Chapter 7
OfficialZynie POV.
“ZYNIE, gising na.” Nagising ako dahil sa tinig ng lalaki at alam kung si Darius iyon.
I opened my eyes and I saw Darius look at me seriously. I smiled at him.
“Hello.” I said sweetly. Ngumiti naman ito.
Bumangon ako at hinarap si Darius.
“Let's go!” excited kong sabi, napatawa naman ito.Ang lamig!
Suot ko parin ang dress kaya nilalamig ako. Tumingin ako sa labas at madilim na!
“Gabi na?” malungkot kong sabi.
“Yes. Kanina pa kita ginigising pero wala, tulog ka parin. Hindi na lang ako nagpumilit, alam kung pagod na pagod ka.”
Mas sumama ang loob ko. Puta! Kasalanan ko naman pala.
Ngumuso ako at naiiyak na tumitingin kay Darius. Nag uunahan na naman sa pag kabog ang aking dibdib.
Para akong bata! Hindi naman ako ganito!
“It's 6 pm. Pwede pang maligo if you want.”
Tumingin ako sa paligid. Wala akong nakitang tao.
Umiling ako. Umupo si Darius sa harapan ko.
Malambing itong tumingin sakin. “Why?”Ngumuso ulit ako. “Malamig na,” may bahid na lungkot ang boses ko.
Napa isip si Darius. “Ngayon nalang tayo mamimili ng gagamitin mo.”
Lumiwanag ang mukha ko. Excited akong tumingin kay Darius. “Tara!” atat kong sabi. Bumaba ako sa kama, ganon rin si Darius.
“Here.” Inilahad niya sakin ang black hoodie niya. “Malamig na.”
Tinanggap ko naman iyon. Walang hiya hiya to! Nilalamig na ako! Grabe! Yung hoodie niya ay above the knee ko at ang laki, pero comfortable naman ito.
“I have another pair of slippers here. Baka masakit na ang paa mo.”
“Hindi naman. Saka nasanay na ako.”
PAGKARATING namin sa mall ay grabe! Naagaw namin ang atensyon ng mga babae! Ang guwapo kasi nitong kasama ko. Wala akong paki! Maganda ako. I don't care! Inirapan ko ang mga babaeng grabeng tumingin kay Darius. Teh! Akin to! Self! Nasaan ang karapatan! Sumimangot ako.
“Are you okay?” nag alalang sabi ni Darius sakin, napansin niya siguro ang mood ko.
Umiling ako.
Natawa si Darius saka pinaglapat ang aming mga kamay. Nanlaki ang mata ko. Ramdam kung pumula ang mukha ko. Lumunok ako ng mariin, pinipigilan ang tili dahil sa kilig.
“Selosa,” rinig kong sabi ni Darius.
Kunwari akong nairita sa kaniya. “Excuse me! Ako!” Turo ko sa sarili. “Asa! Bakit naman ako magseselos! Wala akong paki alam kung tumitingin sila sayo,” depensa ko.
Tumawa siya ng malakas, inirapan ko na lang siya at hindi pinansin hanggang maka upo kami sa pagkainan. Ewan ko ba kung bakit nairita ako. Totoo naman ang sinabi ni Darius na nagseselos ako. Hindi naman talaga maiwasan ang selos.
“What is your order ma'am and sir.” Sabi ng waitress.
“I'll take the rice with beefsteak, water, and one slice of red velvet cake.” Sabi ni Darius.
Ngumuso ako. Ang dami ng nasa menu, mahihirapan ako nito kasi puro masasarap.
“Rice with chicken adobo, coke, two slice of chicken pepperoni pizza, two slice of yema cake and five scoop of ube ice cream.” Order ko. Nakita ko na nanlaki ang mata ng waitress. Ang rami siguro ng inorder ko. Wala akong paki! Nagugutom ako. Ikakain ko nalang ang selos ko. Libre to eh.
BINABASA MO ANG
Broken Promises
RomanceZynie was a popular girl in their school. Everyone adores her but he didn't mind, instead all he want was love from her beloved father. Zynie believe that, 'promises are meant to be broken' but for Darius, Zynie believe that for her 'promises are me...