tuloy ay mas matalino siya sa mga ganitong sitwasyon kaysa sa'ming lahat.

Nevertheless, we're all childhood friends. We have many differences such as different personalities, hobbies and hangarin sa buhay. But at the end of the day, we're all friends. Kami na ang pinagsama-sama simula nang ipinanganak kami kaya wala nang makakatalo roon!

"Huh, as usual, si pala-tanong," napakamot ng ulo na kumento ni Elaine habang nakatingin sa ibaba. Umirap na lang si Agnes.

"Well, we're going to spend the night in this eerie mansion where we will encounter strange things, unknown, or mga sinasabi ng mga taong ligaw na kaluluwa inside of this extremely big mansion!"

Midnight of Terrors: Haunted ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon