Dumiretso na kami sa corridor sa aming kanan imbis na sa kaliwa dahil doon kami umakyat. Pero naisip namin na baka mas tricky at hindi kami agad mahahanap ni Imelda kapag doon kami nagtago.
The only catch is instead of Imelda, what if Zander is the only one who wouldn't found us.
Pero sa mga oras na 'yon, nagtatakbuhan na kami habang dala-dala ni Agnes ang flashlight ni Zander. Nakay Agnes at Kaycee pa rin ang magkabilaan kong braso. Pero nang makaabot na kami sa pinkadulo ng corridor, ang huling pintuan sa kanan namin ang binuksan ng nauunang si Elaine.
Wala na kaming naisip pa kung anong klaseng kwarto ang bubungad sa amin pero agad din naming pinasok iyon.
"Bilis, bilis, bilis," bulyawan pa namin nang magsipasok kami sabay-sabay, saka sinarado ni Aiden na nahuhuli ang pintuan.
Nagmadali akong nagpilay-pilay na lakad sa dulo ng kwarto, habang nakaalalay sa mahabang mesa sa kaliwa ko.
Hinayaan ko na sina Agnes na iwanan ako at mabilis silang nagtulungan sa may malaking bookshelf na walang kalaman-laman kundi ang mga palapag lang no'n. Walang likuran kaya kitang-kita ko pa sa bawat palapag no'n ang itsura ng lumang pintuang nakasarado, kung saan nila ito hinarang.
Napaatras sila saka naghabol sa hininga nila. Nasilayan ko pa si Kaycee na napahawak sa dalawang tuhod at bumuga nang bumuga ng hangin.
Umupo si Agnes sa kaliwang sulok ng kwarto. Sinundan siya roon ni Kaycee at sabay silang naghingahan. Si Aiden naman ay namataan kong napahawak sa isa sa mga kahoy sa bookshelf, habang nakayukong hinahabol ang hininga. Saka rin siya umupo at sumandal sa bookshelf na 'yon. Sabay tingala at walang humpay na paghabol na naman ng hininga ang ginawa niya.
Pagtapos, si Elaine na lang ang natirang nakatayo sa tapat ng bookshelf na iyon. Walang tunog siyang hiningal saka humarap sa likod niya at doon nagtama ang mga mata namin. Agad niyang nilakad ang stiletto niya para puntahan ako sa bandang likod na sulok saka ako umupo sa lapag.
Hindi ko na rin naramdamang sumasakit ang buong katawan ko, maski ang mga binti kong tila inaapoy sa tuwing gagalaw ko.
Nagtungo at sumandal si Elaine sa pader sa kaliwa ko, sabay hawi muna ng maikling palda ng dress niya bago niya inupo ito sa sahig. Ngayon narinig ko na ang paghinga naming dalawa. Sabay sa maingay na katahimikan. Kaya agad kong sinuri ang kwarto.
Kasinglaki lang ito ng kwarto ni Dolores ngunit mas kaunti ang kagamitan. Sa harap kong sulok ay may nakasandal na malaking frame sa pader, naglalaman 'yon ng guhit ng isang makulay na rosas na may bahid na ng dumi at iilang alikabok na nagbuhol-buhol hanggang sa kisame.
Sa kanan naman namin ni Elaine, of course ay iyong malaking bookshelf na bakante at kasinglaki ng pintuang hinaharangan no'n.
Isa pang napansin ko sa loob ng kwartong ito ay ang bintana sa dingding sa kaliwa ko na nakakonekta sa labas. Basag-basag ang salamin no'n pero wala pa ring sense of freedom dahil may nakaharang pa rin doon na matatabang rehas.
Tinititigan ko pa lang, nararamdaman ko nang for sure ay may nagpumilit makatakas sa mansyong ito. 'Yon bang deperadong-desperado na kaya pati bintanang may rehas ay binasag ang salamin, sa pag-aakalang may pagasa siya. Or baka nagwala siya kasi hindi na siya makakatakas. Baka ganon nga.
Sa hinaba-haba ng panahon ng mansyong ito, napakadaming pumasok na tanong sa isip ko. Bakit ba kasi ginawa pa ni Imelda ang sumpang iyon? Bakit may tumitira pa rito at nadadagdagan ang mga multo? May mga nakatakas na kaya rito? Sino ang mga hindi pinalad at namatay? I mean, makikita kaya namin ang mga bangkay nila rito? At saka, nasa'n nga ba ang mga bangkay ng mga hindi makalabas dito tulad namin at namatay?
BINABASA MO ANG
Midnight of Terrors: Haunted Manor
TerrorSet in an abandoned mansion-built in eighteen-hundreds, where the group of friends decided to spend the night. As they explore the eerie house, they start experiencing strange things. The tension builds as they try to uncover the dark secrets of the...