Ibang-iba na ang itsura ni Victoria ngayon. Mula sa napakaganda at maamong mukha, isa na siyang ganap na . . . dyablo. Nakakawindang. Hindi namin alam ang gagawin namin. Nanatili kaming nakatayo sa harapan niya.
"Thea . . ." Humawak sa braso ko si Chelsea. Ngunit hindi ko maalis ang tingin sa lapnos na pagmumukha ni Victoria. Bahagyang lumabas ang mga dugo mula sa bibig niya. Pero balewala sa kanya. "Takbo! Takbo!"
Nagpatuloy lang ako sa panonood kay Victoria na sumusuka ng dugo habang nakatingin sa amin. Napahigpit na lang ang kapit ko sa lumang aklat niya. Alam mo 'yung pinipili mong tumakbo pero pinangungunahan ka ng takot?
Ganon na ganon ang nararamdaman ko. Hanggang sa hilahin na 'ko ni Chelsea papunta sa kaliwa ni Victoria. Sinundan kami ni Victoria ng tingin habang umaakyat kami sa hagdan. Pinanood ko siya na nangiti. Tinignan ko rin ang mga kaibigan ko sa pintuan ngunit wala akong nakita ni isa roon.
Nasaan sila? Kaya nagpatuloy na lang ako sa pagtatakbo paakyat kasabay sina Chelsea at ang kuya niyang si John. Isang hakbang na lang nang tumama ang mga mata ko kay Victoria. Napanganga na siya at bumagsak na naman ng pandemonyong halakhak.
"HAHAHAHAHAHAHA-"
Hindi natapos ang umaalulong niyang hanggang sa makaliko kaming tatlo sa kaliwa namin, sa corridor patungo sa kwarto ni Dolores. Agad kaming nagsarado at nag-lock ng pintuan.
Saka ako nagtungo sa aparador at akmang hinihila ito. Nang makita at mapansin na nina Chelsea na nahihirapan na 'ko, nagsipuntahan sila sa akin at tinulungan ako sa paghihila ng malaking aparador.
Hanggang sa madala namin ang aparador na iyon sa harap ng pintuan. Agad naming pinagbubuhat ang nakakalat na kahon sa lapag na may mabibigat na laman, para ilagay sa loob ng aparador at upang lalong maging mabigat iyon.
Nang matapos kami ay hingal na hingal ko lang na tinitigan ang aparador at mga kahon sa loob no'n na pinagtulungan namin pangharang sa pintuan. Umatras ako habang hinahabol ang hininga. Habang nakatingin lang doon sina Chelsea at John.
Napaatras ako at napaupo sa sumalubong na kama. Huminga ako nang huminga na parang wala nang bukas. Hindi. Hindi pwede, dapat may bukas pa. Nanatiling madilim sa kwarto at sa labas na natatanaw ko sa jalousie na bintana.
Are we not in the loop anymore? Did we stop it?
"Okay, tapos na," hingal na wika ni Chelsea saka tumingin sa akin habang pawis na pawis ang katawan. Pinagpapawisan din pala ang mga multo.
Agad na umupo sa lapag si John, sa tabi ng aparador na bukas at laman ang mga kahon na may mabibigat na gamit. Si Chelsea naman ay umupo sa tabi ko, tinititigan ang aklat na dala ko.
"Kinuha mo pala 'yan?" tanong niya. Tinanguan ko siya saka ko tinignan ang aklat at pinatong iyon sa hita ko.
"Oo, baka makatulong e." Nagpabalasa ako ng mga pahina sa gilid hanggang sa huminto ang daliri ko't binuksan ang pahinang hinintuan ko. Ayon ang pahinang kaninang nakita ko. 'Yung may demonic sign.
Matagal naming tinitigan ni Chelsea iyon habang ang tangi lang naming naririnig ay ang paghinga ng isa't-isa.
"Do you think pinagkaloob niya 'yung sarili niya sa demonyo kaya siya nagkakaganyan?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya at binigyan lang ng masuring pagtingin ang loob ng aklat.
"I think so. I mean, it could be."
"How are we going to stop her now?" mahina kong tanong na sigurado akong narinig niya dahil sa kami lang dalawa ang nagsasalita sa kwartong ito.
Binasa ko naman ang nasa kaliwang pahina. Ito 'yung hindi ko na nabasa kanina sa sobrang liit ng mga letra. Binasa ko siya sa isip ko.
Aking kaluluwa ay inaalay ko
Kahit saan ako magtungo
Ako'y gagabayan mo
Ngayon hanggang sa kabaong ko
BINABASA MO ANG
Midnight of Terrors: Haunted Manor
HorrorSet in an abandoned mansion-built in eighteen-hundreds, where the group of friends decided to spend the night. As they explore the eerie house, they start experiencing strange things. The tension builds as they try to uncover the dark secrets of the...