19

11 3 0
                                    

"Thea, what is happening!?" sigaw na ni Elaine sa akin.

Kanina pa ako naglalakad-lakad sa kusina sa kakaisip. Hindi ko muna pinapansin 'yung mga ingay nila dahil hindi ako makapag-focus nang maayos kapag ang boses nila ang naririnig ko.

"Okay, would you like to share something in the class?" humalukipkip na siya. Napahinto na 'ko at humarap sa kanila.

"I have a theory, okay? A theory. I just need a proof. A proof!" sigaw ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Teka, ano uli 'yung sabi mo about sa kidnapper? Totoo ba 'yon? Nandito siya, kasama natin?" tanong pa ni Kaycee.

"Thea, hindi ka namin ma-gets, pwede mo bang ipaliwanag?" mahinahon namang tanong ni Agnes. Hindi na 'ko makatiis kaya naisipan ko na lang na ibuhos sa kanila ang lahat dahil baka mas lalo ko lang makalimutan pag pinatagal ko sa utak ko.

"Remember when we still hear those chains even though Dolores is gone? I mean, Dolores is known because everyone were saying that she died in chains, so bakit may kadena pa rin tayong naririnig, ngayong patay na siya 'di ba? What if hindi 'yon si Dolores? What if 'yung kidnapper talaga 'yon?"

"I don't get it. Paano mo naman naisipang 'yung kidnapper 'yon?" tanong naman ni Elaine.

"Just a theory nga! I mean, wala pa 'kong proof or something like that to justify it. All I need is your help, guys. So we can find anything to prove my point," pahayag ko. Hinayaan nila 'kong magpabalik-balik ng lakad habang nagtitinginan na sila ngayon.

"Sige." Napahinto ako nang magsalita si Zander.

Hindi ko napigilang mapangiti sa kanila. Kaibigan ko talaga sila kahit kailan. Pero nawala agad ang ngiti ko nang tumama ang tingin ko sa nakasarang ref sa likod nina Kaycee.

Agad akong tumakbo papunta roon. Pinag-aalis ko sila sa daan at agad akong kumapit sa ref na iyon. Pansin ko ang mga gulat nilang mukhang nakatutok sa akin ngayon.

"Okay, what is happening?" dagdag pa ni Elaine.

"Wait, the foods . . ." Hinila ko pabukas ang pintuan ng refrigerator. Naalala ko kasi nung mga oras na nagpunta kami rito, may nakita sina Kaycee na pagkain dito, tama ba?

As expected, bumungad nga sa amin 'yung mga pagkain sa gitna ng walang ilaw na loob ng refrigerator. Sa pagkakaalala ko, may malaking mangkok na may magkakatabing saging, mansanas at ubas doon.

Ang ibang palapag ng refrigerator ay wala nang laman. Sa pinakababa naman ay may hilahan na siyang hinila ni Kaycee kanina at may nakitang naka-plastic bag na mga junk foods sa loob.

Ako naman ngayon ang humila sa hilahan na iyon at agad iyong binaba sa sahig saka pinadulas sa kanila. Nagkulog pa ang tunog ng plastic bag doon.

"Guys, check the expiration date of the junk foods there, go," nagmamadali kong utos saka ko mabilis na kinuha 'yung mangkok na may mansanas, saging at mga ubas.

Pinatong ko ang mangkok ko sa hita ko. Hinawakan ko muna ang magkabilaang gilid nito bago ako bumuntong hininga at kumuha ng isang saging. Huminga ako nang malalim.

Saka ko bumunot ng balat sa itaas ng saging at dahan-dahan itong binalatan pababa. Bumungad sa akin ang malagkit na balat ng saging nagkukulay itim sa dumi. Kumunot ang noo ko nang bahagyang nagsilabasan ang ilalang langgam roon.

Nang may naramdaman akong umakyat sa kamay ko ay napabitaw na ako sa saging at nahulog iyon sa mangkok. Napatingin ako sa mangkok na iyon at nakita kong mas marami pang mga langgam sa paligid ng mangkok na iyon.

My jaw dropped. Saka ko tinignan silang lahat na may kanya-kanyang hawak na ng junk foods nila at sinusuri na ito.

"What?" nakakunot noong sabi ni Elaine habang nakatitig sa likod ng tsitsiryang hawak niya.

Midnight of Terrors: Haunted ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon