Chapter 18

5 0 0
                                    

Chapter 18
Begging

Zynie POV

“Kuya, thank you.”

"It's okay.”

Tumulo ang luha ko.

“Hindi ba kita na istorbo? Your acads are at stake. Baka mawalan ka na ng scholarship.”

Nahihiya ako. Graduating na si Kuya sa college at baka hindi siya makapagtapos sa last year sa college. Lagi siyang nandidito para kay Mama. Pati rin kay Darius.

Hinaplos ni Kuya ang buhok ko at ngumiti. “Don't worry about me. I am your family.”

Lumambot ang puso ko.

Nanaig ang katahimikan. Rinig na rinig ko ang nagsusugal at nag-uusap sa loob at labas.

“Hindi ko iniisip na ako ang anak. Dapat ako ang umasikaso. Ako dapat yung gumastos," basag ko sa katahimikan.

"It's okay. Family help each other. Okay lang namin ni Mama na hindi ko muna tatapusin ngayon.”

My eyes widened. No! "Per—”

"Zynie,” putol niya sa sasabihin ko.

Magtatapos na si Kuya.

“Thank you.”

"Fix yourself. Ako ang magsusustento sa iyo.”

Napamaang ako. Tama ba yung narinig ko?

“Kuya," Tumulo na naman ang letseng luha ko.

"Si Darius.”

Umangat Ang tingin ko. Puno ng pagtataka. Seryoso ang makikita ko na emosyon sa mga mata ni Kuya. Kinabahan ako.

Napalunok ako ng mariin. May mali. Iyon ang kutob ko. “Bakit?"

“Hiwalayan mo siya. I don't want him for you,” seryosong sabi ni Kuya na nakapaggulat sakin.

What the freak! “Why? W-wala siyang g-ginawa. He h-help me Kuya. A-anong Hindi m-mo gusto sa k-kaniya," utal utal ko na sabi.
I need an explanation Kuya!

“Simple. Sinira niya ang buhay mo Zynie. Dahil sa kaniya nangyari lahat ng to."

Natigilan ako. May point siya. Pero… pero hindi ko kayang iwan siya.

“Hindi… Hindi ko kaya,” basag na boses kung sabi.

All of this is just a coincidence. Walang kinalaman si Darius dito.

“Kakayanin mo Zynie. You need to break him!"

Napatigil ako ng sumigaw si Kuya. Kailan man hindi siya sumigaw sa akin. Ramdam ko ang galit sa boses niya. Nanghina ang katawan ko at nanlamig.

“Wala akong pakialam Kuya!"

“Walang pakialam!? Think about this Zynie. Think carefully. You don't know his family,” Kuya's voice is dangerous.

Nanindig ang balahibo ko. The fuck! “Hindi mo rin alam! You don't know his family either. Alam na alam ko sila. Don't threaten me Kuya,” pinilit kung maging matapang.

"You know how powerful their family is. Nag iisang anak ng isang Drake Austin Missouri, the oldest of the Missouri Brothers. I know how their family works. Kapag nalaman ng mga Missouri na si Tito Aag dahilan ng pagkamatay ni Darven Mateo Missouri, ang kapatid ni Darius, tiyak malalagot ka Zynie."

Nanlabo ang mga paningin ko. Hindi na rin ako makahinga ng maayos. What happen to you Kuya?

I remember what Tita told me.

Broken Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon