10

19 4 0
                                    

Ilang saglit pa kaming naglibot sa maliit na basement sa buong apat na sulok nito ay nagsisuri kami ng mga armas. We are sure that we can use them on something. Especially on fighting an evil spirit.

"Edi makikita na natin dito 'yung bangkay ni Dolores, 'di ba?" tanong pa ni Agnes na tila may hinahanap.

"I don't think so. Wala naman tayong nakikitang bangkay rito," puna naman ni Elaine na hawak ang isang plier at sinusuri ito mula harap hanggang likod.

Tama siya. Sa liit ng kwartong 'to, dapat lang na makita namin agad ang bangkay ni Dolores, pwera na lang kung tinago iyon. Pero sa itsura nito, I mean, madungis at madumi ang kwartong ito pero sa tingin ko ay hindi ito ginawa noong 1896.

"At saka bakit pa natin hahanapin 'yung bangkay ng babaeng 'yon e na-double dead na siya ni Imelda," dagdag pa ni Elaine. Napatango na lang ako sa pagsang-ayon.

"Hoy!" nagulantang kami ng isang boses ng matandang lalaki ang narinig namin mula sa itaas. Napalingon ako at nakita ang naglalakad pababang nakasuot ng matabang jacket at pulang sumbrero.

May katabaan ang lalaki at may puti itong malalaking balbas at bigote.

"Anong ginagawa niyo sa basement ko!?" sita niya sa amin nang tuluyan siyang makababa. Agad kaming nagsisiksikan sa harap niya at nanginginig siyang pinagmasdan.

Nagulantang kaming lahat nang maglabas siya ng isang napakalaking chainsaw at pinaandar niya sa talim no'n na agad na ikinatayo ng balahibo ko.

Nagsisigawan kami at kinausap nang sabay-sabay ang lalaki sa taranta, sa puntong hindi na namin naintindihan ang isa't-isa.

"Wait, wait!" pag-aawat ko sa kanila. Nanahimik na sila. "Kuya, we're so sorry, hindi po namin sinasadyang makapunta rito, may hinahanap lang po talaga kami. Sorry po talaga, gusto lang naman po naming makalabas dito."

Natahimik ang matandang lalaki at tumaas ang kilay. At maya-maya ay ang katahimikan ay naputol ng mahaba niyang tawa habang nakatingala't nakapikit ang mga mata.

"K-Kayo?" natatawa niyang turo sa aming lahat. "L-Lalabas?" sabay malakas na tawa na naman. Kumunot ang noo naming lahat at tinitigan ang isa't-isa. "Wala pang nakakalabas ng mansyong 'to. Lahat ng mga nakakapasok dito, namamatay."

Then he broke out laughing, like it's all a funny joke. Halos makaluhod pa siya sa kakatawa niya nang nakatingala. Seriously?

If what he's saying is true, then we won't get a chance to get out of here. We're literally like kids who just got here because we wanted to spend the night. And now we're doomed with every other ghosts in here. And we're caught up with a mission we still haven't finished.

"Uh . . . sir? Sorry po, pero may hinahanap lang po talaga kaming bata and we thought nandito po siya, pasensya na po talaga." Sinulyapan ko pa ang mga kaibigan ko at nagtanguan lang sila habang naglalabas ng pekeng ngiti.

Nang isipan na namin manglakad ay hindi umalis ang lalaki sa harapan namin at humarang pa siya sa hagdan.

"Saglit lang," wika niya sa seryosong tono. Na-curious tuloy kami at agad siyang pinanood. Nakatitig lang ang kanyang mga mata sa akin na hindi ko maintindihan kung bakit.

Nanatili kaming nakatayo habang bumubuga siya sa hangin sabay lakad sa kanan niya. Sinundan namin siya ng aming mga mata at nakita namin na binaba niya ang chainsaw na hawak niya. Napabuga ako sa hangin sa ginhawa.

Habang pinapanood namin siya na nag-iisa-isa ng mga armas ay napaisip na 'ko ng mga kailangan naming gawin, dahil baka sa dami ng nangyayari ngayon ay makalimutan ko na ang tunay naming pakay rito.

Hahanapin namin si Edison. Along with finding some ghosts na makakatulong sa'min or matutulungan namin para matulungan kami. But assuming the fact that we're currently speaking on one, I think we should ask him about Edison too.

Midnight of Terrors: Haunted ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon