2.5. Reverse Psychology

11.8K 321 102
                                    

AUGUST 7, Friday evening

"Ano, totoo ba?.... Bakit??" Ulit ni Mrs. Galura.

Hindi makasagot si Glaiza sa nanay niya. Hindi niya malaman kung paano siya magpapaliwanag.

Lumapit si Mrs. Galura sa anak. Hinawakan ito sa braso. Nahulaan na ang pananahimik ni Glaiza ay nangunguhulugang "oo".

Bumaling ang tingin ni Mrs. Galura kay Jason. "Kung ano man nagawa ng anak ko, ako na ang humihingi ng tawad."

Napayuko lang si Jason sa sinabi na yun ni Mrs. Galura.

"Glaiza, pumasok na tayo sa loob." Mrs. Galura said it in a firm tone.

Nakayuko pa rin si Glaiza, hindi makatingin nang derecho sa nanay niya. Namumula na ang mga mata niya dahil sa hindi inaasahang pag-iyak.

Naiwan si Jason sa labas na nakatanaw sa mag-ina na ngayon ay naglalakad na papasok ng building.

~~~~~~

Sa hallway... bago sila makapanhik sa taas..

"Bakit mo nagawa 'to? Nung sinabi mong.. ganyan ka..." Huminga nang malalim si Mrs. Galura, pinipilit pakalmahin ang sarili. "Pinilit kitang tanggapin, dahil wala na rin naman ako magagawa eh.. Nandyan na yan. Pero kung malalaman ko lang na.. ganito lang pala ang papasukin mo? May niloloko kayong tao? Anak.. yun ang hindi ko makakayang tanggapin.. at hinding hindi ko mapapayagan yang ganyan. Malaki ka na.. alam mo yun, kaya pinagkatiwala ko sayo yung desisyon dahil akala ko hindi ka gagawa ng bagay na ikakasira mo.. ng ikapapahamak mo. Pero anong ginawa mo? Bakit mo nagawa 'to? Alam mong mali. Pero pinasok mo pa rin??"

Humihikbi lang si Glaiza. Nakayuko pa rin ito.

"Ayokong malalaman pa to ng ibang tao.. Kaya mag-isip-isip ka. Layuan mo si Rhian, bago pa to malaman ng iba. Naiintindihan mo ba ko? Umiwas ka sa gulo. At tumigil ka na sa kahibangan mo, dahil alam mong walang magandang maidudulot yan sayo." Akma nang aakyat ng hagdan si Mrs. Galura.

"Matagal na namin tinapos lahat, magkaibigan na lang kami. Nay, yun po yung totoo." Habol ni Glaiza.

"Sana nga, nagsasabi ka na ng totoo dahil ayoko nang madismaya ulet. Tumigil ka na sa pag-iyak. Wag kang aakyat sa taas na ganyan ka.." Nagpatuloy na itong umakyat ng hagdan pagkatapos. Mababakas pa rin ang dismaya at sama ng loob sa mukha.

~~~~~~

"Oh Glaiza, san ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap. Magsisimula na viewing party natin." Tanong ni Stephanie.

"Oo nga kanina ka pa namin hinahanap, tsong ah." Si Chynna.

Pinilit ngumiti ni Glaiza kahit sa mga oras na yun, parang gusto niya na lang umuwi.

Nagsimula na ang viewing party ng TRMD, nagkuhaan na ng pictures, at nagkasiyahan na rin ang cast and crew ngunit wala pa din dumarating na Rhian. Hayst, wala na talaga itong maaabutan sa totoo lang. Sisihin ang traffic sa Edsa at South Expressway! =S

~~~~~~

Patapos na ang cast and viewing party nang sa wakas, dumating si Rhian...

"Sorry guys. Sobrang traffic." Malungkot na bungad nito sa pintuan. Kasunod niya si Mang Norman na dala-dala ang mga giveaways.

Napalingon lahat sa kanya.. kasama na si Glaiza na agad namang nagbaba ng tingin dahil aware ito na nagmamasid lang ang nanay niya sa kanilang dalawa.

Sa kamalasan, nagsiuwian na ang iba.. dahil late na rin. Halos wala nang naabutan at nakausap si Rhian na lubha namang kinalungkot ng huli..

Hindi tuloy niya maiwasang madisappoint sa naabutan niya. Eto siya kausap si Mrs. Gloria Romero at ang glam team sa iisang mesa. Nakauwi na ang ibang cast, at ang iba naman doon ay hindi siya magawang kausapin.... nangunguna na rito si Glaiza, si Glaiza na inaasahan niyang unang-unang sasalubong sa kanya pero nasaan ito ngayon? Nasa mesa ito... tahimik at hindi man lang siya magawang lingunin. Kanina niya pa nga ito tinatawagan nung nasa byahe pa lang siya pagkatapos niyang makatanggap ng text dito na nasa labas daw ito at hinihintay siya... Kaya ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit kahit tingnan siya, hindi nito magawa.

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now