Chapter 15

5 1 0
                                    

Chapter 15
Fix

Zynie POV

“Darius… I can explain.” pumiyok ang boses ko. What the fuck that I have done!

Walang akong nakitang emosyon sa mga mata niya.

"You heard everything I say?” my voice broke.

"Tama ba yung narinig ko?” he said emotionless. Hindi ako nakasagot. "Answer me!”

Nagulat ako. Ngayon… ngayon ko lang narinig na ganyan siya.

Ano ba ang pag aakala mo Zynie? Narinig niya lahat eh. Sinaktan mo siya.

Tumango ako. Kinabahan ako ng lumapit siya sakin. Tumingin lang ako sa mata niya.

Nagulat ako ng tumulo ang luha niya. “How could you.”

Kumirot ang puso ko. Tangina! Hindi ko na kaya. May bukas pa naman diba.

"Explain.”

Yumuko ako. This time tumulo na Ang luha ko.

"N-nung b-birthday mo, kinausap ako ni Elliot. Sinabi niya sakin na mag spy sayo, tatanungin ko sayo Ang tungkol sa pamilya niyo, at sasabihin ko say—”

“Sinabi niya ba kung bakit?” putol niya sa sinabi ko. Ramdam ko ang galit sa boses niya.

Umiling ako. Alam kung nasasaktan siya.

“Sinabi niya sakin na… na kapalit ng pag tulong ko sa kaniya, sasabihin niya ang sekreto ni Mama.”

Natigilan ako sa pag sasalita ng tumawa siya ng mapakla. "Yun lang. Yun lang ang dahilan, the fuck! You betrayed me! Dahil lang diyan!"

Napapikit ako. Natakot ako ng husto sa totoo lang. Umiling ako ng umiling. Tumingin ako sa mata niya habang lumuluha. His eyes is look so sad at the same time I see anger.

“Alam kung uhaw ka sa pagmamahal. Alam na alam ko! Bakit pa umabot sa puntong lolokohin mo ako!"

Mariin akong napapikit sa sinasabi niya.

Darius. Your wrong. Your hurting me. Nasasaktan din ako eh.

“I didn't accept the offer!" natigilan siya sa sinabi ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. "I was forced," humina Ang boses ko. “Elliot force me," may pait sa boses ko. “Yung death threats na nakukuha mo, sa kaniya galing yun, dahil sakin. Yung pagkamatay ni Tita Shiela, siya rin ang may gawa. Mga kaibigan, may natatanggap na ring death threats. Yung pinsan ko, dinamay niya rin. Wala akong magagawa Darius.” humihikbi kung sabi.

"Bakit hindi mo sinabi sakin? O sa pulis?”

"I tried. You know. Pero.. per—” Napa-upo ako. Unti unting nadudurog ang puso ko. Mas nasaktan ako ng tumingin lang siya sakin. Tangina!

"Pagkatapos kung sabihin sa pulis, nalaman ko na nabaril si Mama. Yung pagsampa ko ng kaso, biglang nawala na parang bula, kahit malaki at matibay ang ebidensya ko. Wala akong magagawa. Hindi pa siya nakontento. Sinakal pa niya ng palihim si Mama nung natutulog ako, buti nagising ako.”

Tumahimik ang paligid. Tanging iyak ko lang ang naririnig at mabigat na pag-hinga niya.

Maya maya ay nagsalita siya. “Did he hurt you?" may lamig sa boses niya.

Umiling ako.

“Hindi pa.”

Matapos niyang marinig ang sinabi ko ay umalis na siya. Umiyak ako ng umiyak. Ano na ang mangyayari ngayon?

Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin. Wala ako sa sarili. Isang linggo ko nang hindi nakikita si Darius. Si Mama, ganon pa rin.

Mas masakit Ngayon kesa noon.

Broken Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon