Chapter 28

5 0 0
                                    

Chapter 28
Drunk

Zynie Pov

“Cheers!" sigaw ng karamihan.

“Cheers for the group! Thank you for all of your talents. We went to the top of the dance group! Today! Today was the 26th anniversary of the Benign Dance Ensemble! I was very thankful to be your coordinator. I know that the time will come, na mag aasawa na kayo, o aalis kayo sa grupo. Thank you for all the memories! Mamimiss ko ang mga memories natin Benign dancers!” naluluhang sabi ni Miss Jannah.

Kinagat ko ang labi para maiwasang humikbi ng malakas. This is our last day here in Palawan. Kaya pala nandito kami sa Palawan, mag reresign na si Miss Jannah.

Pinahid ko ang luha ko. Hindi na siya ang coordinator namin. Wala ng kulitan. Sino kaya ang magiging coordinator namin?

“Ladies and Gentleman," sabi ni Ma'am Arcelie, may ari ng BDE. “First, I would like to thank Jannah for everything. Palagi tayong nananalo dahil sa kaniya. I can see how she holds you. Second, I would like to say ‘thank you’ for all of the dancers of Benign. Your talents, your sacrifices, your sweat, your tears, the pain in your body, and your energy,” emosyonal na dagdag ni Ma'am Arcelie.

"Sino kaya ang coordinator natin?”

"Aalis si Ma'am Jannah. Bakit kaya?”

"Ewan ko rin.”

"Biglaan kasi.”

"Kaya pala may pa Palawan.”

"Lastly, your next coordinator will be…" sinayang bitinin ni Ma'am Arcelie ang sinabi.

Kumalabog ang dibdib ko.

“Saravena Rahiya Roxas!" sigaw na patuloy nito.

Lumaylay ang balikat ko.

Magaling naman si Sarah mamuno. Pero masyado siyang mabait eh? Hindi ko pa siya nakikita na sumasayaw? Seryoso? Tsaka hindi kami mag ka close. Ayaw ko sa kaniya.

“Yes!"

“OMG!"

“Buti nalang si Miss Sarah! Hindi tayo mahirapan."

Ako ang mahihirapan!

“Mabait si Miss Sarah kaya okay lang."

Okay lang? Sakin hindi!

“Ano kaba Haren! Okay na okay!"

Napaiwas ako ng tingin at lumagok nalang ng beer. Napayakap ako sa sarili ng biglang umangin ng malakas. Shit! Nilalamig na ako.
Sino ba kasi Ang hindi lalamigin sa suot ko! Red bodycon dress na plunging neckline, above the knee at backless.

Nagbuga ako ng hininga at ipinikit ang mata. Hinihilot ko ang gilid ng noo ko dahil nahihilo narin ako. Kanina pa ako umiinom.

Eleven o'clock na pero ang hype nila. Tahimik lang ako sa gilid at antok na antok na. Kaming mga dancers nalang ang nandito, ang iba ay umuwi na sa hotel.

I yawn. Tinapik ko ang balikat ni Andy at nagpaalam na umuwi na. Hindi ko na talaga kaya. Wala ako sa mood mag party.

Bago pa man ako lumabas ay pumunta muna sa cr. I put a matte lipstick at inayos ang buhok ko. I pout and left.

Nahihilo akong naglakad. My vision now was blurry. Natatakot ako na baka mapag tripan ako ngayon.

Lumunok ako at pumikit. Palakad lakad lang ako ng bumangga ako sa matigas.

Sa pag aakalang pader iyon dahil sa katangahan ko, tumalikod ako pero may humawak sa pulsuhan ko. Kumunot ang noo ko ay inimulat ko ang mata ko kahit antok na antok.

Broken Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon