Song of the day: Migraine by Moonstar88 ❤ =)
JUNE 8, Monday evening, 10:49 PM
"We can't talk. Wala ako sa bahay. Ahm... I'm still here in Q.C.." Nakahawak si Rhian sa kanyang batok habang kausap si Jason sa kabilang linya.
"Why? Hindi pa ba tapos ang taping?" Tanong ni Jason.
"Tapos na pero.. lumabas kasi kami ni bestie with ate Tony tonight. Nandito pa kami sa.. The Longue. Hmm."
Nahagip ng mga mata ni Rhian si Glaiza na nakaupo sa couch, nakayuko ito, tahimik. She knows naririnig nito ang sinasabi niya kay Jason. Yeah, she just lied, and Glaiza heard that.
"Okay then, pupuntahan ko kayo. Mabilis lang naman ang byahe kasi wala nang traffic. I just wanna see you."
"Now isn't the best time. Maybe we can meet some other time?"
"I insist. Please.. wag ka naman na magalit. I'm sorry.. kung pinagselosan ko pati si Glaiza. Hindi ko na uulitin. Magbati na tayo, boo. Please?"
"Okay. Okay. Wala naman na sakin yun eh. Pero.."
"I'm coming, okay? Wait for me."
Hindi makasagot si Rhian. Hindi niya pwede sabihin na nasa place siya ni Glaiza ngayon dahil pag-uugatan na naman yun ng selos for sure.
"Ah.. Wait lang. I'll call you back later." Pagkatapos nun ay binaba nya ang tawag. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
"What happened?" Tanong ni Glaiza.
"He's coming."
"Where?" Tanong ni Glaiza.
"Pupunta siya sa pinanggalingan natin. I.. I didn't tell him na nandito ako. He can't know about this. Ayoko madamay ka."
"Wait, diba damay naman na talaga ako dito dahil ako nga kamo ang pinagseselosan ng boyfriend mo? So, I'll stand by you with it."
"But.."
"No buts. I'll drive you back there." Glaiza gave her a reassuring smile na hindi niya ito iiwan sa ere sa mga oras na yun. Rhian genuinely smiled back.
~~~~~~
JUNE 8, Monday evening, 11:21 PM
Nakahawak si Glaiza sa manibela ng kotse niya. Nakamasid sa dalawang taong nag-uusap sa hindi kalayuan. Nasa harap ang mga ito ng building.
"Hay naku, Glaiza.. Kahit kelan talaga, napaka-masokista mo. Anak ka talaga ng pinagmanahan mo."
Kinakausap niya ang sarili niya. Eto siya ngayon, pinapanuod ang taong feeling niya, "mahal" niya na, kasama ang boyfriend nito. Nagseselos siya, sobra. Pero hindi niya pwedeng ipakitang affected siya. Hirap naman talaga humopia, diba? Bakit kasi nagpaka-fall siya sa leading lady niya? She knew it's complicated and she knew it wouldn't do anything good to her at all..
But her question to herself is since when has she been in love with Rhian? Is she really in love? She couldn't answer herself either. She just knew she keeps on falling in love with her everyday na kasama niya ito. Hindi niya na mapigilan. Siguro nga tama yung sabi nila, the more you hide the feelings, the more they grow.
Nakita niya na niyakap ni Jason si Rhian. Naisip niya na okay na ulit ang mga ito. Sige Glaiza, panuorin mo pa. Masokista ka nga e, sabi mo.
~~~~~~