Unti-unti kong dinilat ang mga mata habang malabo pa ang nakikita ko. Nang mahimasmasan ako ay natagpuan ko ang sarili ko sa isang hindi kalakihang kwarto. Mayrong malaking kama sa harapan ko na gawa sa kahoy at may malambot na puting kutson at unan.
Naramdaman ko ang puwetan kong nakadikit sa isang matigas na palapag. Agad akong nagsalubong ng kilay nang tinignan ko ang ibaba ko kung saan ako nakaupo. Nakapang-indian sit pa 'ko kaya mabilis kong nilagay ang tuhod ko pataas.
Pinagmasdan ko muna ang kwarto. Mula sa kama patagilid sa kanan ko at nakita ko na sa gilid ng nakatayong aparador ay may isang malaking salamin na hugis oval at kinakalawang pa ang gilid-gilid nitong kulay ginto. Napakunot ako ng noo habang binababaan ito ng tingin, halos masakop niya na ang buong dingding sa sobrang haba ng salamin na ito.
Sa halip, nasa gitna pa rin naman siya nakadikit. Binalik ko ang tingin ko sa kama kung saan may nadaanan pa 'kong nakasaradong bintana na hindi ko na pinansin pa dahil nakarehas din naman ito.
Sa pagtingin ko naman sa kaliwa ko ay ine-expect ko ang pintuan palabas nang makita ko sa mismong harapan nito ang isang batang lalaking nakatitig sa akin. Sa condition ko ngayon, magkasing-tangkad lang kami dahil nakaupo pa rin ako.
Pinagmasdan ko ang itsura niya. Namumutla ang kulay niya. Nakaitim siyang t-shirt at may hanggang tuhod siyang shorts. May suot pa itong rubber shoes. Hindi ko alam kung kakausapin ko siya dahil hindi siya humihingang malalim ang titig sa akin.
Feeling ko tuloy ay nagbubungguan ang mga mata namin dahil tutok na tutok ang kanya sa akin.
"Hi . . ." Inumpisahan ko nang magsalita. Nginitian ko muna siya as I see no harm in him. Ngunit tulad ng inaasahan ko, hindi siya nagsalita at hindi pa rin gumagalaw.
Halos magpalit na kami ng mga mata sa titig niya. 'Yung bang titig na may galit sa akin. Hindi ko malaman pero naiirita ako. Ngunit bata lang siya kaya hinayaan ko na lang.
"A-Ako si Thea, anong name mo?" nakangiti kong tanong. Kahit na ayaw pa rin niya 'kong kausapin, alam kong naririnig niya 'ko dahil sa mismong mga mata ko siya nakatingin. Hindi ko na alam ang susunod kong itatanong dahil sa tagal niyang sumagot.
"Edison." Nagulat ako nang magsalita siya. Nanlaki tuloy ang mga mata ko sa kanya at nakitang ganon pa rin ang itsura niya, walang pinagbago. Nakatayo at nakatitig pa rin sa akin.
"So nagsasalita ka pala, hindi ka pipi?" sinubukan kong tumawa to lit the room up pero hindi pa rin siya gumagalaw at nakatitig pa rin sa'kin.
Bumuntong hininga ako saka binalot ang dalawang kamay sa binti ko nang mapansin ko ang kanang kamay ko na may buhol ng lubid na nakabalot sa palapulsuhan ko. Pinagmasdan ko 'to nang may paghinga.
Saka ko sinundan ang mahabang lubid at nagtapos iyon sa paa ng aparador sa likuran ko. Agad akong napatingin kay Edison.
"Alam mo ba kung sinong gumawa nito?" nakangiti kong tanong sa nakahinto at nakatitig niyang itsura. Medyo hindi na 'ko makatiis dahil hindi pa rin niya 'ko sinasagot. "So magtititigan na lang tayo?"
Umirap ako sa kanya sabay inalala ang nangyari sa'min bago ako mapunta rito. Tama may pumalo sa akin base sa naaalala ko. Hinawakan ko pa ang naramdaman kong nakatanim sa ulo ko at nakaramdam ako ng bukol. Kumunot ang noo ko.
"Uhh, pwede mo ba 'kong tulungan?" nakangiti ko pang tanong sa bata saka inalok sa kanya ang kanang palapulsuhan ko na may lubid. Hindi ko pa alam kung sino ang may gawa sa'kin nito pero kung sino man 'yon, for sure ay nasa panganib ang mga kaibigan ko.
Hindi ako sinagot ng bata at nakatitig pa rin sa'kin. Sa puno ko ay mabilis akong gumapang palapit sa kanya nang bigla siyang tumakbo palabas na ikinagulat ko pa sa lakas ng tunog ng rubber shoes niya. Napasandal na lang ako sa aparador sa bilis ng pangyayari.
BINABASA MO ANG
Midnight of Terrors: Haunted Manor
TerrorSet in an abandoned mansion-built in eighteen-hundreds, where the group of friends decided to spend the night. As they explore the eerie house, they start experiencing strange things. The tension builds as they try to uncover the dark secrets of the...