Chapter 23

3 0 0
                                    

Chapter 23
Wait

Zynie POV

February 27

Bumuntong hininga ako. Ang sakit sakit ng katawan ko. Napatingin ako sa relo ko na alas nuwebe na pala ng gabi. Pagod akong tumayo at lumabas.

“Jazzie!” tawag ko sa secretary ko. "Umuwi ka na. I lock mo ang clinic ha!” sabi ko saka lumabas at pumunta sa kotse ko.

Napangiti ako dahil bukas na ang birthday. Lumipas na ang tatlong taon. Nawala ang pagod sa buong katawan ko at napalitan ng excitement.

Naligo agad ako pagdating sa condo at napahiga. Nagpatayo ako ng clinic para sa mga hayop, ginamit ko lahat ng ipon ko galing sa pag sasayaw. Nakangiti akong natulog ng gabing yun.

Nagising ako dahil sa hindi malamang dahilan.

It's my 27th birthday!

Tumingin ako sa phone ko at nag open ng messenger.

STARLAT (GC)

Hajiah: Happy Birthday Zynie! 🎉

Autumn: happy birthday🎈🎂

Rania: Happy Birthday Zening!

Aldhea: Happy Birthday @Zynie Briones!

Carissa: Happy Birthday Baby Zyn!

Shailene: Happiest Birthday Zynie!

Nicolette: Happy Birthday 🥳🥳🥳

Ramia: happy birthday!

Zynie: Thank you so so much guys! Love you mga gaga! 😘

Ramia: Libre!

Zynie: Letse! Diba kayo ang manlilibre sakin! Birthday ko eh!”

Autumn: Wla mi money!

Zynie: 🖕

Zynie: Ulol! Mga manloloko!

Hajiah: Sige! libre namin! Ngayon na.

Carissa: Ngayon na?!

Hajiah: 🖕

Zynie:Oki!

Shailene: Invite your friends.

Zynie: Sige! Ihhhhh! Thank you.

Tinawagan ko sila Kuya Zion, Navi, Jazzie at Andy para imbitahan.

Naligo agad ako at nag bihis ng spaghetti strap na white bodycon above the knee at slingback white heels. Nag lagay ako ng light make up at dumiretso sa restaurant kung saan kami magkikita magkakaibigan.

Pagkarating ko sa restaurant ay kompleto na sila.

“Yown!" si Ramia ang unang nakakita sakin.

Napangiti ako. Meron ng foods at desserts sa table. Yummy…

“Nandito na si birthday girl!" si Aldhea.

Masaya kaming kumain habang nag kwentuhan. Pagkatapos kumain ay gumala kami lahat maliban kay Kuya Zion.

Pagod akong umuwi sa condo pagkagabi. Hinubad ko ang heels at padabog na umupo sa sofa.

This day is so great! Na enjoy ako. Napahawak ako sa suot kung kwentas at napatitig sa kisame.

Pupunta ba siya? Ten years na ang nakalipas simula nung promise niya. Ayaw niya ba sakin? Hindi siya naghintay? Ako? Naghintay…

Tumulo ang luha ko pero agad ko iyong pinunasan.

Baka busy, hindi ako nawalan ng pag asa. Lumilipas ang araw wala siya. Naghintay ako pero wala.

Naghintay ako sa taong mahal na mahal ko. His promise. Hindi niya ako pinuntahan.

Broken Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon