Chapter 27
BitterZynie POV
Wala ako sa mood maligo.
I was playing the white sands in my hands. Nakaupo ako ngayon sa dalampasigan, nakatingin sa dagat. Ang mga kasama ko ay nandoon sa cottage. Kanina pa ako nandito. Niyakap ko ang mga tuhod ko. Hindi ko alintana ang lamig ng tubig at ang araw na sumasakit sa balat ko. Mas nanaig ang selos na nararamdaman. Pumait ang panlasa ko at naramdaman na tumulo ang luha ko. Pait akong napatawa.
Gusto niyang makipag usap sakin. Ano namang pag uusapan namin? Kung makipagbalikan siya ay meron na siyang jowa. Baka mag sorry lang siya.
“Hoy! Gaga! Ano ginagawa mo diyan!" nangibabaw ang boses ni Andy sa likuran ko. “Ang init init! Baka mangitim ka niyan! Masakit sa balat!" dagdag nito.
Tumayo ako at hinarap siya. "Gusto ko tignan ang view ng buong dagat,” I said.
"Char! Dai! Kitang kita doon sa cottage ang dagat! Hindi ka pa maiinitan! Anong drama mo sa buhay teh?!” sabi nito.
I roll my eyes. “Umalis ka nga!" inis na sabi ko sa kaniya.
“May regla ka pa ba? Ang dali mairita. Halika ka na! Kumain ka muna! Nandoon si ex! Naka topless! Baka gusto mong titigan. Pero wag kang magpapahalata. Nandoon yung girlfriend," sabi niya.
My heart tighten. “Maya mo na ako. Gusto kung mag enjoy sa view."
“Miss na miss mo na talaga ang dagat no? O… nagseselos! Aminin mo nga. Anong feeling ha! Na niyakap ni si Sarah kanina. Ang higpit pa ng yakap! Parang hindi kayang pakawalan!” nanlalaki na mata na sabi niya.
Kinagat ko ang pang ibabang labi. “Hindi, bakit naman ako magseselos? May kami ba? Tsaka nakamove on na ako sa kaniya. I don't care. Kahit maglaplapan pa sila sa harap ko Hindi ako iiyak!” mariin na sabi ko.
Ngumisi si Andy. "Sige na. Kung hindi ka nagseselos, pumunta ka na don. Wala ka pang kain, may ulcer ka pa naman,” sabi nito.
"Busog pa ako,” walang ganang sabi ko.
"Weh! Tigilan mo ako,” sabi niya saka hinila ako. Napatili ako at pilit na kumawala sa kaniya pero sadyang malakas siya.
Tumahimik nalang ako at nagpadala dahil wala naman akong mapapala at pinagtitinginan na rin kami.
Imbes na matakam sa letchon ay pait ang nararamdaman ko.
My heart ache. He look so happy. Darius and Sarah was talking happily. Napanguso ako at padabog na kumuha ng plato at kumuha ng balat ng letchon.
Nang sinubo ko ang letchon ay lumikha ito ng tunog. Napatango tango ako dahil sa tunog nito, hindi sa lasa.
“Bitter," rinig kung bulong ni Andy kaya malakas ko siyang siniko sa tiyan.
“Putragis! Aray! Puta ka Zynie!" sigaw pa nito habang hinahawakan ang tiyan.
Natawa ako ng palihim. Dasurve! Ang daldal eh! Kalalaking tao, ang ingay ingay.
Ganon nalang ang pag ikot ng dalawa kung mata ng marinig ang mga bulong.
“Ang sweet nila no."
“True?"
“Sila na kaya?"
Oo, dai. Sila na. Ang chismosa mo tapos hindi mo nalalaman na mag jowa na sila. Dapat latest chika yun!
“Hindi siguro!"
Siguro?
“Bakit naman aber!"
BINABASA MO ANG
Broken Promises
RomanceZynie was a popular girl in their school. Everyone adores her but he didn't mind, instead all he want was love from her beloved father. Zynie believe that, 'promises are meant to be broken' but for Darius, Zynie believe that for her 'promises are me...