JULY 8, Wednesday morning, 1:51 AM
Napabalikwas si Glaiza sa higaan niya. Pawisan siya. Hingal na hingal.
Maagap siyang tumingin sa loob ng kanyang kuwarto. Tila hindi pa makapaniwala na naroroon siya sa dilim at mag-isa. Napahawak siya bigla sa ulo niya pagkatapos, kasi nananakit yun.'Oh my God. Thank You.. thank You po.. hindi totoo...'
She felt relieved because it turned out it was all a dream... a nightmare rather.
Nakatulugan niya na pala isipin yung malungkot na napag-usapan nila ni Rhian kanina sa phone call kaya siguro pati sa panaginip niya, sinusundan pa rin siya ng kasawian...
Gosh. Akala niya talaga totoo na.. Yun pa naman ang isa sa pinakakinakatakot niyang mangyari. :( Yung iwan siya ni Rhian bigla... yung maglalaho na lang ito na parang bula... Isipin pa lang yun, feeling niya, parang pinapatay na siya nang paulit-ulit... (⇀ ↼ )
Minabuti niyang lumabas muna ng kwarto niya para uminom ng tubig. Ayaw niya na ulit bangungutin pa..
Dahil dun, gising na gising tuloy ang diwa niya. Pero kailangan niyang magpaantok kasi gusto niyang bumawi ng sapat na tulog.. kaya pagbalik niya ng kuwarto, nagdecide siyang makinig ng music para antukin siyang muli. Kinuha niya yung phone niya at in-unlock yung screen. Tumambad sa kanya yung naiwan niyang nakabukas na SoundCloud account, kakare-open niya lang nito kanina. In-explore niya yung tracks niya roon para magpatugtog...
Nahagip ng mga mata niya yung isa sa early compositions niya back to the old days. The song was entitled "Malaya".
Sinimulan niyang patugtugin yun.... At sa puntong yun, samu't saring mga bagay ang pumasok sa kanyang isipan..
'Nagising sa dilim, walang kasama.
Nasan ka? Umalis na naman ba?
Bakit ba di magtagal nang higit sa iyong kasama.
Siguro nga'y kailangan ko pang matutunan.Ngunit nahulog muli sa agos, hindi makasabay.
Hanggang kailan ba ako maghihintay?
Sa isip ko'y hindi na takot na humiwalay.
Himig ng damdamin, noon pa sumisigaw at nagbabantay.Nais mong maging malaya, ngunit para saan?
Sarili lang ba ang dapat ipaglaban?
Sa di mo namamalayan,
Pagiging malaya mo'y wala na, wala na sa katinuan.Napapagod ka't nalulungkot.
Nag-iisa, hindi iniinda ang kirot.
Akala mo ata ay kaya mong panindigan.
Sa huli, meron na meron kang babalikan, babalikan.
Meron kang babalikan. Meron kang babalikan.
Baka di mo lang alam siya'y naghihintay...'Naisip niya bigla, grabe naman, saktong-sakto lang yung kanta sa nararamdaman niya ngayon: yung sobrang takot na maiwan siya ng taong mahal niya.. sa oras na hilingin nitong maging malaya, yung pangamba na habambuhay siyang maghihintay dito.. at yung pag-aalingan niya sa sarili na baka tuluyan siyang hindi makasabay sa agos ng buhay at ikot ng mundo... dahil baka manatili na lang siyang nakasadlak sa sulok dahil sa pangungulila at pagdurusa... Hayst. Hugot talaga kung hugot.
Matapos mapakinggan yung kantang yun, tila nabuhay magmuli ang interest niya sa pagsusulat ng kanta....
Hindi niya tuloy napigilan na hindi mag-tweet...
'@glaizaredux: Nakakmiss nga ang #soundcloud. Sakto yung mensahe ng kanta sa #feels ko ngayon. Kamiss magsulat ulit, deym.
[attached link of the song "Malaya"]'
![](https://img.wattpad.com/cover/42179351-288-k471834.jpg)