Chapter 20

4 0 0
                                    

Chapter 20
Cold

Zynie POV

DUMIRETSO na agad ako sa kuwarto. Humiga ako agad kahit basa na basa Ang buong katawan ko.

I look at the ceiling. Iisa lang ang pakiramdam ko ngayon.

Maingay… maingay ang paligid dahil sa patak ng ulan. Pero pakiramdam ko wala akong narinig. All I heard was Darius, begging while crying. Tumulo na naman ang mga luha ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
Tumingin ako sa pintuan ng may kumatok. Bumuntong hininga ako.

“Pasok," walang emosyon kung sabi.

“Zynie," umangat ang tingin ko ng si Kuya iyon.

Umiwas ako ng tingin. “Bakit?"

"Magbihis kana,” sabi nito.

"Ayaw ko,” mariin kung sabi.

"Paano mo maayos ang sarili kung ganiyan ka. Zynie, pwede kayong magkabalikan ni Darius kapag okay kana. Isipin mo,” mariin ring sabi ni Kuya.

Natigilan ako. Naalala ko nanaman ang sinabi ni Tita.

“I admire you so much. Make me proud. Maybe ten years later, you can go back to my son. Ten years later, you are a successful person. Ten years later Hindi na ako tutol sa relasyon niyo. You are both hurt. You need to heal. You need to be alone. Maghiwalay na kayo.”

Fixing myself means I can be with Darius. But what if… what if ten years later, may iba na siya o kasal na siya. May anak na. Masaya sila habang ako naghihintay sa kaniya. Tapos ma-waste yung time ko. That thoughts really breaks my heart. Parang tinutusok ang puso ko ng milyong milyon na karayom. Tumawa ako ng mapait.

Sa mga nababasa ko sa mga novel. Hinihintay sila ng kanilang pares. What if mangyayari samin yun. Yung pagbalik ko sa kaniya, nakahanda na yung bahay. Ang sarap sa feeling. Yung ako yung iniisip niya araw araw. Ang sakit natu mapapalitan grabeng saya. Tapos, magkakaroon kami ng anak. Magaganda at guwapo.

Ngumisi ako ng malaki at nakagat labi pang inalala lahat ng yun. Nahihibang na talaga ako. I was gaslighting. Hindi totoo yun. Dahil sa mga nobela at pelikula ko lang iyon makikita. Sa mundong to, iba na ang mga lalaki. Wala nang ligawan. Maybe I was so lucky, dahil niligawan ako.

“Stop daydreaming. Your smiling like a crazy person. Stop gaslighting yourself. Isipin mo yang sarili mo bago yang pagmamahal na yan. There's a chance that in ten years later, may asawa na si Darius. Stop that. Masasaktan ka lang. Aalahanin mo yang sarili mo,” seryosong sabi ni Kuya, saka lumabas.

Napatitig ako sa kawalan at napamaang. Bumabalik ang mga sinasabi niya sa utak ko. Tumulo na naman ang luha ko.

I need to think positive! I need to gaslight myself! I imagine Darius and me, living in one big house. We are so happy and we have a kids already.

Tumigil ang pagtulo sa luha ko at gumaan ng kaunti ang pakiramdan ko.

Nagbihis ako ng pajama set. I look myself in the mirror. I look so pale and thin. Grabe ang ibinagsak ng katawan ko.

Gabi na at nagugutom na ako. Tumigil narin ang ulan. Bumaba ako sa sala. Ang mga kaibigan ko, si Tita Zaya at Tito Jandro na ang nandoon naka upo sa sofa, nag uusap.
Nagulat sila sa presensiya ko.

“Hi," walang gana kung sabi. Wala ngiti ang pumaskil sa mga labi ko. Pagod na pagod na akong ngumiti ng peke.

Puno ng pag alala ang makikita ko sa mga mata nila. Ang sabog ko eh! Hindi ko sinuklay ang basa kung buhok.

“Okay ka na ba Zynie?" malambing na sabi ni Tita Zaya.

Tumango nalang ako. Okay nalang.

“Oh! Buti lumabas kana," singit ni Kuya Zion. Bumuntong hininga ako. Kung hindi ko to mahal kanina ko pa to sinaksak.

“Zion!" sita ni Tita Zaya.

I saw Kuya smirk at nilingon si Nicolette, “Ihahatid kita,"

Kumunot ang noo ko, ako lang! Hindi ko nalang sila pinansin.

Uupo na sana ako sa one seat na sofa ng may marinig akong ingay sa labas. Si Kuya ang nag presinta na titingin kung sino yun.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at pinilit na hindi uli maluha.

“Neng…” napatingin ako kay Tito Jandro ng magsalita siya.

"Bakit ho?” magalang kung sagot.

Ngumiti si Tito, “Magpakatatag ka. Kahit wala na ang mga magulang mo, aalagaan mo ang sarili mo. Alam kung masakit ang pinag daanan mo. Lagi mong isipin na hindi ka nag iisa. Nandito parin sila Mama mo, nagbabantay sayo,” seryosong sabi nito. Natahimik ako dahil magkaboses sila ni Papa, magkapatid eh, kambal pa. Tss…

Tumango ako. “Sige ho," sabi ko, saka ngumiti… ng peke. Lumingon ako sa mga kaibigan ko. Natuon ang tingin ko kila Rania at Andy. Sila na ba? Damn it! Ang dami kung na miss na usap usapan.

“Hindi pa kayo uuwi. Baka mag alala ang mga magulang niyo? Gabi na," tanong ko sa kanila.

Ngumiti sila.

"Dito kami matutulog,” Nakangiting sabi ni Autumn. Nanlaki ang mata ko. Fuck!

Saan sila matutulog!? Isa lang ang guest room sa bahay! Doon rin natutulog sila Tita Zaya at Tita Jandro.

"Sa kuwarto mo kami matutulog,” nakangising sabi ni Aldhea.

Ha! Ang liit ng kama ko!

"Sa sahig kami matutulog,” sabi rin ni Shailene.

Wala kaming extra fo—

"Nagdala kami ng mga gamit,” nakangiting sabi ni Ramia. Hinilot ko ang sentido ko at bumuntong hininga. Wala na akong kawala. Handa na handa eh. Ang sama ko naman kapag tumanggi ako. Gusto kung mapag isa. Pero nandito ang mga bruha.

Napatingin ako sa pinto, Wala pa si Kuya. Kanina pa siya nandoon sa labas ah. Mayroon ngang tao.

Tumayo ako at lumabas. Pero… natigilan ako at nanlamig ang katawan ng makita kung sinong kausap ni Kuya.

Basang basa Ang katawan nito. May nakita pa akong mga naka black suit. Marami sila.

Anong ginagawa niya dito? Aatras na sana ako pero nakita na ako ni Darius.

“Baby," sambit niya sa pangalan ko. Parang gusto kung bumalik sa kaniya at mag sorry.
Mahal niya talaga ako?

"Zynie. Pumasok kana,” Kuya Zion said angrily.

Dahan dahan akong umatras pero natigilan ako ng may magsalita sa likuran ko. “Alen, hayaan mo silang mag usap. Relasyon nila yan,” malumanay na sabi ni Nicolette.

Kita kung natigilan si Kuya. Nagdadalawang isip kung sino ang susundin niya.

“But…” Hindi ito nagpatinag, nanaig ang desisyon ni Kuya sa sarili. "Umuwi kana Darius. Tigilan mo na ang pinsan ko, pakiu—”

"Paki usap rin Alen, hayaan mo na sila. Papasok ka o mag aaway tayo? Anong gusto mo? Baka tayo ang mga hiwalay, hindi sila,” pananakot ni Nicolette Kay Kuya. Kita ko namang natigilan at napalunok ng mariin si Kuya.

Kumunot naman ang noo ko. Sila na?

Bago umalis si Kuya ay binigyan niya pa ako ng mariin na tingin. Tumingin ako kay Darius. He looks handsome kahit ang gulo niya tignan. Basang basa siya. Sana man lang nagbihis ito. Magkakasakit siya. Napalunok ako at humakbang papunta sa kaniya pero napahinto na siya na ang lumapit sakin. Na realize ko na wala pala aking tsinelas na suot.

I look at his eyes. Nanghina ako at napayuko ng magkasalubong ang tingin namin. His eyes are now cold. Wala akong nakikitang sakit.
Anong nangyari?

“Sabihin mo ang sinabi mo sakin kanina." malamig na sabi ni Darius.

Broken Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon