17

11 3 0
                                    

Bahagya niya 'kong tinataas hanggang sa tuluyan nang balutin ng walang hangganan ang aking lalamunan, sa puntong wala na 'kong malunok at maluwa. Wala na 'kong maramdaman kundi ang pagkawala ng aking hininga. Unti-unti na 'kong napapapikit.

Nanghihina's inaantok na 'ko. Pero naalala ko agad ang aking mga kaibigan. Hindi pwedeng ang sakal ng tumatawang demonyong ito ang magpapatigil sa akin. Dapat akong lumaban. Halos isang segundo na lang ay tuluyan na 'kong mawawala sa mundong ito pero agad kong binato ang aking kanang kamay sa leeg ni Victoria.

Minulat ko ang aking mga mata at agad na humugot ng balat sa kanyang gilid ng leeg na nagpatigil sa kanya sa pagtawa. May humiwalay na sunog na balat sa kanya na kasalukuyan kong hawak.

"HAHAHA-" tila nawalan ng boses siyang napatigil at napayuko. Mabilis niya akong nabitiwan, kasabay ng paghiwalay ko sa balat na natanggal ko. Bumagsak ako sa sahig at tinitigan siya, sa likod ng mga hibla ng aking buhok.

Hinawak niya ang kanyang dalawang kamay sa balat na iyon upang mapanatili itong nakakabit. Hiniwalay niya na ang kanyang kamay at nanatili ang balat niyang lapnos at nagkukulay abo.

Hindi ko na napigilang gumapang patayo at tumakbo nang humablot siya sa buhok ko sa likod.

"Ugh!" ungol ko agad at napahawak sa kanyang kamay sa aking buhok. Inangat niya ang hawak sa mga buhok ko na naging dahilan ng pagsayad ng aking mga paa. Lumutang ako at pilit niyang binabanat ang aking mga buhok mula sa ulo ko.

Hinagis niya ang ulo ko at ako'y lumipad palagpas sa kamang pumapagitna na sa amin kasalukuyan. Umuntog ang aking mga tuhod at mga kamay sa matigas na sahig at dahan-dahan na naman siyang tinitigan.

Napangiwi ako sa kanya nang sinubukan niya na namang tumawa habang naglalakad at hinahangin ang suot niyang punit-punit na itim na dress, suot ang kanyang nakakaasar na ngiti at nangingitim na mga mata.

Wala na 'kong nagawa kundi umangos habang pilit na gumagapang kahit na kada-galaw ko ng aking tuhod ay kumikirot ito.

Tinitigan ko na lang ang pintuang bukas, pilit itong nilalapitan habang siya ay naririnig kong tumatawa habang papalapit na sa akin. Umiyak na lang ako nang umiyak habang pilit kong kinakapitan ang madulas na sahig at inuurong ang katawan palapit, sa abot ng aking makakaya.

"HAHAHAHA." Sumabay sa halakhak niya ang malakas na hangin na nagpatulak sa pinto pasarado.

"No!" iyak ko nang mabilis na tumaas ang buong katawan ko't tumalsik patalikod. Patungo sa jalousie glass na tumusok sa likod ko. "Ugh!"

Wala na 'kong nagawa at tuluyang bumuhos sa iyak nang ako'y bumagsak na sa lapag. Napayuko na lang ako. Tumawa na naman siya.

"HAHAHAHAHA." Palakas nang palakas ang kanyang tawa at sa huling sandali ay tinitigan ko siya gamit ang aking mga matang bumubuhos pa rin ang luha.

Niyuko niya ang mukha niyang walang kabalat-balat palapit sa akin.

Saka ako tumingin sa gilid ko. May maliit na drawer, sa ibabaw no'n nakapatong ang isang lamparang di-saksak. Nakasayad pa sa ibaba no'n ang mahaba nitong wire na nakakonekta sa isang saksakan na may dalawang guhit.

Kung bibilisan ko ang kilos ko ay hindi siya magkakaroon ng oras para gamitin ang kanyang kapangyarihan at saktan ako. Inalog ko muna ang laman-laman ko para sa gagawin kong pagmamadali.

Isa. Dalawa. Tatlo, kasabay ang patuloy niyang pagtawa sa akin ang mabilis kong pag-ungol nang ako'y gumapang nang mabilis patungo sa saksakan ng lamparang iyon at hinila ito pababa.

Mabilis na nahulog at kumalas sa isa't-isa ang lampara. Mas lalo pa 'kong napaungol nang maisipan kong tumayo at harapin si Victoria. Napahinto siya sa pagtawa at mabilis kong tinusok sa kanyang gitna ng mukha ang dalawang talim ng saksakang iyon.

Midnight of Terrors: Haunted ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon