7. Lie low

16.7K 401 35
                                    

JUNE 9, Tuesday noon

"Sakit ng paa ko." Si Rhian na kakasakay lang sa van. Papunta na sila sa PDI office sa Makati.

"Anyare?" Tanong ni Chynna sa kanya. Magkatabi sila sa 2nd row. Si Luis naman ay katabi ang driver sa harapan.

Napansin ni Chynna na may movie ticket sa gilid ng sapatos niya.

"Wow ha. Improvised band-aid?" Natatawang tanong nito.

"Haha. Oo. Wala kasi ako makita kaninang ipantatapal ko. Sakit na nga eh. Nagkapaltos na kasi. Ngayon ko lang kasi to nagamit mula nung binili ko a few months back. Lol."

"Kaya naman pala eh. Dami mo kasi pambili e. Haha. Palit ka na lang ng sapatos para comfortable ka.. Anyway, maiba ako. Ano yung sinasabi mo kanina?"

"About?"

"Yung Muay Thai kamo sa higaan? Ano yun? Di ko gets e."

Napangiti si Rhian kasi naalala niya na naman yung nangyaring kiss nila ni Glaiza kagabi.

Yung totoo, hindi niya na rin ine-expect na mangyayari pa yung ganon kagabi, knowing Glaiza, a very conservative Christian and shy type person. Kaya she's taking everything slow at the moment.
Nakakatawa man aminin pero sobrang dami ngang pumapasok sa isip niya na gusto niyang gawin dito kagabi (censored kaya di ko na sasabihin lol), pero pinili niyang huwag na lang mangyari, because she noticed Glaiza is different from the people she has known from the past. Ito yung tipong dapat sineseryoso, hindi pang-past time, hindi pang-experimental game lang, which she adores. At actually, dun sya mas nacha-challenge. She finds her interesting kasi sobrang iba nga ito from the rest. She's actually waiting for the perfect timing. She wants to clearly know what Glaiza thinks and feels about her. Ramdam niya naman, may something... pero ayaw niya mag-assume masyado unless manggaling talaga sa bibig nito. Pinipigilan niya sarili niya na hindi niya ito ma-creep out sa kung ano man ang kaya o pwede niyang gawin. Iniisip niya, kung nasa isang relasyon siguro silang dalawa, most of the time, siya siguro ang magiging aggressor. Yes, you heard me right. All those intense stares she gave Glaiza that were caught on and off cam, they were real.. she's friggin thirsty for that woman, lol! She has thrown Glaiza some hints na nga, heck for a several times, but in no luck, Glaiza didn't seem to bite them and it's freakin frustrating on her part. Sa isip niya, manhid lang ba talaga ito? O hindi lang talaga siya type? Wala bang chance magkaron ng gusto sa tulad niya ang tipo nito? Yung mga ganong tanong na somehow, medyo nakakapagpababa na ng low esteem niya. Is she really that bad ba for Glaiza's taste?

"Uy tinatanong kita.. Ano na?" Putol ni Chynna sa iniisip niya.

"Ah.. long story kasi eh. Tsaka si Glaiza na lang tanungin mo."

"Ayaw nga magsabi sakin nun e. Kaya nga ikaw na tinatanong ko."

Hindi sumagot si Rhian. Ngumiti lang ito.

Bumulong si Chynna sa kanya. "Magkasama ba kayo kagabi?"

Mas lalo napangiti si Rhian. Nahalata na ni Chynna kung ano ang ibigsabihin nun.

"I knew it! I knew it! Langya talaga yun, di man lang nagsasabi. May ganap na pala!"

"Ganap ka dyan. Wala naman nga eh."

"Alam mo, kung wala, hindi yun magde-deny sakin kanina. Eh nakita mo naman halos magkautal utal na nga kanina yun sa pagsisinungaling niya. Teka nga, ano bang klaseng "Muay Thai" ginawa nyo at nagkapasa-pasa yun?" Makahulugang tanong ni Chynna, though mahina lang ang boses nito. Tama lang na sila lang ang magkarinigan para iwas issue.

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now