Chapter 24
HimZynie POV
BUMUNGAD si Andy ng makapasok ako dance studio. "Zynie?" tanong nito.
"Oh?"
“Nakapag impake kana?"
“Hindi pa."
“Owss… excited na ako!”
“Saan nga pala tayo pupunta?"
“Sa Palawan. There are so many beaches in Palawan Zyn!"
Nag aayos ako sa sarili para sa practice ko sa pangalay. Next month pa ang competition. There will be competition in every dance group. I must say hindi ako kinakabahan. My flexibility did not change at all. Kahit thirty two years old na ako ang ganda parin ng katawan ko.
Lumipas ang apat na taon simula nang nangyari yun. This past years, masasabi kung okay na ako. Pinilit kung kalimutan ang mga alaala ko sa kaniya. Nag tagumpay naman ako, siguro. Pinilit kung makipag usap sa lalaki o magkaroon ng relasyon, pero wala eh. Kinukompara ko sila kay Darius.
Tatanda akong dalaga, sigurado na talaga! About Darius? Wala rin akong balita sa kaniya. Hindi ko nga siya makita nung kasal nina Haven at Ramia. Baka may asawa na siya. Thirty five years old na siya eh. Luh! Bakit ko alam? Aishh!! My practice went great and I hear many praises.
"Zynie you're so great!"
"Zynie I hope you win this competition!"
“Just trust yourself! Makukuha natin ang tagumpay!"
“True! Ang galing mo kaya. Lahat ng sinalihan mo na competition ay panalo!"
“Tiwala lang talaga at hindi mag expect na mananalo!"
"Kakayanin!”
I froze. Those praises are very familiar to me. My heart ached. Ngumiti ako ng mapait. Pilit ko siyang kinalimutan pero ngayon? May tao o bagay na nakapagpaalala sa kaniya. Nagising na lamang ako sa katotohanan ng inakbayan ako ni Andy.
"Ang lalim ng iniisip mo ah?"
Ngumiti na lamang ako.
"Zynie bukas ah. Yung flight. Nandoon yung may ari ng BDE," sabi ng baklang choreographer. Tumango naman ako.
"Huh, himala!" gulat na sabi ni Andy.
Ngumiwi ang bakla. "Ganyan talaga."
"Diba nong nakaraan hindi naman pumunta yon."
"Si Miss Jannah ang nakikita natin no! Hindi yung may ari!”
"Bakit kaya si Miss Jannah ang nag handle sa BDE. Akala ko talaga siya Ang may ari.”
Ako rin…
"Aba ewan ko Andy!"
“Ang kawawa nung umalis sa crew no? Hindi sila makakatikim ng libre…”
"True? Pero hindi naman libre lahat. Pera natin ang pamamasyal don pero sa transportation at sa hotel sa Benign!”
Iniwan ko na lang ang dalawa doon.
IT'S 4 pm when I arrive at my condominium. Sinalubong ako ni Sumo. Kumain na muna ako at pinakain si Sumo bago maligo. Namatay si Misty nung nakaraan na taon. Grabe ang lungkot ko non!
When I arrive at my clinic, sinalubong agad ako ng aking secretary. Dumating ang gabi pagod na pagod ako dahil marami ang mga clients kahit hapon na hapon.
Pag uwi ko ay nag impake na ako para bukas. One week kami don.
Maya maya ay tumawag si Shailene.
"Zynie!! Sama ka samin?"
BINABASA MO ANG
Broken Promises
RomanceZynie was a popular girl in their school. Everyone adores her but he didn't mind, instead all he want was love from her beloved father. Zynie believe that, 'promises are meant to be broken' but for Darius, Zynie believe that for her 'promises are me...