09

19 4 0
                                    

Ilang minuto muna kaming nagyakapan, bago maisip na gumalaw-galaw para sa misyon namin. Kailangan na namin ngayong hanapin si Edison at tulungan siya. At gagawin namin 'yon nang kami-kami lang, ngayong wala nang makakatulong sa amin.

Since nasa second floor na rin naman kami, dito na muna namin sinubukang maghanap ng kaluluwa o kung sino mang pwedeng makatulong sa'min. Ngayon, focused kami sa batang si Edison dahil nangangailangan siya ng tulong. At sa tingin pa rin namin ay siya ang makakapagpalabas sa amin dito.

Kasalukuyan akong naghahanap sa corridor kung saan kami galing, kung saan din pinatay ni Zander si Imelda. I'm currently with Aiden na nasa isa sa mga kwarto sa kaliwa at sa loob naghahanap. Sinusubukan niya ring mag-contact ng mga multo paminsan-minsan pag wala siyang nakikita. Baka raw kasi may multo roon na ayaw lang magpakita.

Hindi ko na 'yon sinubukan dahil baka maubos lang ang oras ko. Kung mayron namang multo, makikita at makikita rin naman namin iyon. Pero sa totoo lang ay natatakot ako na baka si Edison ay nasa tabi lang namin pero ayaw niyang magpakita.

Sa totoo nga, baka pinagtitripan lang kami ng batang 'yon. Kanina pa kasi namin siya hindi makita. To be honest, kung tutuusin, mukhang malaki ang mansyong ito pero pag nasa loob masikip at maliit lang naman. Kaya for sure tinataguan lang kami ng batang 'yon.

Hindi rin naman namin matutukoy kung bakit dahil wala naman kaming alam sa nangyari sa batang 'yon. At isa pa, baka pwede ring tinatago siya mismo ng bahay na ito. To make finding him challenging. Para mapahirapan kami. At kalaunan ay hindi kami makalabas.

O baka naman hindi talaga siya pwedeng magpakita dahil pag nagpakita siya mado-double dead din siya. Maaaring ganon.

Nakakaloka talaga 'tong mansyong ito! Kaya ka nitong pabaliwin sa abot ng makakaya nito. Hanggang sa mamatay ka na rin.

And for the record, sinusulit na lang din namin 'tong gabi sa bahay na 'to sa paghahanap sa kanya. Para pag umabot ng umaga, makalabas na kami. For sure naman mawawalan ng bisa ang ka-demonyohan ng pamamahay na 'to pag lumiwanag na 'no?

As far as I'm concerned, it's probably a win-win pa rin if we will go sa misyon naming paghahanap ng pagkakataong matulungan si Edison. And for sure makakalabas kami.

Paglabas ko sa huling kwarto na bungad ng corridor namin ni Aiden, saktong kakalabas niya lang din sa huling kwarto niya. Nagtitigan kami at umiling siya sa'kin habang nakangiwi.

Agad kaming lumabas ng corridor at sumulpot sina Agnes, Kaycee, Elaine at Zander mula sa kabila at umiling silang apat na ikinahithit ko sa hangin.

Up next, the first floor. Siguro naman may mahahanap kami rito sa laki at lawak ng floor na ito. Mas malaki pa nga ang palapag na ito dahil ang nagpalaki lang sa second floor ay 'yung mga kwarto, sa totoo lang.

Nagsibaba na kaming anim at inuna na ang glass door na aming pinasok. Nandoon na naman kami sa library, and yet wala kaming nakitang kaluluwang nagpapakita.

Come on. Asa'n na ba kayong lahat? Parang kanina lang gusto niyo kaming kuhanin e. Ngayon naman hindi na kayo nagpapakita.

Dinire-diretso namin ang library at doon nakita ang isa pang kwartong may mga kagamitan. It's random but far from here, we saw a head. A half head lying on a bathroom floor.

Nanlaki ang mga mata ko bago ko itapat ang flashlight ni Zander sa banyo para makasigurong ulo nga ang nakita ko. Tama, ulo nga iyon ng isang nakapikit na lalaki.

"Guys," hingal kong sabi and suddenly, my heary raced. Nilingon ng mga kaibigan ko ang banyo at nagulantang sila sa nakita nila. Agad akong tumakbo papunta roon.

Malakas na loob akong pumasok sa banyo at tinapatan pa ang mahabang katawan na nakahiga sa banyo. Nakapikit at nanatiling hindi gumagalaw ang katawan niya. Hinawakan ko siya at nagulat ako sa naramdaman ko. Tinitigan ko ang mga kaibigan ko na nagsipasok din kaya nagsisiksikan na kami ngayon sa banyong ito.

Midnight of Terrors: Haunted ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon