Ramdam ko ang pag-angat ng dugo sa akin katawan sa nabasa kong sulat na nagmula sa dugo. Sa odor pa na dala nito patungo sa butas ng ilong ko ay halata pang sariwa lang ito. Hindi ko 'to nakita kanina kaya kakasulat lang nga nito. Sino naman kaya ang makakasulat ng bagay na 'yan?
H E L P
Nanatili iyon sa harapan ko habang minamata ko ito. Hindi siya naglaho at mas lalong hindi tumulo sa sobrang basa nito. Part of me is saying I should touch it. Part of me is saying I should talk to it.
Only one wins. I thought this is our chance to help Dolores na. This could be her, wanting to be noticed. To be helped.
"Gusto mo bang tulungan ka namin, Dolores?" nagtanong ako habang nakatingin lang sa salitang nakaguhit sa salamin at wala ng iba. Huminga ako nang mabilis sa kakahintay ng kanyang sagot ngunit hindi siya sumagot. Wala rin kaming narinig na ingay maliban ang paghinga ng isa't-isa.
Sinulyapan ko muna ang mga kaibigan ko na saktong sinulyapan din ako nang mahuli ko silang seryoso ring tumitingin sa salamin na nakadikit sa dingding.
Hindi na 'ko nakaisip pa ng sasabihin ngunit hindi kami pwedeng makalabas ng kwarto nang bigo. "Anong pangalan mo?"
Nagulantang lang ako nang kusang bumura isa-isa ang mga salitang iniwan niya. Mula sa ibaba hanggang sa taas ng isang letra, sumunod ang sunod na letra hanggang sa tuluyan nang maging malinis ang salamin.
Pero may kusang nagsulat doon na ikinaatras ko saglit. Nakabuo siya ng isang letrang 'I' tapos isang 'C' na malayo. Until we waited patiently to finish what it was saying.
I C A N ' T S A Y I T
Napakunot noo naman ako sa mga kaibigan ko at ginaya lang nila 'ko habang magkakasama pa rin sila. Kaya naisipan ko na silang senyasan palapit sa akin.
Dahan-dahan silang naglakad papunta sa akin, inaalis ang mga mabibigat na kahon sa lapag na nakaharang sa saan nila.
"Sigurado ka bang si Dolores 'yan?" tanong ni Agnes.
"Oo, panigurado ako. Kwarto niya ito kaya sino pa ba ang magsusulat nito rito?" paglingon ko sa kanya saka ko binaling ang pansin sa salamin na ganon pa rin ang nakasulat.
"How could Dolores write in english?" napalingon naman ako sa sinabi ni Elaine na iyon. May punto siya. Nung panahon nila, hindi gaano kadaling makapag-aral ng english unless sa mismong bansa ka nila nag-aral o nakatira. Hindi rin masyadong required ang english lalo't sobrang tagal nang pinanganak si Dolores. This could be Dolores, but how could she seemed like knows how to write in english?
Binaling ko uli ang pansin ko sa salamin habang iniisip ko na ang maaari kong sunod na itanong sa salamin. O sa taong kumakausap sa amin mula sa salamin. Nag-isip ako ng pwedeng palusot para lang magkaroon kami ng kaunting kaalaman kung sino ang kausap namin. So that we could have an idea how to help.
"Uhh . . . " I took a deep breath first. "Bakit hindi mo kayang sabihin kung sino ka? May pumipigil ba sa'yo?"
It took a seconds before it erases the letters on the mirror and it immediately been replaced.
O O
I gave it a small nod as I look at my friends. They're all keeping an eye to me. I don't know what to ask after so I tried to take a deep breath again.
"Paano ka napunta sa bahay na 'to?" I tried random questions that could be helpful, especially in knowing its past. We can learn its life and turn it back even before it died in here. In-assume ko talagang patay na siya rito. Kasi pa'no namin siya makakausap nang hindi namin nakikita? For sure it's one of the ghosts in here that we haven't seen yet.
BINABASA MO ANG
Midnight of Terrors: Haunted Manor
HororSet in an abandoned mansion-built in eighteen-hundreds, where the group of friends decided to spend the night. As they explore the eerie house, they start experiencing strange things. The tension builds as they try to uncover the dark secrets of the...