Binigyan kami ni Imelda ng huling tingin habang pinaliligiran siya ng lumilipad na abo at unti-unting naglalaho. Habang siya ay naroon lang. Nakatitig sa amin, nakatayo at humihinga. Na parang hindi lang ngayon nangyari ang ganitong bagay.
Pagtapos, tuluyan na siyang umiwas ng tingin sa amin at naglakad nang diretso habang hinahayaan ang kulay pulang likido sa kutslyo niya, isa-isang tumutulo sa sahig at sinusundan ang yabag niya. Nanatili kaming hindi makagalaw sa pangyayari.
Wala kaming masabi sa isa't-isa. Napalunok ako at pinutol ang katahimikan sa pagtakbo sa hagdan sa kanan namin. I felt all of their heads turned to me.
"Thea!" sigaw ni Zander saka ako kumaripas ng pagbaba habang sa baba lang ang tingin. Nawalan ng pagpipilian ang mga kaibigan ko at narinig kong tumatakbo na pahabol sa akin mula sa likod ko.
"Thea, pa'no na natin mahahanap or matutulungan 'yung bata?" nakatingin sa'king tanong ni Kaycee na tumatakbo sa kanan ko at naabutan na 'ko. "I mean, pa'no na natin siya mahahanap kung hindi tayo matutulungan ni Dolores ngayon?"
"Yeah, thanks to Agnes," kumento ng babae sa likod na si Elaine, sumasabay sa yanig ng stiletto niya.
"Sorry na nga e!" bulyaw ni Agnes sa kaliwa ko. Nagsisimula na naman silang magtalo sa gitna ng pagbaba namin pero hindi ko na sila pinansin pa saka ko sinagot ang tanong ni Kaycee.
"If Dolores can't help us then she should," wika ko nang makababa ng hagdan saka lumiko sa babaeng nakakalayo na at unti-unti nang kinakain ng dilim sa dulo.
Narinig ko ang sunod-sunod na yabag ng mga kasama ko sa likod ko na nag-assemble na parang mga superheroes na nakahanda nang umatake. Hinabol ko ang hininga ko at nanatili kami sa kinatatayuan namin.
"Imelda!" ilang segundo pa siyang nagpakain sa dilim, muntik na namin siyang hindi makita ngunit nanatili siya agad sa kinatatayuan niya. "Now that you killed Dolores, you owe us your help."
Sa gitna ng katahimikan sa loob ng mansyon nang masabi ko iyon, dahan-dahan siyang umikot, hanggang sa makaharap namin ang kanyang buong katawan, naliligo sa dugo ng pinatay niyang si Dolores kanina. Naroon pa rin sa kanan niyang kamay ang kutsilyong may tumutulo pa ring dugo.
"You owe us your help, Imelda. Kailangan namin 'yung tulong mo para makalabas kami rito." Napalunok ako sa oras na nakahakbang siya nang isang beses sa gitna ng pulang guhit sa sahig na nilikha ng dugong tumutulo sa kanyang cleaver knife.
Saka siya humakbang na naman. Tinitignan ko lang ang yapak niyang unti-unting na babahiran ng dugo mula sa sahig. Naririnig ko pa ang pagdikit at pagtanggal ng malapot na dugong iyon sa mga paa niya, sa oras na itaas niya iyon para sa sunod niyang hakbang.
Kumunot ang noo ko habang bumibilis ang paghinga. Sa bawat paglapit niya ay mas lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Saka ko unti-unting tinaas ang ulo ko sa mukha ni Imelda. Nakatitig siya sa akin gamit ang kanyang nanlalaking mga mata at kulubot na pagmumukha.
Nagpalabas ako ng napakaraming hininga sa bilis ng tibok ng puso ko. At ang tunog ng puso kong lalabas na sa dibdib ko ay ang tanging naririnig ko. Wala nang iba kundi ang tibok lang ng puso ko.
We're closer to each other now and that made her stopped. And we eyed each other. Doon sumikip ang dibdib ko sa pagkakataong hindi ko na maramdaman ang paggalaw ng mga bagay-bagay sa paligid ko.
"Tulong?" bumuga ako sa hangin nang magsalita siya. "Isa kang hangal na pumasok-pasok dito nang walang pahintulot upang manggulo at gusto mong tulungan kitang makalabas?"
Ngumisi si Imelda at napadikit ako ng baba sa dibdib ko. Pilit kong inaalis ang tingin ko pero may bagay sa mga mata niya ang nagpapanatili sa'king titigan siya.
BINABASA MO ANG
Midnight of Terrors: Haunted Manor
HorrorSet in an abandoned mansion-built in eighteen-hundreds, where the group of friends decided to spend the night. As they explore the eerie house, they start experiencing strange things. The tension builds as they try to uncover the dark secrets of the...