15. Pretensions Overload

15.2K 312 31
                                    

JUNE 23, Tuesday afternoon

Isang beses lang napalabas si Rhian sa bahay nila nung araw na yun. Yun ay nung nagdecide siyang mag-jog for a while para makalanghap ng fresh air kahit papano. Mula kasi umaga hanggang hapon, nasa loob lang siya ng kuwarto. Nagmamaktol. Umiiyak.

Nagsilbing karamay niya rin ang comfort food niyang Double Coated Timtam, at laptop kung saan nagpapatugtog siya ng sad love songs on repeat! Aba, matindi. Feel na feel niya talaga ang pag-eemote today. Wala siyang ibang gustong makausap kundi sarili. Kahit nandun ang mommy niya sa bahay, ayaw niyang malaman nito kung ano ang pinagdaraanan niya ngayon dahil sure niya, makakarating ito agad kay Jason. She couldn't even call her bestie Bianca dahil busy ito at wala itong alam sa mga ganap sa lovelife niya ngayon.

Mag-6PM na. Nakasalampak siya ng upo sa bedroom floor. Nakasuot pa rin siya ng pang-jogging outfit, hindi niya na kasi nagawang magbihis. Pagpasok pa lang kasi niya sa kuwarto galing sa pagja-jog sa labas kanina, balik pag-eemote na naman ang inatupag niya. Eto siya, pakanta-kanta habang pahid dito, pahid dyan ng mga luhang di ata matapos-tapos sa pagpatak.

Gusto niya makalimot pero malabo. Bawat kanta ba namang papakinggan niya, ang maaalala niya eh ang latest ex niya na si Glaiza. Lahat kasi ng kanta sa break up playlist niya eh nagagawa niyang ma-connect sa sitwasyon nila ngayon. Lol.

Akalain mo yun, nagtagal lang ang relasyon nila ng 4 days and 3 hours pero feeling niya, ito na ata ang pinakamasakit na break up na naranasan niya sa buong buhay niya. Nyay.

The song she's listening to at the moment was "Here Without You" by 3 Doors Down.

"A hundred days have made me older.. since the last time.. that I saw your pretty faceee.."

Habang pinapakawalan ang linyang yun, bigla namang litaw ng magandang mukha ni Glaiza sa imagination niya at napakatamis pa ng ngiti nito. Naging dahilan yun para bigla siyang humagulgol lalo sa pag-iyak.

Hirap man siya dahil sa paghikbi at sa paninikip ng dibdib, nagpatuloy pa rin siyang sumabay sa kanta.

"A thousand lies have made me colder.. and I don't think.. I can look at this the sameeee.." Sabay pahid ng mga luha gamit ang kanan niyang braso.

"But all the miles that separate.. disappear now.. when I'm.. dreaming of your faceee.." Pahid naman siya ng luha gamit ang kaliwang braso.

"I'm here without you, baby.. but you're still on my lonely mind.. I think about you, baby.. and I dream about you all the timeeee.." Para siyang batang inuuhog ng sipon dahil sa kakaiyak.

"I'm here without you, baby.. but you're still with me in my dreams.. And tonight it's only you and me.... yeah.... ooohhhh.. lablab.... Huhuhu.. Miss na kita ehhhh.."

She suddenly buried her face on the big white pillow she was holding at the moment. Basang-basa na nga ang pillow niya kakaiyak niya.

Hay.... Malubha na ito. :(

~~~~~~

Nasa VADK set si Glaiza ngayon. She needed to look okay. She had to because she had no choice. She couldn't cry the whole day kahit gustuhin niya man lumuha ng lawa. Kailangan niyang magpretend na masaya siya, na hindi durog ang puso niya. Kasi ayaw niya na tanungin pa ng ibang tao in case makita ng mga ito na maga ang mga mata niya. But how could she handle that if every single minute, naaalala niya ang break up nila ni Rhian, break up na para sa kanya, napakalabo pa rin ng dahilan?

Sobrang sama ng loob niya dito, pero kahit ganon man, hindi niya pa rin maiwasan na ma-miss ito. She couldn't hate her. She wanted to but she just couldn't. Sobrang mahal niya si Rhian, at mas nangingibabaw ang love niya dito kesa sa sama ng loob.

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now