Chapter 4

6 1 0
                                    


Chapter 4
Communication

Zynie POV

"Let's go," pukaw ni Darius sa atensyon ko. "What did Drianne tell you?"

"Nothing important."

Pagdating namin sa malaking cottage ay marami nang tao. Batid ko ay mga barkada iyon ni Darius.

"Hello Darius." Nagulat ako ng bigla ay may sumulpot sa harapan namin. "And?" Tumingin siya sakin.

"Zynie," pagpapakilala ko. Inilahad niya ang kamay. Tinanggap ko naman iyon.

"Reuben," pagpapakilala niya. "So I assume that your Darius girlfriend." Tinignan ko si Darius. Binitawan na ni Reuben ang kamay ko.

Hinapit ako ni Darius sa bewang. "No. But soon to be," mayabang na sabi ng loko.

Reuben smirk. May galit ang mga mata.  "How about Drianne?"

Napalunok ako.

"How about Drianne? Bakit may problema ba? Anyway, kakain muna kami," sarkastong sabi ni Darius.

Anong nangyari? Bakit parang galit si Reuben nong sinabi ni Darius na nililigawan niya na ako.

Ipinakilala ako ni Darius sa mga kaibigan bago kami kumain. Friendly silang lahat. Nakapagtaka dahil wala si Drianne.

"Nasaan nga pala si Drianne?" biglang tanong ko kay Darius habang nasa ilalim kami ng talon. Malakas ang agos ng tubig. Kaya hindi ako masyadong naririnig ni Darius. Inilapit ni Darius ang tenga niya. "Ano? Hindi ko marinig."

Ngumiti ako saka kinurot ang pisngi niya. Ang lambot! "Sabi ko nasaan si Drianne." Hinapit niya ang bewang ko, saka ibinaon ang mukha sa leeg ko. Hinaplos ko ang kaniyang buhok saka dahan dahan pumunta sa malaking bato at umupo. Isinandal niya ang katawan sakin.

"Para na tayong magka-relasyon," biro ko. "Ang clingy mo talaga."

"Sagutin mo na ako,"

Tumawa ako. Iniharap ko ang mukha niya. "Tanungin mo ko?"

"Can I court you?"

"Mmm..."

Tumaas ang kilay niya. "What?!"

"Tanungin mo sabi ako."

"Can I court you?!"

Tumawa ako ng malakas.

Kumunot ang noo niya. "Ano?! Meron bang nakakatuwa?!"

Mas tumawa ako. Inirapan ko siya saka itinulak ang katawan niya. "Hey!" Tumakbo ako palayo sa kaniya. "Zynie!"

Tatawa akong tumakbo. "Ang slow mo baby."

Napasigaw ako ng bigla ay nadulas ako. Ipinikit ko ang mata dahil alam kung katapusan ko na. Tila natigil ang mundo ko dahil may malambot na kamay ang humawak sa bewang. Tumigil ang paghinga ko.

"Be careful baby. Gusto pa kita pakasalan." Pumula ang pisngi ko.

"A-ano b-ba," utal utal kong sabi. Pinalo ko ang kamay niya.

Pinakawalan niya ako saka hinawakan ang kamay ko. Hinarap niya ako. "Dahan dahan. Ano nga yung tinawag mo sakin?"

"Ha?!" maang maangan kong sabi.

"Denying."

"Hindi kaya! Ano ba yung sinabi ko? Di ko kasi matandaan."

"Psh..."

Inirapan niya ako. Tinanggal ko ang kamay niya na nakapalibot sa bewang ko.

"Tara na nga."

"Ano nga yung sinabi mo? Naiintindihan ko na yung sinabi mo? Tanungin mo ulit ako."

Broken Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon