23. Unknown Visit

12.3K 270 19
                                    

JUNE 29, Monday morning, 1:23 AM

Dahan-dahang binuksan ni Rhian yung pinto ng kuwarto niya sa attick. Pinapakiramdaman kung gising pa ang mommy niya sa baba. She was all set to go to the hospital. Hindi na siya nag-ayos pa. Naka-pajamas and saggy shirt lang siya pero wala siyang pakialam. Hindi na siya nagdalawang-isip na sumugod sa hospital kasi sobrang worried na siya sa girlfriend niya.

Naiinis siya sa sarili niya kasi enjoy pa siyang nakikipag-twitter party kanina with the fans, tapos wala man lang siyang kaalam-alam na may masama na palang nangyayari sa girlfriend niya. Sabagay, sino nga naman ba ang magbabalita sa kanya mula sa family ni Glaiza kung hindi naman alam ng mga ito na "SILA" na pala in real life??? Buti na lang, naisipan pa ni Chynna na balitaan pa siya.

Dilim ang naghahari sa loob ng kabahayan nila. Hindi na niya binuksan ang mga ilaw kasi patakas siyang pupuslit para pumunta ng hospital dahil alam niya na hindi siya papayagan ng mommy niya na lumabas pa nang ganong oras.

Malapit na siya sa main door nila. Ayan na. Konting hakbang na lang at mabubuksan niya na ang pinto... nang biglang....

"Yoyon?"

Tila napalundag pa siya nang out of nowhere biglang may nagsalita sa likuran niya.

OMG. Mommy Claw just caught her in the act of sneaking out!

"And where are you going?"

Napanganga si Rhian. Hindi niya masyadong maaliwanagan kung nasaan ang mommy niya ngayon kasi madilim sa paligid.

"Mom??? Bakit... bakit gising ka pa?" Sagot niya sa dilim.

"Ikaw ang bakit gising pa?" At sa mga sandaling yun, naghari ang liwanag sa bandang sala. Binuksan na kasi ng mommy niya ang ilaw. Nakita niyang may dala itong midnight snack and a tetra pack of milk. Lol.

"Ahm..." Napilitan nang sabihin ni Rhian ang totoo. Wala siya sa huwisyo para makaisip ng anumang alibi. "I need to go to the hospital, mom."

"Wait, why? Who's in the hospital? And seriously, at this time of the day, nak?!" Di makapaniwalang tanong ni mommy Claw.

"Oh.. Yeah, I just really need to visit my friend, mom."

"Pwede naman na ipagpabukas mo na lang yan, Yon. Anong oras na ah. Baka kung mapano ka pa sa labas. Sige na.. bukas na lang. Bumalik ka na sa room mo."

"But mom.... This is the only time I got. Please.. just let me go."

"Mamamatay na ba yang friend mo at hindi ka na makapaghintay? Ano ba kasi nangyari? Kung magpupumilit ka lumabas, okay, call Jason at magpahatid ka."

"No, mom.. Jeez. Okay... okay. It's.. Glaiza in the hospital. And I'm fine.. I'm a big girl now, I can drive my own car.."

"Glaiza?? Why? What happened?" Takang tanong ni mommy Claw.

"I don't know yet.. Sorry mom.. I really need to go now. I'll be back.. okay? Just.... go to sleep mom, don't wait for me." Pagkasabi nun ay humalik siya sa cheek ng mommy niya at mabilis na tumakbo patungo ng pintuan para buksan yun.

"Rhian?!" Habol pa ng mommy niya. Pero hindi na siya nagpapigil. She really needed to go or else mababaliw siya kakaisip kung ano na bang lagay ng girlfriend niya.

Agad siyang nakasakay sa kotse niya at pinaharurot yun sa paglabas ng gate nila. She couldn't waste any more time.

~~~~~~

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now