Chapter 11

3 1 0
                                    

Chapter 11
Brother

Zynie POV

The days was so great. Ang gaan sa pakiramdam, hindi kagaya dati. Palagi kaming lumalabas ni Darius, nag shopping o di kayay nag date. I'm currently here at my room. Ang boring! Ayaw ko namang abalahin si Darius, time with family niya ngayon, nabanggit ni Tita. Humindi ako na sumama dahil nakakahiya na. Ako lang ang nasa bahay ngayon, nagtatrabaho si Maather.

Ohh. Alam ko na sino ang ababalahin ko.

STARLA (GC)

Zynie: Hello mga bibis! Good morning! Boring ako ngayon Ó⁠╭⁠╮⁠Ò walang date. Busy ang bebe ko😔 Gala?

Hajiah: libre

Autumn: di ako payagan.

Zynie: Ako ang magpapaalam.

Shailene: tara!

Zynie: Sa beach tayo?

Ramia: sosyal di pwedeng sa dagat zyn

Shailene: guys sino pag sasabihan ko ng problema na hindi problema?

Hajiah: 🙋🙋🙋🙋🙋🙋

Zynie: G?

Ramia: libre mo?

Zynie: Mukha mo libre 🖕🖕

Patuloy ang aming kulitan. Napag desisyonan namin na mag arcade at manood ng movie. Nag chat na ako kay Mama at kay Darius na pupunta ako ng mall kasama ang kaibigan. Pinayagan naman ako basta mag iingat lang.

Maya maya ay nag bihis na ako. Seven thirty yung call time namin eh… alam kung alas nuwebe ba dadating yung mga gaga.

Nag suot ako ng white oversize tshirt na may print sa harap na ‘be true to yourself’ at itim na wide leg trouser, pinaresan ko ng havanas flip flop. Nag lagay nalang ako ng lip balm sa lips. Nagdala ako ng maliit pack bag at inilagay doon ang aquaflask, wallet, susi ng bahay, lip balm at extra t shirt.

Ang wallet ko ay may laman na five thousand at dala ko pa ang credit card ni Darius na itim! Binigay niya sakin to nung pumunta kami sa kanila. Ewan ko lang kung bakit niya ibinigay sakin to. Black eh. Tinanggap ko naman dahil pera na eh. Nagkukunwari pa ako nung una pero gusto na talagang kunin.

Pumara na ako ng tricycle. Mukha lang akong nasa bahay o pupunta ng meet up. Sigurado ako na bongga ang suot ni Ramia, Shailene, at Autumn.

Nang nakapasok na sa mall ay dumiretso ako sa Jollibee. Umakyat ako sa ikalawang floor at nandoon na lahat ng kaibigan at ang iingay nila! Itong mga bruhang to, pinagtitinginan sila.

Si Shailene ang unang nakapansin sakin. “Oh nandiyan na siya."

Umupo ako sa bakanteng upuan. Mukhang ako nalang ang hinihintay, sa bagay nine thirty na.

Sorry…

“Oh anong oras ang call time?” sarkastong sabi ni Aldhea.

Umikot naman ang mata ko. "Long time no see guys,” parang naiiyak kung bati sa kanila.
"Ang tagal nating hindi nagkita."

Kumain na kami at nagtagal doon sa Jollibee nang dalawang oras. Buti hindi kami sinuway. Alam ko na bakit hindi kami sinuway! Kasi ang dami naming umorder. Yung pagkatapos naming kumain ay nata tae na kaming lahat.  Hayyy. Mauubos ko talaga ang pera ko ngayon.

Pagkatapos ay nag arcade kami. Tumagal kami, parang tatlong oras. Namili muna kami ng snacks and drinks bago pumunta sa fourth floor na nandoon ang cinema. Ang papanoorin namin ay Inside Out 2.  Grabe ang pag hihintay namin dahil sa rami ng tao.

Broken Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon