9. A Surprise In Disguise

15.7K 371 119
                                    

JUNE 11, Thursday evening

Sa kalagitnaan ng event, Glaiza thought of calling Rhian to thank her for her presents.

"Hi!"

"Hello!"

"Ah. Hahaha. Thank you sa cake.. and sa..lov-.. sa letter."

"Yeah. I hope you liked them?"

"Oo naman. It was actually sweet of you to do that. I wasn't expecting it, to be honest."

"Don't mention it.. Kailangan ko bumawi eh.."

Sumenyas si Chynna na kailangan daw niya bumalik ng stage. So, she had no choice but to end the call.

"Ah.. Rhi, wait, I have to go. Punta lang ako sa harapan. But anyway, super thank you.."

"No problem."

"Hmm. Okay, Bye?"

"Bye." Call ended.

~~~~~~

Past midnight na nung makauwi si Glaiza sa kanila. Ibigsabihin June 12 na and it's already Independence Day. The event was a success. Naisipan niya magtweet pagkauwi sa bahay para mag-thank you sa lahat ng participants for the said event.

'@glaizaredux: Kakauwi lang from Babae Power! Salamat sa lahat ng sumuporta! Sa lahat ng speakers, performers at mga nakinig!Maligayang araw ng Kalayaan P H'

Napansin niya na naghihintay ang followers niya sa magiging reply niya kay Rhian sa twitter. Kaya minabuti niyang magpasalamat dito sa tweet kahit nagawa niya na thru phone call kanina.

Habang tina-type ang tweet niya kay Rhian, iniisip niya kung babanggitin niya yung about sa letter.

'@glaizaredux: Salamat @whianwamos sa matamis na... words and cake ;)

She paused for a while. Naisip niya baka maging issue kung ime-mention niya yung about sa message na yun ni Rhian. Baka marami magtanong so she decided to edit her tweet and delete the last part.

@glaizaredux: Salamat @whianwamos sa matamis na... cake ;)

Tweet successfully sent!

Not a minute later, nakatanggap siya bigla ng tawag. It was Rhian calling her at this time of the day.

"Hey.. gising ka pa?" Takang tanong ni Glaiza.

"Haha. Yep, hindi ako makatulog e. Nakauwi ka na?"

"Hmm oo. Dito na ko sa bahay. Bakit di ka makatulog?"

"Hinihintay kasi kitang makauwi eh."

"B-bakit naman?"

"Wala lang.. Gusto ko lang malaman na safe kang nakauwi. Then, pwede na siguro ko magsleep?"

"Hmm.. Ganon?" Hindi maiwasan ni Glaiza mapangiti. "Well, makakatulog ka na. Bahay na ko. Ayoko sisihin mo ko mamaya kasi puyat ka. Hehe."

"Ginusto ko naman to.. So, sige na, rest ka na.. I know you're tired."

"Hmm.. Okay. Pahinga ka na rin.. Good night?"

"Good night.."

Mga ilang segundo ang lumipas pero tila walang gustong magbaba ng tawag. Nagpapakiramdaman sila pareho. Natawa sila pareho dahil dun.

"Haha. Sige na, ikaw na magbaba." Sabi ni Glaiza.

"Hahaha. No, ikaw na." Giit naman ni Rhian.

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now