Prologue

12 1 0
                                    

Broken Promises
Prologue
Lost

Zynie POV

“Zynie, baby," napatingin ako kay Mama. Ang makikita ko sa mga mata niya ay luha, malungkot, at pagod.

Anong nangyari?

“A-ano po Ma?" napapaos kung sabi.

Ngumiti ng malungkot si Mama at iginiya papunta sa isang kuwarto. Nang makapasok kami ay hindi ko napigilan tignan ang nakahiga sa kama.

“Papa!" Bumitaw ako at tumakbo papunta sa kama. Ngumiti ako ng masilayan ang guwapong mukha ni Papa, mahimbing na nakatulog. “Pa!” pukaw ko kay Papa at habang ginagalaw ang katawan niya. Nangunot ang noo ko ng making putla na putla si Papa.

“Ma?” Bumaling ako kay Mama para tanungin kung bakit hindi gumigising si Papa pero natigilan ako ng makita na luhaan si Mama. Nag alalang lumapit ako kay Mama. “Bakit po kayo umiiyak? Bakit hindi po gumigising si Papa? Gusto ko na pong maglaro kami. May ipapakita din po ako sa kaniya.”

Lalong lumuha si Mama kaya nag taka ako. Kumunot ang noo ko at tinignan si Papa. Napalunok ako at naluha ng ma realize kung anong mangyayari. Napa upo si Mama sa sahig habang hawak ang bibig, umiiyak. Inalalayan siya ni Tita Zaya sa likuran. Tita Zaya, Tito Jandro and Kuya Zion look sad. They eyes are hurting like Mama.

Suminghap ako at nag uunahang tumulo ang mga luha ko. Napa upo narin ako sa sahig. This can't be! Buhay pa si Papa? Hindi tama ang hinala ko.

Dahan dahan akong napatayo. My heart is breaking into million pieces.

“Pa?” nanghihinang sabi ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi. Hinaplos ko ang kaliwang pisngi niya. Pumapatak Ang mga luha ko sa mukha ni Papa. Kahit seven years old lang ako, mataas na ako.

“Papa, h-how a-about y-your p-promises?”

The man that I adore, that I love, that I trust the most, broke his promises.



Broken Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon