2.2. 'Girlfriend' or 'Girl na friend'?

13.3K 312 49
                                    

JULY 24, Friday morning

So that's day they met again after the break up...

Mula kasi nung araw na magpasya silang pakawalan ang isa't isa, hindi na sila nagka-usap o nagkita pa... At kahit ayaw man nilang magkrus muna ang kanilang mga landas sa ngayon, hindi naman nila maiiwasan dahil sa trabaho. Ngayon, balik taping si Glaiza sa set nila after 6 days of being #TeamBahay.

So how are they gonna act as if nothing wrong ever happened?

"Hi.." Rhian greeted Glaiza, smiling.

Glaiza though hesitant, smiled back. "Uhm. Hi.."

Alam mo yung parang bagong magkakilala lang kung mag-usap kasi nagkakailangan, nagpapakiramdaman?

"M-Musta?" Rhian asked, her eyes were longing.

"Uhm. Okay naman.. Kayo dito?"

"Hmm.. Quite good.. Tagal mong wala e. And by the way, I watched your performance pala on Eat Bulaga yesterday. You were so good.."

"Oh, nanuod ka pala.. Uhm. Thanks.."

"Yeah.. So, we're gonna battle it out tomorrow then.."

"Ganon na nga. Well, siguro, i-enjoy na lang natin. Ayoko rin naman isipin na kalaban ka.." Glaiza said, trying to sound as casual as possible.

"Haha. Yeah right."

"So.." Itinaas ni Glaiza yung script na hawak niya. "Back to work ulet.. Hehe. Excited ako eh. Ilang araw din akong wala."

"Oo nga e.. Sige. Back to work."

Balik trabaho sila.. Hindi na muna nag-usap pa.. at kung mag-uusap man ay dahil sa eksena, no more, no less...

Ang tanong, hanggang kelan naman kaya nila kakayanin ang ganong set up? Hanggang kelan nila mapapangatawanan na... wala na talaga? Na they're nothing now but.. friends and workmates? Na hanggang dun na lang talaga sila?

Ilang buwan? Ilang linggo.. o baka naman ilang oras?? (´∀')

~~~~~~

JULY 24, Friday afternoon

After a few hours...

Inabot ni Glaiza ang large size slurpee kay Rhian. "Oh."

"Sakin to? Wow. Nag-abala ka pa talaga.. Hmm. Thank you."

"Ah ano kasi.. Dumaan kasi kami sa 711 kanina. Eh nagcrave ako sa Slurpee bigla. Kaya.. ayun.. naano.. naisipan ko na.. yun.. bilhan ka na rin, baka.. gusto mo rin kasi?" Napapakamot pa ito sa ulo.. hindi alam kung paano siya magpapaliwanag nang hindi nagkakautal-utal.

Napangiti naman si Rhian dahil sa pag-stutter ni Glaiza. "Hmm.. You don't need to explain, Glai. Naappreciate ko naman e. Tsaka.. friends naman tayo, diba? Bawi ako next time.. thank you ulet.."

"Hmm.. walang problema."

Napansin naman ni Rhian ang moustache design sa straw ng Slurpee na binigay ni Glaiza sa kanya. Napangiti siya. "May naalala tuloy ako."

"Hmm?"

"The groucho glasses I wore during our road trip to Tarlac.. May fake moustache din kasi yun, diba?"

"Ah.. hmm.. oo nga pala." Naalala ni Glaiza ang lahat. Yung din yung gabi na nagawa nilang mag-confess sa isa't isa.. at nung naging sila... Hayst, bakit kailangan pang ipaalala? Bigla tuloy nag-iba ang timpla niya. Hindi niya maiwasan malungkot.. Napansin naman ni Rhian ang pagbaba niya ng tingin.

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now