10. Lipstick Cap

17.9K 362 35
                                    

JUNE 14, Sunday afternoon

Tuwang-tuwa si Glaiza basahin ang mga letters sa kanya ng mga fans. Family outing nila ngayon sa Tagaytay. Habang binabasa niya ang mga yun, panay tunog naman ng mga notifications niya sa social media accounts niya.

Fan's tweet:

'Aba si lablab @glaizaredux behave sa SAS ngaun, mukhang natakot na matulog outside the kulambo. Takot kay kumander @whianwamos lol'

Napangiti siya mabasa ang mga ganong tweets ng fans niya. SAS nga pala ngayon pero hindi live kasi pre-tape lang.

Naalala niya tuloy si Rhian. Pilit niya na nga muna winawaglit sa isipan niya e, kahit saglit lang, pero ewan ba niya, sadyang may mga bagay na lagi nagreremind sa kanya about dito. Natanong niya sa isip, nasan kaya ito ngayon at ano kaya ang ginagawa nito? Mula kasi kagabi nung bigla itong umalis sa SM Sta. Mesa, hindi na ito ulit nagparamdam pa.

Minsan, hindi niya talaga maintindihan si Rhian. May mga times na sobrang sweet na tipong ito pa ang mag-iinitiate ng conversations, tatawag or magtetext sa kanya, may mga times naman na halos wala itong paramdam. Pero, hello, sino nga naman ba siya para ma-feel bad? Hindi naman sila, diba? So, wala obligations si Rhian magparamdam sa kanya all the time.

Shet. Naguguluhan na pati siya. Hindi niya na alam kung ano ba ang dapat maramdaman at dapat iakto. Hindi niya nga kasi alam kung ano ba sila. Ang alam niya, may something.. pero hindi niya sure kung ano.
They enjoy each other's company, yes. They feel happy whenever they are together, and whenever they talk to each other, yes, whether it be personal or over the phone and social media. But.. this isn't the type of friendship na meron siya sa iba, ramdam niya yun. There is really something special going on between them, at least for her... O baka naman kasi may malisya sa kanya at humo-hopia lang siya na meron, but in reality wala? How is she supposed to know the truth anyway? Kagabi, sasabihin niya na sana pero naudlot pa. Ngayon, hindi niya na alam kung magkakalakas pa siya ng loob ulit magsabi ng totoo. Isa pa, for all she knows, Rhian is still in a relationship. Hindi niya tuloy alam kung magho-hold on ba siya sa sinabi ni Chynna na may something na rin si Rhian sa kanya.. Hayst.

~~~~~~

"Boo.." Hinawakan ni Jason ang kamay ni Rhian. They're leaning against the bumper of Jason's sports car. Kasalukuyan silang nasa BGC para mag-practice at the same time quality time na rin.

Kakauwi lang ni Jason from Cebu this morning. Nagulat din si Rhian sa maaga nitong pagbabalik. Akala niya kasi next week pa kasi ito makakauwi.

Tumingin lang si Rhian sa boyfriend niya.

"Is there something wrong? Masyado ata malalim iniisip mo. Kanina ka pa walang kibo dyan. Hmm.. hindi ka ba happy na.. nandito na ko?"

"Huh? What made you think that?"

"Wala lang. Naninibago lang siguro ako.."

"Sshh. Ikaw talaga. Kung anu-ano iniisip mo. Tara na, racing na lang tayo." Napilitan si Rhian ngumiti. Pumasok siya sa sasakyan niya na nasa tabi lang ng car ni Jason.

'What the fuck is wrong with you Rhian?! You're with your goddamn boyfriend but you're thinking about someone else?! This isn't right anymore. I don't know if I can still do this. God.... I don't even know what to do. Mababaliw na ata kooo.' Nakapatong ang ulo niya sa manibela ng sasakyan. Sumasakit na kasi ang ulo niya kaiisip kanina pa.

Yung totoo, she's missing that person so bad... she's missing Glaiza. She's been wanting to call her. But with Jason by her side, hindi tamang gawin niya yun. Kahit nga isipin man lang si Glaiza sa mga oras na yun, hindi na tama e. Pero hindi naman niya kaya pigilan. Bakit ba kasi kailangan niya pa maramdaman? Gulong gulo na ang utak niya sa kung ano ang tama at dapat gawin. Hindi niya na kaya magkunwari na masaya pa siya sa feeling ng boyfriend niya, kasi hindi na yun yung nafi-feel niya. Binago na lahat ng isang tao ang pagtingin at nararamdaman niya. Binago na yun lahat ni Glaiza. Damn..

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now