Muli kong pinagmasdan ang paligid ng mansyon. It's really different but it's still the same mansion we came in. Ang pinagtataka ko lamang ay nasa'n na ang mga kaibigan ko? Ito na ba 'yung tinutukoy ng matandang lalaki kanina na dadarating?
But so far, hindi ko pa rin mapigilang mapatanong sapagkat wala talaga 'kong naiintindihan sa mga nangyayari ngayon.
Naglakad ako sa maputi at malinis na mansyon. Walang bahid ng dumi at wala akong nakikitang mantsa kahit saan. Sinubukan kong magtungo sa isang kahoy na lamesa sa tabi ng isang sofa na parehas nasa ibaba ng staircase sa aking kaliwa.
Dinulas ko ang hintuturo ko at gumawa ito ng nakakarinding ungol. Sabay tingin sa fingerprints ko. Maputing-maputi pa rin ito, gaya ng aking kulay, subalit wala pa ring dumi. Kumunot na naman ang noo ko.
Nang bigla na lang tumama ang aking mga mata sa nakatayong pa-landscape na picture frame. Despite of the vintage and cleanliness of the place, the picture was left too old. Parang luma na siya sa nagkukulay brown na filter.
Isa itong photography sa harap ng mga nagsasayawang puno. Agad ko itong kinuha para mas lalo ko pang masuri. Nakita ko ang isang magandang babae na sentro ng litrato sa tangkad at sa suot niyang black long sleeve dress. May suot din siyang lumang salamin sa kanyang mga mata.
Ayon sa itsura ng babae, mukhang nasa mid-30's na siya. 'Yon bang mga mid-30's na napagkakamalang teenager sa ganda ng kutis at mga ngiti nila. Pero siya ay hindi ko na napagkamalan pang teenager. I don't think a teenage girl like her would rather wear that kind of old gown.
Pagtapos ay hindi ko na napigilan pang magpakawala ng ngiti nang mapansin ko ang limang mga batang magkakaiba ng mga luma nilang kasuotan sa ibaba ng nakatatandang babae. Dalawang lalaki at tatlong babae. Ang batang babae pang nasa pinakagitna ay hawak-hawak nung nakatatandang babae roon sa kanyang magkabilaang balikat. And the rest, magkakatabi na lang silang nakangiti.
Hindi ko alam pero walang ano-ano kong binaliktad ang litrato at pinagmasdan ang likod. May nakasulat na dikit-dikit sa bandang ibaba sa kanan ko. At iyon ang mas lalo ko pang pinagtaka.
July 18, 1997
Napakunot na naman ang noo ko at ngayon ay hindi ko na nagawa pang ngumiti sa pagkabahala. Am I . . . am I in the past?
No, no way. Literally, no way. I can't be in the past, that cannot happen right? I mean, I've seen ghosts in this mansion, so I think anything can really happen.
However, why though I feel like there is something about that year. 1997. I know there is something because I've heard it. Well, maririnig ko rin naman talaga 'yon kasi year siya pero there is something talaga e na I cannot clearly remember . . .
Napababa ako ng litrato sa desk, in the same way I saw it earlier. Napaatras ako. Sinubukan kong magpakawala sa pagkakabahala ko ngunit lalo lang akong kinulong ng pagkabahala.
If I'm in the past, then my friends shouls be in the present, right? Then, what am I doing in here?
Naputol ang pagtataka ko ng makarinig ako ng tunog ng pagbukas ng pintuan. Kung hindi ako nagkakamali, it's the door that is currently on my left. The main door. I widened my eyes and glanced at the door.
A woman in a black long sleeve dress and eye glasses showed up. If I'm not mistaken, she's the woman in the photo.
Naka-bun ang kanyang buhok habang may nakasuukbit sa braso niyang bayong at kanyang binuksan ang kalahati ng pintuan, habang hawak pa niya ang doorknob. This is the first time I saw the door open again.
Sa kaba ay pinanood ko lang siya sa aking kinatatayuan. Maganda pa ang kalangitan, kung kaya't bumagay sa kinatatayuan niya ang itsura niya. Pumasok na siya at tinulak na ang pintuang hawak pa rin ang doorknob. Saka ito mahinang nagbunggo sa kalahati pa nitong pintuan kaya tuluyang nagsara ito.
BINABASA MO ANG
Midnight of Terrors: Haunted Manor
HororSet in an abandoned mansion-built in eighteen-hundreds, where the group of friends decided to spend the night. As they explore the eerie house, they start experiencing strange things. The tension builds as they try to uncover the dark secrets of the...