5. In The Limelight

15.6K 356 31
                                    

JUNE 8, Monday evening

"So this is my place. Come in. Akin na yang bag mo." Abot ni Glaiza sa bag ni Rhian para ilapag sa loob ng isa sa tatlong bedrooms na naroroon. Pumasok ito sa gitnang room at nagpatuloy magsalita. "Nga pala, dito ka na matulog sa room na to. Malaki-laki kasi to eh. Dyan yung room ko sa unahan. Okay lang ba sayo?"

Biglang nawala ang ngiti ni Rhian sa mukha nung marinig yun. Sinadyang ipakita yun Kay Glaiza.

"Hmm. Okay, pero medyo nadisappoint lang ako."

"Huh? Bakit?Ayaw mo ba dito sa kwartong inoffer ko?" Worried na si Glaiza. Sabi niya sa isip, hirap talaga pag rich kid. Hirap imeet ang expectation.

"Hindi naman. Akala ko lang kasi sasabihin mo, dun na lang ako sa kwarto mo kasi malaki naman ang kama. Ahihi." Biglang ngiti ito. Tila may iniisip na kung ano.

Pinilit huwag mapangiti ni Glaiza. Ayaw niya magpaapekto sa mga ganong hirit ni Rhian.

"Naku. Nakakahiya naman sayo. Medyo maliit lang kasi ang higaan ko eh, kaya baka hindi ka maging komportable pag nagtabi pa tayo. Buti na nga lang eh umuwi na yung utol ko kanina umaga. Dito kasi siya natulog kagabi. Baka kasi kung naaabutan ka pa nun dito, eh kung ano pa ang isipin nun. Alam mo na."

"Akala ko naman, ang sasabihin mo, buti na lang at umuwi na yung utol mo sainyo para walang istorbo satin ngayon. Hahaha." Hirit pa more Rhian.

"Loka ka talaga. Ewan ko sayo. Haha."

Nilibot naman ni Rhian ng tingin ang kabuuan ng unit ni Glaiza. "Okay pala dito tahimik, mukhang komportable. Bakit never mo ko inaya dito sa bahay mo?"

"Hindi lang siguro nagkaron ng chance? And isa pa, lagi ka naman nasa galaan or nasa BGC pag wala sa taping, hehe, at ako din nasa studio at malls. Ginagawa ko nga lang bedspace tong bahay eh. Punta lang ako kitchen, what do you wanna eat? Cake? Fruits? How about drinks? Wait, upo ka muna dyan. Bisita kita eh." Dumerecho na si Glaiza sa kitchen, hindi na hinintay sumagot si Rhian.

Hindi umupo si Rhian, instead, sumunod ito sa kitchen.

Naglabas si Glaiza ng cake from the fridge at nagslice at nilagay sa isang platito. Naglabas din siya ng pitcher ng iced tea. Umupo si Rhian sa may dining table, para siyang batang pinapanuod si Glaiza sa ginagawa nito.

"Sige, relax ka lang dyan. Okay na ba tong cake? Or you want something else?"

"Ikaw."

"Anong ako? Ano ba? Magseryoso ka nga dyan!" Naiinis si Glaiza kasi kinikilig siya.

"Hmm. Actually, lablab, hindi pa naman talaga ako gutom eh. Pinagmamasdan pa lang kasi kita, busog na busog na ko eh."

Hindi maiwasan mapangiti ni Rhian pati sa banat niya. Nanatili siyang nakatitig kay Glaiza habang nakangiti. Tease Rhian is tease.

Napatigil si Glaiza sa ginagawa at napatingin kay Rhian. Actually, she was really having a hard time playing it cool.

"Kelan pa sumanib sayo si Althea, ha? Nakakailan ka na ha. Dinadaan mo ko sa mga banat mong ganyan eh. Sige ka, baka maniwala na ko sayo talaga. Haha." Biro na lang niya dito kunwari.

'Rhian, stop it. Hindi ko na kaya.' Bulong ni Glaiza sa sarili.

"Actually, pansin ko nga, nagkabaligtad tayo ng roles in real life e. Haha. Pansin mo ba? Ano kaya kung sa kwentong to, ikaw si Jade, ako naman si Althea? But this time, hindi JaThea ang bida, kundi RaStro. How cool is that?"

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now