Chapter 3

7 1 0
                                    

Chapter 3
Confession

Zynie POV

Bakit pa ako ganito? Bakit masasaktan ako. Hindi naman ako important sa life niya. I'm just his pretend girlfriend. Why I'm acting like this. Nasasaktan ako.

Itinulog ko nalang ang mga katanungan sa isip ko. Maaga akong gumising kinabukasan. Pumunta muna ako sa kusina at nakita ko si Darius na nag kakape.

"Good morning," bungad na sabi ni Darius nang nakita ako.

"Morning," matamlay na sagot ko.

"Anong nangyari sa mata mo?" nagulat ako, dahil lumapit siya sakin saka hinawakan ang mukha ko.

Madiin kong kinagat ang labi dahil tumatama sa mukha ko ang hininga niya. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. "Umiyak kaba?" malambing niyang ani.

"H-hindi," utal utal kong sagot. Bakit kailangan pang

Dumistansya siya. "Bakit namumugto ang mata mo?"

"Napuwing lang," natatawa kong sagot.

Tinitigan niya ako ng mariin. Hindi nakontento sa sagot ko. Pero napansin niya siguro na wala ako sa mood. "Okay." Tipid niyang ani sabay umupo saka hinigop ang kape. Nilingon niya ako. "Mag breakfast kana."

Nagsimula akong kumain.

"Why didn't you drink your milk?"

Napaharap  ako kay Darius.

"Hindi mo rin ininom ang gatas na binigay ko sayo nong nasa villa tayo." dagdag niya.

"Hindi ko gusto yung gatas."

"Why?"

"Basta,"

Maya maya ay pumasok na si manang. "Oh kumain na kayo. Darius, ipasiyal mo muna si Zynie sa Daranak Falls bago kayo uuwi."

"Sige po manang,"

"Mauna muna ako," ani ng matanda saka hinalikan kami sa pisngi. "Oh Drianne, kumain ka muna. Samahan mo sina Darius," bungad ng matanda sa apo pagkapasok.

"Sige po la," tipid na tugon ni Drianne, ramdam ko ang lamig. Nilingon ko siya, namumugto ang kaniyang mga mata. Anong nangyari? Binasted ba siya ni Darius?

"Bakit mugto ang mata mo Drianne?"  kuryosong tanong ko sa kaniya. Tumaas ang kilay ko, nagmamaldita.

Tumaas naman ang kilay niya. "Napuwing lang," sarkastong sagot niya.

Sa halip na sumagot ay tinitigan ko siya sa ulo hanggang paa. Inferness maganda ang katawan. Pero maganda parin ako. I smirk. Bigla ay nag beep ang cellphone ko. Umalis muna ako sa hapag at pumunta sa bakuran.

"Ma hello po. Napatawag ho kayo?"

"Nak! Kumusta ka riyan. Nag enjoy kaba," May galak ang boses ni Mama.

Tumawa ako ng mapait. Nag enjoy?
Hayy. Dapat maging honest ako. "No"

Tumahimik si mama sa kabilang linya. "Ha?! Bakit?!"

Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga. Tangek! Ang sakit! "Ma naman eh! Masakit sa tenga!"

"Sorry po. Bakit naman nak?"

Bumuntong hininga ako. "Pag uwi ko na Ma,"

Bumuntong hininga si Mama.  "Okay. Pero bakit mo hindi mo sinabi na nobyo mo pala si Darius! Ikaw ha. Iba talaga yang karisma mo.

Nobya?

Kinagat ko ng mariin ang aking labi. Kumirot bigla ang puso ko. "Ah! Hehe,"

"Ikaw talaga. Oh siya, pag kauwi mo na tayo mag usap."

Broken Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon